22/10/2024
UPDATE ‼️
Nakipag ugnayan po ang ating SKN President Ello John Soriano Miole kay Mayor Kit Nieto regarding sa request natin patungkol sa pagpapasipsip at paglilinis ng Kanal sa IPIL, CHICO, AT KAMAGONG, (Flood Prone Areas) sa Cainta side ng ating community.
Ito ay naka-Schedule sa Tuesday, OCTOBER 29, 2024.
Maraming Salamat po! 🫰🏼
22/10/2024
Dumating ngayon umaga ang mga tauhan ng RMO ng Barangay San Juan upang tingnan yung kalagayan ng mga kanal natin. Base sa nakita namin ay maayos pa ang daloy at walang mga nakabarang mga basura.
Dahil sa kapal ng sementong nakatakip sa ating drainage ay di nila kakayaning buksan lahat ng iyon at linisin.
Kagabi po nag-text tayo ng personal kay Mayor Kit Nieto regarding sa issue ng baha at kanal natin at approved naman po ulit ang request natin, dahil sila po ang mas may kakayahan na buksan at linisin ang ating mga kanal.
Pasensya na po at limitado lang talaga ang kakayahan ng ating Pamahalaaang Barangay para sa mga pagawaing ganito.
21/10/2024
Ang Samahang Kit Nieto - St. Anthony Chapter ay nag-request sa Pamahalaang Barangay San Juan na mapalinis ang mga kanal sa mga sumusunod na street na lubhang apektado kapag bumubuhos ang malakas na pag-uulan.
- IPIL ST.
- CHICO ST.
-KAMAGONG ST.
Tayo din po ay nag-request ng Misting laban sa Lamok-Dengue sa ating komunidad, kasabay ng pag-uulan ay ang pagdami ng mga kiti-kiti at lamok sa ating lugar na maaaring magdulot ng sakit na Dengue.
Maraming Salamat sa Barangay San Juan at pinagbigyan ang ating request na mapalinis ang ating Kanal this week at mag-misting sa susunod na linggo.
01/10/2024
OPISYAL NA PAGPAPAHAYAG NG SUPORTA 🤝
Ang Samahang Kit Nieto - St. Anthony Chapter ay pormal na ini-endorso ang TEAM ONE CAINTA sa pangunguna ni Atty. Johnielle Kit Nieto at Vice-Mayor Ace Servillon at buong Konseho.
Ang pagsuportang ito ay pagsuporta sa nasimulan ng One Cainta simula 2013 hanggang sa kasalukuyan. Ang laki na ng pinagbago ng bayan natin simula noon, ang mga bagay na akala natin na hanggang pangarap na lang ay ngayon nabibigyang katuparan.
Susuporta ang SKN- St. Anthony sa tapat na pamamahala, malasaki, tapat at puso sa serbisyo publiko.
28/06/2024
Pakikiramay sa mga naulila...
Ang Samahang Kit Nieto - St. Anthony Chapter ay nalulungkot na Ibalita ang pagpanaw ng isa sa aming officer na si Eva Sandagon ngayong araw June 28, 2024.
Ang SKN St. Anthony ay nakikiramay sa pamilyang naiwan ni Ate Ibang na isa sa masipag at mapagkakatiwalaan naming officer lalo kapag eleksyon siya ang aming 'One Call Away'. 🙏
19/08/2022
FOR YOUR INFORMATION ‼️‼️
Credit: Saint Anthony Homeowners Association.
16/08/2022
Agosto 17, 2022
Ang Samahang Kit Nieto St. Anthony Chapter po ay magbibigay ng Request letter para sa ating Punong Barangay Normita Naval-Felix kaugnay ito sa ating Footbridge sa Valley Golf Ortigas Extension kung saan madilim ang nasabing Footbridge at delikado para sa mga mananawid nating Kapitbahay at ka-barangay.
Bukas po Agosto 17, 2022 ay magpapadala po tayo ng liham upang humingi ng tulong sa Barangay San Juan sa pangunguna ni PB Felix na mapalagyan ng ilaw ang nasabing Footbridge.