03/09/2026
EPS RODOLFO BALLAD, NAGSAGAWA NG END-TERM MONITORING SA CORDOVA CENTRAL SCHOOL
CORDOVA, Cagayan — Nagsagawa ng End-Term Monitoring si Education Program Supervisor (EPS) in Filipino Rodolfo Ballad sa Cordova Central School upang masuri ang pagpapatupad ng mga programa, gawain, at proseso sa pagtuturo at pagkatuto sa paaralan.
Isinagawa ang monitoring bilang bahagi ng patuloy na paggabay at pagsubaybay sa mga paaralan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programa ng Department of Education (DepEd)
Pinahalagahan naman ng pamunuan at mga g**o ng Cordova Central School ang monitoring, dahil nagsilbi itong pagkakataon upang matukoy ang mga kalakasan at mga aspetong nangangailangan pa ng pagpapabuti.
Sa pagtatapos ng monitoring, nagpahayag ng pasasalamat ang paaralan kay Ballad sa kanyang panahon, gabay, at suporta.