11/05/2026
IN PHOTOS
Nagsagawa ang mga Mother Leaders at LLN ng Barangay Muzon Proper ng Barangay Profiling bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na makalikom ng mahalagang impormasyon tungkol sa kalagayan at pangangailangan ng bawat pamilya sa ating komunidad.
Layunin ng gawaing ito na magkaroon ng mas maayos, mabilis, at epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at serbisyong pangbarangay, lalo na sa usapin ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at iba pang serbisyong panlipunan.
11/05/2026
IN PHOTOS | Pinaigting na Pagpapatrolya para sa Kapayapaan at Kaayusan sa Muzon Proper
Patuloy na isinasagawa ng mga Barangay Tanod at Bantay Bayan Volunteers ng Barangay Muzon Proper ang mas pinaigting na pagpapatrolya sa iba’t ibang bahagi ng komunidad upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapanatagan ng bawat mamamayan.
Sa pamamagitan ng kanilang maagap na pagbabantay at walang sawang paglilingkod, higit na napapalakas ang seguridad at pagtutulungan sa barangay.
Sa pangunguna ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang Committee on Peace and Order sa pamumuno ni Kagawad Romeo Espanueva at ang buong Sangguniang Barangay, patuloy na pinagtitibay ang mga hakbangin upang mapanatili ang isang disiplinado, mapayapa, at ligtas na pamayanan.
11/05/2026
IN PHOTOS | Sama-samang Pagkilos para sa Mas Malinis at Mas Ligtas na Pamayanan
Noong Sabado, Mayo 8, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay Muzon Proper ang lingguhang Clean-Up Drive sa Sarmiento Homes Subdivision.
Sa pangunguna ng mga opisyal ng barangay, katuwang ang mga residente at mga boluntaryo, nagsagawa ng malawakang paglilinis sa mga lansangan, at iba pang pampublikong lugar upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng komunidad.
Layunin ng gawaing ito na maiwasan ang pagbaha, mapigilan ang pagdami ng lamok at pagkalat ng mga sakit tulad ng dengue, at higit sa lahat ay mapanatiling ligtas at malusog ang ating kapaligiran para sa bawat mamamayan.
11/05/2026
🌸 PAGPUPUGAY SA MGA INA 🌸
Ngayong Araw ng mga Ina, ating ipinagdiriwang at pinahahalagahan ang walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon ng bawat ina na nagsisilbing ilaw at haligi ng tahanan.
Sa bawat pag-aaruga, paggabay, at walang sawang pagsuporta, tunay na naipapakita ng ating mga ina ang kahulugan ng wagas na pagmamahal at kabayanihan sa loob ng pamilya.
Nawa’y magsilbing paalala ang espesyal na araw na ito upang maiparamdam natin sa ating mga ina ang pasasalamat, respeto, at pagmamahal na kanilang nararapat araw-araw.
Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng tahanan! 💐💖
08/05/2026
TINGNAN
Patuloy na nagsasagawa ang Pamahalaang Barangay Muzon Proper katuwang ang City Health Office ang libreng serbisyong medikal sa Barangay Health Center kahapon Mayo 7, 2026. Kabilang dito ang prenatal check-up para sa mga buntis at konsultasyong medikal para sa mga bata, matatanda, at iba pang nangangailangan ng agarang atensiyong pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng barangay na mas mapalawak ang akses ng mamamayan sa maayos, ligtas, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan. Mahalaga ang regular na pagpapatingin upang maagapan ang anumang karamdaman at mapanatili ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.
Patuloy ding hinihikayat ang lahat ng residente na makiisa at samantalahin ang mga serbisyong handog ng ating pamahalaang barangay para sa mas malusog, mas ligtas, at mas maayos na pamayanan.
📌 Iskedyul ng Serbisyo sa Barangay Health Center:
• Bakuna para sa mga sanggol – Tuwing Miyerkules
• Prenatal Check-Up – Tuwing Huwebes
06/05/2026
TINGNAN | Mas Mahigpit na Paalala para sa Malinis at Ligtas na Kapaligiran
Naglagay ang Pamahalaang Barangay Muzon Proper ng mga signage sa iba’t ibang bahagi ng barangay bilang paalala sa mahigpit na pagpapatupad ng No Open Burning, No Open Dumping, at No Littering.
Layunin ng inisyatibong ito na mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran, maiwasan ang polusyon, at maprotektahan ang kalusugan ng bawat mamamayan. Ang simpleng pagsunod sa mga alituntuning ito ay malaking ambag sa pagkakaroon ng maayos, ligtas, at kaaya-ayang komunidad.
Hinihikayat ang lahat na makiisa at maging responsable sa tamang pagtatapon ng basura at pangangalaga sa ating kapaligiran. Sa sama-samang pagkilos, makakamit natin ang isang mas malinis at mas maunlad na Barangay Muzon Proper.
06/05/2026
IN PHOTOS | Sama-Samang Aksyon para sa Mas Ligtas na Muzon Proper
Patuloy ang mas pinaigting na pagpapatrolya ng mga Barangay Tanod at Bantay Bayan Volunteers sa Barangay Muzon Proper bilang bahagi ng walang humpay na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Sa bawat hakbang at pag-iikot, ramdam ang kanilang dedikasyon na maprotektahan ang bawat pamilya at mamamayan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang Committee on Peace and Order na pinangungunahan ni Kagawad Romeo Espanueva at ang buong Sangguniang Barangay, patuloy ang pagkakaisa at pagkilos para sa isang komunidad na ligtas, maayos, at handa sa anumang hamon.
👮♀️ Mga Naka-duty na Opisyal:
Lunes – Kagawad Jessica Castillo
Martes – Kagawad Lito Gojo Cruz
Miyerkules - Rosalinda SD Facto
Huwebes – Kagawad Samboy Cataniag
Biyernes – Kagawad Manuel Disquitado
Sabado – Kagawad Romeo Espanueva
Linggo – Kagawad Rafael Ape
06/05/2026
IN PHOTOS
Isinasagawa ngayong araw, Abril 8, sa Muzon Proper Health Center ang libreng check-up at pagbabakuna para sa mga sanggol bilang bahagi ng National Immunization Program.
Ang programang ito ay mahalagang hakbang upang matiyak ang ligtas at malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na proteksiyon laban sa iba’t ibang sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Sa tulong ng City Health Office at ng Pamahalaang Barangay ng Muzon Proper, patuloy nating pinatitibay ang serbisyong pangkalusugan na abot-kamay at para sa kapakanan ng bawat pamilyang San Joseno.
Makilahok, magpabakuna, at sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng susunod na henerasyon.