02/06/2026
06.02.2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐Gloria St., Marick Subdivision
Kanina ay nakatanggap tayo ng report ukol sa baradong kanal sa lugar. Agad itong ininspeksyon, at ngayong araw ay isinagawa ang declogging operation upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.
Makikita sa mga larawan ang dami ng basura, patunay na ang maling pagtatapon ng kalat ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbabara ng ating drainage system.
๐ Paalala:
โ Huwag magtapon ng basura sa kanal at panatilihing malinis ang kapaligiran.
Lubos ang pasasalamat sa ating masisipag na Utility Workers sa kanilang dedikasyon at walang sawang serbisyo para sa ating barangay. ๐๐ช
02/06/2026
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ปโโ๏ธ๐๐ป
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, ang BSD Wellness Team, sa pakikipagtulungan ng Marick Elementary School SPTA, ay magsasagawa ng Libreng Gupitan para sa mga mag-aaral ng Marick Elementary School.
๐
June 3, 2026
โฐ 9:00 AM โ 11:30 AM
๐ MES Auditorium
Inaanyayahan ang mga mag-aaral na samantalahin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng maayos at malinis na gupit para sa pagbabalik-eskwela.
Magkakaroon din ng pampering activity para sa mga g**o ng Marick Elementary School bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa edukasyon ng ating kabataan.
Ang programang ito ay handog ni Punong Barangay Janice Gomez Tacsagon at Sangguniang Barangay, katuwang ang BSD Wellness Team at MES SPTA.
02/06/2026
05.30.26
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa ng ating Barangay ang Project Laro: Traditional Games sa San Buena Court, isang programang naglalayong muling buhayin ang mga larong Pilipinong kinagisnan ng mga nakaraang henerasyon at maipakilala ito sa ating mga kabataan.
Sa pamamagitan ng mga tradisyunal na laro, nabigyan ng pagkakataon ang mga bata na makisalamuha sa kanilang kapwa, maging aktibo sa pisikal na gawain, at maranasan ang saya ng paglalaro sa labas sa halip na magbabad sa mga gadgets at social media.
Ang programang ito ay bahagi ng ating patuloy na adhikain na mapanatili ang ating kultura at tradisyon habang nagtataguyod ng masaya, ligtas, at makabuluhang aktibidad para sa mga kabataan.
Ang programang ito ay handog ng Barangay Sto. Domingo sa pangunguna ni PB Janice Tacsagon-Curia at BCPC Committee Head Kgd. Myra Aquino, bilang suporta sa mga programang pangkabataan na nagtataguyod ng aktibong pamumuhay, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Lubos din po nating pinasasalamatan ang San Buena HOA sa pangunguna ni Pres. Edwin Pafin para sa kanilang mahalagang tulong at pakikiisa upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.
Sama-sama nating panatilihing buhay ang ating mga larong Pilipino at hikayatin ang mga kabataan na mas piliin ang aktibong paglalaro kaysa sa labis na paggamit ng gadgets.
02/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐
Good news, mga taga-๐๐๐ซ๐ข๐๐ค ๐๐ฎ๐๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง! ๐
Treat your family and friends to your favorite Chinese dishes and enjoy a ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ from Super Bowl of China East Ortigas! ๐ฅข๐
๐ Exclusive for Marick Subdivision Residents
โ
Present your valid Resident ID
โ
Minimum purchase of โฑ1,500
โ
Dine-in only
๐
Promo Period: June 1โ30, 2026
Donโt miss this delicious resident-exclusive treat! Visit Super Bowl of China East Ortigas and savor authentic Chinese favorites with a FREE bonus on us! ๐
01/06/2026
๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐๐๐๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐ ๐ฌ & ๐๐๐ญ๐ฌโผ๏ธ๐๐๐ฆฎ๐ฉ๐โโฌ๐โ๐ฆบ
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ni Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto sa ilalim ng pakikipagtulungan ng One Cainta Veterinary Office upang mapanatiling ligtas at rabies-free ang ating komunidad.
๐ Narito ang schedule para sa ngayong buwan ng June. Inaanyayahan ang lahat ng pet owners na samantalahin ang libreng serbisyong ito sa mga susunod pang schedule.
๐
๐๐๐ป๐ฒ ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ง๐๐ฒ๐๐ฑ๐ฎ๐ | ๐ณ-๐ด๐๐ (๐๐๐ฎ๐ฟ๐)
๐ St. Joseph Covered Court
๐
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ช๐ฒ๐ฑ๐ป๐ฒ๐๐ฑ๐ฎ๐ | ๐ณ-๐ด๐๐ (๐๐๐ฎ๐ฟ๐)
๐ Villarica Multipurpose Hall
๐
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ง๐๐ฒ๐๐ฑ๐ฎ๐ | ๐ณ-๐ด๐๐ (๐๐๐ฎ๐ฟ๐)
๐ CVS 1&2, Open Space
๐
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ง๐ต๐๐ฟ๐๐ฑ๐ฎ๐ | ๐ณ-๐ด๐๐ (๐๐๐ฎ๐ฟ๐)
๐ Dacon & Kasibulan Covered Court
๐ Para sa mga request sa susunod na buwan ng Hulyo, maaaring tumawag sa Cainta Veterinary Office sa 8696-2598 at hanapin sina Miss Weng o Grace.
๐ข Maaari ring mag-walk-in mula Monday to Friday, 8:00 AM- 5:00 PM sa Veterinary Office sa Municipal Grounds.
Patuloy po tayong magtulungan para sa kaligtasan ng bawat pamilya at alagang hayop sa ating bayan. ๐พ๐
Source: OneCainta Page
https://www.facebook.com/share/p/18ndLinfX1/?mibextid=wwXIfr
01/06/2026
06.01.2026
๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Host: Delta One
Ngayong buwan ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan at kasabay nito ay ating binabalikan ang unang kalahati ng taong 2026. Sa loob ng anim na buwan, sama-sama nating hinarap ang iba't ibang hamon at nagsikap na maihatid ang mga programang makatutugon sa pangangailangan ng ating komunidad.
Ang Araw ng Kalayaan ay paalala ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. Nawaโy magsilbi rin itong inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang tapat, responsable, at makabuluhang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Sa nalalabing bahagi ng taon, sama-sama nating itaguyod ang mga adhikain para sa isang mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Barangay.
Bilang pagtatapos, nagbigay ng paalala si PB Janice sa lahat na maging dahilan ng pagkakasundo at hindi ng pagkakawatak-watak. Aniya, ang bawat kwento ay may dalawang panig kaya mahalagang pakinggan at unawain ang magkabilang panig bago humusga o magbigay ng opinyon. Sa pamamagitan ng paggalang, maayos na pakikipag-usap, at bukas na pag-iisip, mas mapapanatili natin ang pagkakaisa at kapayapaan sa ating komunidad.
Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ๐ต๐ญ
01/06/2026
๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โจ
Sa ngalan ng Barangay Sto. Domingo, Taos-puso kaming nagpapasalamat sa St. Joseph Elementary School sa pagbibigay ng ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง bilang pagkilala sa aming munting ambag at suporta sa ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐.
Lubos naming pinahahalagahan ang pagkilalang ito at nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pag-ibayuhin ang aming paglilingkod sa komunidad, lalo na sa larangan ng edukasyon.
Ang tagumpay ng Brigada Eskwela ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan, pagkakaisa, at sama-samang pagkilos ng paaralan, pamahalaan, at komunidad, masisig**o natin ang isang maayos at ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Muli, maraming salamat sa pagkilala. Nawaโy magpatuloy ang ating matibay na pagtutulungan para sa ikauunlad ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.
30/05/2026
05.29.2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nagsagawa ng Serbisyong Medikal ang ๐๐๐ก๐ก๐๐๐ ๐๐๐จ๐ฉ ๐๐๐๐ก๐ฉ๐ ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง sa mga 4๐๐จ ๐ข๐๐ข๐๐๐ง๐จ at sa mga pasyente mula sa iba't-ibang lugar na sakop nila.
Ang mga serbisyong ginawa ay:
๐ฅGeneral Consultation para sa Adult at
Pediatric Patients
๐ฅYAKAP Prescription at Medication Claiming
๐ฅ4Ps Annual Physical Examination
๐ฅHPV Vaccination Drive
๐๐๐๐ค๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐:
Noong araw ay iilan lang ang nagpupunta sa ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐ na nasa Ground Floor ng 2nd Building sa tabi ng Covered Court.
Sa pagpasok ng taong 2025 ay kapansin-pansin ang pagdami ng mga kumokonsultang pasyente mula sa Village East at sa mga katabing Subdivision. May ๐ซ๐๐๐๐๐, ๐ต๐๐๐๐, ๐บ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐ฏ๐พ na regular nang tumitingin at sumusuri sa ating mga pasyente. Sa pagdating ng ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฒ๐จ๐ท ๐ท๐๐๐๐๐๐ ay dinagsa ito ng mga Seniors at ibang Maintenance Medicine beneficiaries. Naging katuwang din natin ang ๐ด๐ฌ๐ซ๐บ๐ถ๐ผ๐น๐ช๐ฌ bilang ๐๐จ๐ฒ๐จ๐ท ๐ฎ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐
๐๐ sa pagbibigay ng ibang gamot. Maraming serbisyo ang naibibigay ng VEHC.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Janice Gomez Tacsagon kasama ang buong Sangguniang Barangay, patuloy nating pinalalakas at sinusuportahan ang mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Sto. Domingo.
Patuloy nating pakikinggan ang mga suhestiyon at puna ng ating mga residente upang lalo pang mapabuti ang kalidad ng serbisyong medikal na ating inihahatid.
Maraming salamat at mabuhay ang buong Village East Health Center sa inyong mahusay, maayos, at malasakit na serbisyo para sa ating komunidad!
30/05/2026
05.28.2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐ ๐๐ (๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐)
Matagumpay na naisagawa ang ika-12 taon ng ating Back to School Program na naglalayong makatulong sa paghahanda ng mga kabataang mag-aaral para sa nalalapit na pasukan.
Sa pamamagitan ng programang ito, maraming incoming Grade 3 students ang nabigyan ng libreng school supplies na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. Nawaโy maging inspirasyon ito upang lalo silang magsikap at maabot ang kanilang mga pangarap.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang at mag-aaral na nakiisa at nakiisa sa programa. Patuloy nating suportahan ang edukasyon bilang mahalagang pundasyon ng isang maunlad na kinabukasan.
Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Janice G. Tacsagon-Curia kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay, bilang patunay ng kanilang patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon at sa kabataan ng ating komunidad.
โAng edukasyon ay susi sa mas maliwanag na kinabukasan.โ
29/05/2026
05.26.2026
๐๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐ฏ๐๐ฌ๐ญ ๐ฑ
๐ ๐๐๐ ๐๐ณ๐ฃ๐ข๐ฏ ๐๐ข๐ณ๐ฅ๐ฆ๐ฏ
Mula sa ating munting urban garden, matagumpay nating naani ang sariwa at masustansyang petchay na ipinamahagi sa ilan nating mga residente sa San Buena. ๐ฅฌ๐
Patunay na sa simpleng pagtatanim ay may malaking maitutulong sa komunidad โ dagdag pagkain, dagdag kabuhayan, at dagdag pagkakaisa. ๐ฟ
โ๐บ๐๐๐๐ ๐๐๐ข ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ข ๐๐๐ข ๐๐๐๐๐๐๐.โ
Ang programang ito ay hatid ng Sangguniang Barangay ng Barangay Sto. Domingo.๐