03/06/2026
PABATID | LIBRENG TB MASS SCREENING (LIBRENG CHEST X-RAY)
Magandang araw po, mga Kabarangay!
Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga residente na may edad na 15 taong gulang pataas na makilahok sa Libreng TB Mass Screening (Libreng Chest X-Ray) na gaganapin sa ating Barangay.
🗓 Kailan: June 4, 2026 (Huwebes)
🕗 Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Saan: Brgy. Sto. Niño II Covered Court
Layunin ng programang ito na makatulong sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa Tuberculosis (TB) upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Ang maagang pagsusuri ay mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay.
📍: Brgy. Sto. Niño II Covered Court
👨💻: Jm Lee Yap Orate, BPIO | Brgy. Secretary
02/06/2026
PABATID | LIBRENG GUPIT PARA SA MGA KABARANGAY
Magandang araw po, mga Kabarangay!
Inaanyayahan po ang lahat na samantalahin ang Libreng Gupit na handog ng ating butihing Konsehala Hon. Rosalyn “Doktora” Cabuco, sa pakikipagtulungan at pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Reynaldo C. Francisco.
🗓 Kailan: June 3, 2026 (Miyerkules)
🕗 Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Saan: Brgy. Sto. Niño II Covered Court
Ang programang ito ay bukas para sa lahat ng residente—maging estudyante, kababaihan, kalalakihan, kabataan, at nakatatanda.
Tara na at magpagupit nang libre! Sama-sama nating samantalahin ang programang hatid para sa ating komunidad.
📍: Brgy. Sto. Niño II Covered Court
👨💻: Jm Lee Yap Orate, BPIO | Bgry. Secretary
08/05/2026
PABATID | MOBILE LATE REGISTRATION
Magkakaroon po ng Mobile Late Registration sa ating Brgy. Sto. Niño II Covered Court sa darating na:
🗓 May 20, 2026
🕗 8:00 AM – 4:00 PM
Para po sa mga nais mag-avail ng Late Registration, kinakailangan pong magtungo muna sa ating Barangay Hall – Admin Office upang kumuha at magsagot ng kinakailangang form bago ang mismong araw ng registration.
MGA REQUIREMENTS NA DAPAT DALHIN SA ARAW NG REGISTRATION:
-register on PhilSys - bata at magulang
-School Record na may birthdate
-Baptismal Certificate
-2x2 Picture ng bata (2 piraso)
-Negative PSA ng bata
-Valid ID ng magulang na may tatlong pirma
-Brgy. Certification of Late Registration
NOTE: XEROX COPY OF ALL DOCUMENT
Inaanyayahan po ang lahat na ihanda ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng registration.
📍: Brgy. Sto. Niño II Covered Court
👨💻: Jm Lee Yap Orate, BPIO | SK Secretary
06/05/2026
IN PHOTOS | LIBRENG TULI PROGRAM
Tuloy-tuloy ang serbisyo ng ating Pamahalaang Barangay sa pamamagitan ng isinagawang Libreng Tuli nitong April 22, 2026, para sa kapakanan ng ating mga kabataang kabarangay.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ating Punong Barangay Hon. Reynaldo C. Francisco, kasama ang ating mga Barangay Kagawad, sa pangunguna ng Head of Committee on Health, Hon. Leodigario L. Uy.
Pinangunahan din ito ng ating masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) kasama sina:
• Midwife Ma. Bernadette Ramos
• Midwife Aurora Castor
• Nurse Sunrise Bandola
• Doc. Rodrigo Camigla
Sila ang nagsagawa ng tuli at nagbigay ng serbisyong medikal sa ating mga kabataan bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalusugan at kalinisan sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito!
📍: Barangay Sto. Niño II
👨💻: Jm Lee Yap Orate, BPIO | SK Secretary
05/05/2026
LOOK: (L-R) SJDM Water District Department Manager Atty. Leah Javier, SJDM Rep. Arthur Robes, SJDM Mayor Florida Robes, and SJDM Water District Chairman Aurelio Jose Jr. present the “Notice of Takeover” issued against PrimeWater Infrastructure Corp. – San Jose del Monte, Bulacan, on Tuesday, May 5. The order, pursuant to City Ordinance 2026-03-012, officially grants the Local Government Unit of San Jose del Monte control over assets and facilities related to water and wastewater systems managed by the company.
The city government says the move comes amid prolonged and recurring water service interruptions affecting more than 250,000 residents. Officials cite the General Welfare Clause under the Local Government Code as the basis for the takeover of PrimeWater’s water distribution assets and facilities in the city.
📷: Santi San Juan | MB
20/04/2026
IN PHOTOS | PAMAMAHAGI NG CHALEKO AT SUMBRELO SA MGA BARANGAY TANOD
Kamakailan lamang, April 13, ay matagumpay na naipamahagi sa ating masisipag na Barangay Tanod ang kanilang mga bagong chaleko at sumbrero na magsisilbing dagdag pagkakakilanlan sa kanila bilang mga bantay ng kaayusan sa ating Barangay, lalo na tuwing naka-duty at sa oras ng pagresponde.
Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ni Hon. Ricardo B. Barchita, kasama ang ating Punong Barangay Hon. Reynaldo C. Francisco.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta at pagbibigay halaga sa ating mga tanod na walang sawang naglilingkod para sa kaligtasan at kapayapaan ng ating komunidad.
📍: Barangay Sto. Niño II
👨💻: BPIO STO NIÑO II
17/04/2026
TINGNAN: TATLO ARESTADO SA 'POT SESSION' SA BRGY STO NINO 2 CSJDM;BULACAN 46 GRAMOS NG MA*****NA, NAKUMPISKA
Arestado ang tatlong lalaki matapos mahuli Habang nag ma*****na sa Barangay Sto. Niño II, bandang ng madaling araw,
Kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas bilang alyas na sina :- "Ed" - 21 anyos,
- "Jas" - 19 anyos, at alyas- "Cedric" - 20
Sila ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sections 11, 13, at 14, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon mula sa Barangay Tanod tungkol sa grupo na nag-iinuman at gumagamit ng droga sa kahabaan ng Mangga Street.
Agarang inakyunan ng Sector 4 sa Pangunguna ni Pcapt Ruel Medrano kasama ang Pwersa ng Sector 4 sa ilalaim na pamumumo ng Hepe ng San Jose Delmonte Pnp na si Pltcol Resyon M Bagain
Pagdating ng mga otoridad, nahuli di umano ang mga Suspect ng pagsisinghot ng hinihinalang ma*****na gamit ang mga glass tooter.
Nakumpiska sa mga Drug Suspect ang Isang bukas na sachet ng ma*****na
- Dalawang glass tooter na may residue
- Dalawang lighter
- Isang malaking ziplock ng ma*****na
- Dalawang medium size na ziplock ng ma*****na at Isang maliit na ziplock ng ma*****na
Tinatayang 46 gramo ang kabuuang bigat ng nasamsam na droga na nagkakahalaga ng ₱5,520.00.
Dinala na ang mga suspek at ebidensya sa SJDM CPS at dadalhin sa Malolos Forensic Office para sa pagsusuri habang inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila.
11/04/2026
IN PHOTOS | MAS PINAIGTING NA RONDA AT OPLAN GALUGAD SA BARANGAY STO. NIÑO II
Mas pinaigting at pinalakas ang pagbabantay at pagroronda ng ating mga Barangay Tanod katuwang ang CSJDM Police, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Oplan Galugad sa ating barangay.
Isinagawa ang operasyon kaninang madaling araw, April 11, 2026, ganap na 1:30 AM, bilang hakbang upang masigurong ligtas at maayos ang ating komunidad kahit sa oras ng gabi.
Layunin ng operasyong ito na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at alituntunin, alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa isinagawang operasyon, patuloy na binabantayan at ipinapatupad ang:
- Curfew para sa mga menor de edad
- Videoke hanggang 10:00 PM lamang
- Pagbabawal ng pag-inom sa pampublikong lugar
- Paglabas sa lansangan nang walang maayos na kasuotan o pag huhubad
Hindi po ito ang huling operasyon, asahan ang mga susunod pang magkasanib na pagroronda ng ating kapulisan at Barangay Tanod, at gabi-gabi ay patuloy na paiigtingin ang Oplan Galugad upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating barangay.
Patuloy ang panawagan sa lahat ng Kabarangay na makiisa at sumunod sa mga alituntunin para sa isang ligtas at maayos na komunidad.
📍: Barangay Sto. Niño II
👨💻: STO NIÑO II BPIO