24/05/2026
Sangguniang Barangay ng Tabon
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Tabon, Government Organization, Tabon, Pulilan, Bulacan.
24/05/2026
24/05/2026
Isang nakakabilib na halimbawa ng katapatan at kabutihan ang ipinakita ni Jerry Ann Cabildo. ππ±
Matapos makita ang isang cellphone, agad niya itong dinala sa barangay upang mahanap ang tunay na may-ari. Hindi naman nagtagal ay dumating din ang may-ari ng cellphone at matagumpay itong naibalik.
Sa murang edad, ipinakita ni Jerry Ann na ang pagiging tapat at mabuting tao ay napakahalaga. Isa kang inspirasyon sa marami! π
Saludo kami saβyo, Jerry Ann Cabildo. Nawaβy dumami pa ang kabataang may mabuting puso tulad mo. π
22/05/2026
Weekly Clean Up Drive (May 16, 2026)
22/05/2026
Weekly Clean Up Drive (May 9, 2026)
22/05/2026
BaRCO (May 11, 2026)
22/05/2026
π ISKOLAR NG SK, IKAW NA BA ANG SUSUNOD?
Good news, Kabataang Tabon! Bukas na ang registration para sa Sangguniang Kabataan Scholarship Program na susuporta sa inyong pag-aaral hanggang kolehiyo!
π Para sa lahat ng Grade 12 at College Students
π Examination Date: May 31, 2026 (8:00 AM)
π Venue: Tabon Elementary School
π Ang examination ay may 50 items lamang.
π Coverage:
β’ Basic Science
β’ Mathematics
β’ Basic English
β’ Government Knowledge
β’ Filipino
PAALALA: Sagutan na ang Google Forms na naka-attach sa caption para makapag-register.
https://forms.gle/UJZUC2MX44qrQmJu9
22/05/2026
πβ¨ MAG-ARAL AT ABUTIN ANG PANGARAP! β¨π
Inaanyayahan ang lahat ng kabataan at mga nais muling makapag-aral na mag-enroll sa ALS (Alternative Learning System) ng ALS Pulilan District. π
β
Elementary Level β edad 13 pataas
β
Junior High School Level β edad 16 pataas
π Mga kailangan:
β’ Birth Certificate (Photocopy)
β’ Form 137
Huwag hayaang maging hadlang ang edad o sitwasyon upang maabot ang inyong mga pangarap. Ang ALS ay bukas para sa lahat na nagnanais makapagpatuloy ng pag-aaral at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. π
Mag-enroll na at maging bahagi ng ALS Family! πͺπ
04/05/2026
πΏ WEEKLY CLEAN-UP DRIVE | May 02, 2026 πΏ
Matagumpay na naisagawa ang ating lingguhang clean-up drive kung saan nilinis at inihanda ang pagtataniman para sa ating nalalapit na Community Garden π±
Nagkaisa at nakilahok sa gawaing ito ang ating mga Kagawad, Mother Leaders, Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), Barangay Tanod, at Barangay Health Workers (BHW).
Maraming salamat sa inyong oras, lakas, at dedikasyon para sa ikauunlad at kalinisan ng ating barangay. Ang simpleng pagtutulungan ay malaking hakbang tungo sa mas maayos, malinis, at luntiang komunidad π
π Sama-sama nating itaguyod ang kalinisan at kaayusan para sa kapakanan ng lahat!
28/04/2026
πΏ WEEKLY CLEAN-UP DRIVE πΏ
(April 25, 2026)
Isang araw ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa kalinisan ng ating komunidad! π
Ngayong araw, sama-sama nating isinagawa ang paglilinis at paghahawan ng kapaligiran kasama ang ating Kapitan, mga Kagawad, Tanod, LLN, Mother Leaders, BHW, at iba pang volunteers. π±
Sa pamamagitan ng simpleng gawaing ito, napapanatili nating maayos, ligtas, at malinis ang ating barangay para sa kapakanan ng lahat. β¨
Maraming salamat sa inyong oras, sipag, at dedikasyon. Patuloy po tayong magtulungan para sa mas maayos at maunlad na komunidad! πͺ
19/04/2026
π± WEEKLY CLEAN-UP DRIVE | April 18, 2026 π±
Nagkaisa ang ating komunidad sa isinagawang weekly clean-up drive (April 18, 2026), katuwang ang ating masisipag na Barangay Kagawad, Barangay Tanod, LLN, at Mother Leaders. πͺ
Sa tulong ng bawat isa, nalinis natin ang ating kapaligiran at napanatili ang kaayusan at kalinisan sa ating barangay. Ang simpleng pagtutulungan ay malaking hakbang para sa mas ligtas at mas maayos na komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa ating mga programa! π
π’ Patuloy po nating alagaan ang ating kapaligiran. Sama-sama tayo para sa mas malinis at maunlad na barangay!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Bulacan
