31/12/2025
Isang mapagpala at masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!
Sa ating pagpasok sa taong 2026, nawaโy baunin natin ang mga aral at katatagang nakuha natin mula sa nagdaang taon. Ang bawat bagong simula ay isang mahalagang pagkakataon upang muling mangarap, magsumikap, at maglingkod nang may katapatan at pagmamahal sa kapwa.
Dalangin ko ang inyong kaligtasan, tagumpay sa bawat adhikain, at patuloy na pagkakaisa ng ating komunidad. Maging puno nawa ang inyong mga tahanan ng kapayapaan at biyayang walang hanggan.
Manigong Bagong Taon sa ating lahat!
06/11/2025
Magandang balita!
๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ก๐!
Sa naganap na ika-17 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng ika-12 Sangguniang Bayan na ginanap noong ika-27 ng Oktubre, 2025, ay tuluyan ng sinang-ayunan at pinagtibay ang ating mga isinulong na panukalang ordinansa upang lalong maisaayos SOLID WASTE MANAGEMENT sa ating barangay alinsunod sa Republic Act 9003.
๐๐๐ฟ๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐ฝ๐๐. 001-2025
โIsang Ordinansa na nagpapatupad ng mga alituntuning nagbabawal sa ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ป๐ผ๐ด, ๐ฎ๐ ๐ถ๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ sa nasasakupan ng Barangay Tibig at pagpapataw ng nararapat na kaparusahan sa mga lumabag dito.โ
๐๐๐ฟ๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐ฝ๐๐. 002-2025
โIsang Ordinansang ipinapatupad ang alituntuning โ๐ก๐ผ ๐ฆ๐ฒ๐ด๐ฟ๐ฒ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ก๐ผ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐โ sa lahat ng kabahayan, Establisyemento, at institusyon sa Barangay Tibig, bilang bahagi ng maayos na pamamahala sa Solid Waste Management alinsunod sa Republic Act. 9003.โ
Layunin ng mga ordinansa na ito ang ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐ก ๐ฎ๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐๐ก๐ ng bawat mamamayan sa mabuting pamamahala sa kanilang mga basura.
๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ง ๐๐๐๐ฌ๐จ๐ฆ๐๐ก at upang mabawasan ang ating suliranin sa basura.
16/10/2025
Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan ๐ต๐ญ
Magpa-rehistro mula October 20, 2025 hanggang May 18, 2026, 8:00AM-5:00PM, Lunes hanggang Sabado, kasama ang Holidays.
Para naman sa mga probinsya sa BARMM, ang voter registration ay mula May 1-18, 2026.
PAALALA: Magdala ng isang valid government-issued ID. Hindi tatanggapin ang cedula, Barangay-issued Certificate at Barangay ID.
PS. Tatanggapin ang lahat ng uri ng aplikasyon, kasama na ang TRANSFER.
28/05/2025
๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ!
Tara na, magbrigada na!
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa taong pampanuruan 2025โ2026, isasagawa ang Brigada Eskwela sa darating na Hunyo 9โ13, 2025. Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, estudyante, alumni, partners, at iba pang miyembro ng komunidad na makiisa sa gawaing ito upang mapaghandaan ang pagbabalik ng ating mga mag-aaral.
๐ Ano ang kailangan?
May mga kagamitan po tayong kinakailangan para sa paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan. (Makikita po sa mga kalakip na larawan ang listahan ng ilan sa mga ito)
๐ค Paano tumulong?
Lubos po namin ipagpapasalamat ang mga nais mag-volunteer! Maaaring makipag-ugnayan agad sa aming opisina o mag-iwan ng mensahe sa aming FB page upang maayos natin ang inyong schedule ng pakikiisa sa buong linggo ng Brigada Eskwela.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit para sa ating paaralan at mga mag-aaral. Sama-sama nating ihanda ang ligtas, maayos, at masiglang pagbabalik-eskwela sa Paaralang Elementarya ng Tibig.
See translation
01/03/2025
โ๐๐๐๐๐ ๐๐โ ๐๐๐โ
Isang masayang hapon ang ating natunghayan noong ika-27 ng Pebrero, 2025 ng ating isagawa ang ating programang โBINGO KAโ DAYโ kasabay ng ating kampanya upang mas maipaalam ang mga mahahalagang impormasyon para sa โBARANGAY INFORMATION CASTING SYSTEMโ at bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng โNational Womenโs Monthโ ngayong buwan ng Marso.
Ang simpleng proyekto pong handog ng inyong lingkod ay naging posible sa pakikipag-tulungan ng SMART Communications Inc.
Taos-pusong pasasalamat din po sa ating mga kasamahan sa paglilingkod at mga kaibigan na ginawang extra-special ang hapon na ito sa pagbibigay ng mga karagdagang pa-premyo para sa ating programa. Maraming Salamat po:
Konsehal Aron Ronald Cruz
Konsehal Jenar Du
Kapitan B**g Obias
At sa ating Punong Barangay Maria Rosario L. Gamboa.