Barangay Marinig

Barangay Marinig

Share

Official page of Barangay Marinig

Photos from Barangay Marinig's post 28/05/2026

Naganap ngayong araw ang Libreng Abogado sa ating barangay kung saan ang mga residente ay na bigyan ng pagkakataong makakuha ng libreng legal na payo at konsultasyon para sa kanilang mga suliranin at katanungan sa batas.

Layunin ng programang ito na mailapit ang serbisyong legal sa mamamayan at mabigyan sila ng tamang gabay at kaalaman ukol sa kanilang mga karapatan.


27/05/2026

𝗠𝗔𝗬 π—”π—•π—’π—šπ—”π——π—’ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬!

May libreng konsultasyon at legal advice para sa ating mga kabarangay ngayong darating na Mayo 28, 2026 (Miyerkules), 9:00AM hanggang 11:00AM sa Barangay Hall, Purok 5.

Kung may mga katanungan o suliraning legal na nais ikonsulta, ito na ang pagkakataon upang mabigyan ng tamang payo at gabay.

πŸ“First come, first serve!

Serbisyong HAIN para sa mamamayan ng Marinig!

27/05/2026

Ipinaaalam sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng kalsada kaugnay ng pagdaraos ng Flores de Mayo Procession.

πŸ—“οΈ Petsa: Mayo 30, 2026 SABADO
πŸ•’ Oras: 4PM-6PM
πŸ“ Apektadong Kalsada: Buong Kahabaan ng Kalsada ng Marinig (Purok 6-Purok 1)

Ito po ay upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng prusisyon. Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at makiisa sa ipatutupad na traffic management.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

27/05/2026

Maligayang Kaarawan Richard Dondon Hain!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at maraming biyaya.

Maraming salamat sa inyong serbisyo at pagmamalasakit sa komunidad. Hangad namin ang inyong kaligayahan at tagumpay sa bawat araw.


Photos from Barangay Marinig's post 27/05/2026

πŸ“’ PAALALA SA MGA MOTORISTA AT MAMAMAYAN

Isinasagawa ang pagpipintura ng Pedestrian Lane sa paligid ng mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga tumatawid.

🚸 Pinapaalalahanan ang lahat na:
βœ… Magbagal sa school zone
βœ… Igalang ang pedestrian lane
βœ… Sumunod sa mga traffic enforcer at karatula
βœ… Iwasan muna ang pagparada sa lugar na may ginagawang markings

Maraming salamat sa inyong pakikiisa para sa mas ligtas na komunidad at paaralan.

26/05/2026
Photos from Barangay Marinig's post 25/05/2026

Higit pa sa mga papremyo ang saya at pagkakaisa na hatid ng Grand Raffle sa Kapistahan ng SouthVille!

Mula sa simpleng papremyo hanggang sa malalaking sorpresa, tunay na dama ang saya, excitement, at pagmamahalan ng bawat pamilyang dumalo.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa ating pista. Ang inyong mga ngiti at kasiyahan ang tunay na panalo sa araw na ito!

Photos from Barangay Marinig's post 25/05/2026

Matagumpay na naidaos ang YAKAP PhilHealth Caravan na naghatid ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay suporta upang maging maayos at matagumpay ang programang ito para sa kalusugan ng bawat pamilya.




24/05/2026

Happy Fiesta, SouthVille Marinig!

Nawa’y maging masaya, ligtas, at puno ng biyaya ang pagdiriwang ng ating kapistahan. Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaisa, pagmamahalan, at kasiyahan ng bawat pamilya at residente ng SouthVille Marinig.

β€œAng tunay na diwa ng pista ay nasa saya at pagkakaisa ng bawat mamamayan.”

Want your business to be the top-listed Government Service in Cabuyao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Purok 5 Marinig
Cabuyao
4025