Provincial Tourism Office-Bulacan

Provincial Tourism Office-Bulacan

Share

events, seminars, trainings...........

Photos from Daniel R. Fernando's post 28/11/2020
18/11/2020

PAHAYAG NI GOBERNADOR DANIEL R. FERNANDO
PUNONG LALAWIGAN NG BULACAN

HINDI DAM PROTOCOL KUNDI ANG MAPAMINSALANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE ANG SANHI NG MALAWAKANG PAGBAHA KAUGNAY NG BAGYONG

“Ang pabago-bagong klima, na bunga ng aktibidad ng tao at pagwawalang-bahala sa kalikasan, at hindi ang “water management protocol ng mga dam” ang sanhi ng malawakang pagbahang nararanasan natin ngayon. Nagkakaisa ng pahayag ang mga dalubhasa sa buong mundo na ang global warming ay magdudulot ng climate change o pababago-bagong klima na lagi nang magiging banta sa ating kabuhayan at kaligtasan. Ang sea level rise, bunga di ng pag-init ng mundo, ay patuloy na magdudulot ng mas mapaminsalang mga bagyo, mas malalakas na pag-ulan at kasunod na malawakang pagbaha. Itong mga pagbaha kaugnay ng bagyong Ulysses ay hindi po dahilan lamang sa nagpakawala ng tubig sa mga dam. Kapag ang dam water management protocol ay hindi isinagawa, higit na maraming buhay ang malalagay sa panganib.

Kapag umapaw ang tubig sa dam, naroon lagi ang peligro ng dam break — ang pagdaloy ng tubig palabas ng dam ay hindi na natin maaawat at wawasakin ng malakas na daloy ng tubig ang bawat nakatayo sa kanyang daraanan. Kaya nga po binigyang-diin ng NIA at PAGASA na ang pagpapakawala ng tubig mula sa ating mga dam ay para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan. Inaasahan natin ang pagsasaayos ng anumang kakulangan patungkol dito.

Nauunawaan po natin ang ating mga kababayan, na sa kanilang takot at pagkaligalig , ay natutuon ang usapan sa dam release bilang “easy target” sa sitwasyong ito. Ang hindi po natin maunawaan ay 'yung ibang kapwa lingkod-bayan na may halong paninisi kahit walang basehan. Sana ay huwag nating gamitin ang kalamidad para maka-iskor lamang sa pulitika. Sa halip na maghanap ng mapapagbuntunan ng sisi, bakit hindi natin pagtulung-tulungan kung ano ang solusyon sa ating mga problema?

Nasaksihan natin na hindi lamang sa Bulacan nangyayari ang mapaminsalang epekto ng pabagu-bagong klima. Ito ay nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito ay pandaigdigang isyu at wala pang lubos na nakasusukat sa maaari pang mangyari kung hindi tayo kikilos nang sama-sama.

Ito na po ang panahon para pag-usapan ng mas malalim at mas malawak ang “local climate change mitigation and adaptation.” Ako ay nananawagan sa lahat, kumilos tayo para pangalagaan ang ating likas yaman-- ang kalupaan, kabundukan, at katubigan. Dapat pangunahan ng pamahalaan ang magkakaugnay na mga patakaran at panukala para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang walang patumanggang pagkakalat, malabanan ang polusyon, at magkaroon ng sapat na kahandaan sa mga kaugnay na suliranin ng pabago-bagong klima tulad ng biglaang mga unos, malalakas na ulan at mga pagbaha.

Climate change is the defining issue of our time. Ito ang resulta ng pag-abuso ng tao sa kalikasan. Hindi rin maikakaila na ito ang resulta ng kawalan ng aksyon ng pamahalaan noon pa mang mga nagdaang panahon. Hindi po naging prayoridad ang isyu ng climate change, at ito ay isang katotohanan sa buong mundo, hindi lamang sa Pilipinas. Ang totoo ay pwede pa nating ituwid ang pagkukulang ng mga nagdaang panahon. Mapa-pulitiko o pribadong tao, this is our shared responsibility. It is better to take action than to point fingers. Wala nang mas mahalaga ngayon kundi kumilos para sa kapakanan ng ating mga kababayan.”

GOBERNADOR DANIEL R. FERNANDO
LALAWIGAN NG BULACAN





31/10/2020

Mahalagang Pabatid sa Publiko
THE GOVERNOR’S UPDATE



“Ibayong PAG-IINGAT AT PAGHAHANDA ang hinihiling sa lahat kaugnay ng mga ulat ng tumitinding ulan at hanging dala ng paparating na BAGYONG ROLLY. Sa kabila nito, pawiin po natin ang takot at pangamba sa halip ay KUMILOS NG MAY PAGKAKAISA. Tandaan po natin na sa hudyat ng SALITA NG DAKILANG DIYOS ay sumusunod maging ang hangin at dagat. Tayo po ay sama-samang manalangin ng mataimtim upang IPAG-ADYA ANG ATING LALAWIGAN SA PANGANIB AT PINSALANG dulot ng Bagyong Rolly. Nananawagan din tayo ng panalangin sa lahat ng religious groups para sa ating sama-samang pagsamo sa ating Panginoon.

• Agad nating pinulong ang PDRRMC para sa mahahalagang pagkilos at paghahanda. Ipinag-utos ng inyong lingkod ang pagtatalaga at paghahanda ng BULACAN CAPITOL GYMNASIUM AT BULACAN SPORTS COMPLEX, bilang designated EVACUATION CENTERS para sa paglikas ng mga maapektuhang pamilya kaugnay ng .

• Magkakaroon tayo ng regular updates sa taya ng panahon sa ating official pages, at mga mahahalagang Public Advisory patungkol sa RollyPH sa pakikipag-ugnayan sa ating mga Punong Bayan/Lungsod at mga Municipal/City DRRMC. Maglalabas tayo ng talaan ng low-lying areas at iba pang mahalagang datos para sa mahigpit na koordinasyon sa paglikas at pangangalaga ng mga apektadong kabahayan.

• Inatasan din po natin ang Provincial Social Welfare and Development Office na ihanda ang paunang bilang ng 20,000 food packs para sa dagliang mga pangangailangan. Ito ay patuloy na paglalaanan hanggang sa tayo ay makaraos na nagbabantang unos.

• Patuloy ko pong sinusubaybayan, kasama ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga pinakahuling taya ng panahon sa ating state-of-the-art Communication, Command & Control Center sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at sa pamamagitan ng DOST-PAGASA, WindyTV, Typhoon 2000, at NoGaps.

• Itinatagubilin po natin sa bawat Bulakenyo pagsubaybay sa mga OPISYAL NA IMPORMASYON sa radyo, telebisyon, mobile messages, at official social media sites ng Pamahalaang Panlalawigan.

• Tandaan po natin ang mga numerong dapat tawagan sa anumang emerhensiya kaugnay ng paparating na bagyong Rolly
Bulacan Rescue:
(044) 791-0566
0905-333-3319
0942-367-1455.

• ANG LALAWIGANG HANDA AY MALALAYO SA MATINDING PINSALA. Tinatawagan po tayo na maging alerto sa mga panahong tulad nito. Subaybayan po natin ang tamang impormasyon at maging mapagmatyag. Kung kailangan ng dagliang tulong sa anumang emergency, kami sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay patuloy na nagsisikap umagapay sa lahat.

~ GOBERNADOR DANIEL R. FERNANDO LALAWIGAN NG BULACAN

08/10/2020
Photos from Provincial Government of Bulacan's post 01/10/2020
15/08/2020
18/01/2020
Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Provincial Capitol Compound
Bulacan
3000