08/07/2026
PRE-DISASTER MEETING NG LAHAT NG MGA DEPARTAMENTO AT MGA KINAUUKULANG AHENSYA
Bilang paghahanda sa anumang posibleng epekto ng masamang panahon at iba pang kalamidad, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Santa Rosa ng Pre-Disaster Meeting kasama ang lahat ng mga departamento ng LGU at mga kinauukulang ahensya.
Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang kahandaan ng bawat tanggapan, palakasin ang koordinasyon, repasuhin ang mga contingency plan, at ihanda ang mga kinakailangang kagamitan, tauhan, at mga hakbang upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa anumang emerhensiya.
Sa pangunguna ni Mayor Christopher โTupengโ Aguilar, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, maagap na pagkilos, at sama-samang responsibilidad sa pangangalaga sa buhay, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayan ng Santa Rosa.
Patuloy na hinihikayat ang lahat ng mamamayan na manatiling mapagmatyag, makinig sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan, at makiisa sa mga programang pangkahandaan sa sakuna.
Sa Bagong Santa Rosa, Lahat Kasama!