Sonny Perez Collantes

Sonny Perez Collantes

Share

The Only Official page of Nelson "Sonny" Perez Collantes, 𝘔𝘢𝘺𝘰𝘳 𝘖𝘧 𝘛𝘢𝘯𝘢𝘶𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺, Province of Batangas 🇵🇭

Sonny Perez Collantes is the current City Mayor of Tanauan, Batangas, a former Congressman of the Third District of Batangas, and Vice Governor of the Province of Batangas. He also served in various National agencies, such as as Acting Secretary of the Department of Interior and Local Government in 1998 and Undersecretary of the Department of National Defence in 1998. He then also performed as a c

Photos from Sonny Perez Collantes's post 24/04/2026

Bawat Barangay sa Lungsod ng Tanauan tiyak na makikinabang sa 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀! 🇵🇭

Sa ilalim ng programang “Bawat Bayan, Makikinabang” ng Pambansang Pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos, kabilang po ang lahat ng 48 barangay ng Tanauan sa mga benepisyaryo ng Local Government Support Fund.

Ito po ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng ating mga barangay sa pagpapatupad ng mga programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Ang pondong ito ay nagsisilbing puhunan para sa mas pinalawak na serbisyong panlipunan, suporta sa edukasyon, at pagpapatupad ng mga proyektong magpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng bawat Tanaueño.

Kalakip din po nito ang mga programang tulad ng Presidential Scholarship at Bagong Pilipinas Rice Subsidy.

Sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sinisiguro natin ang maayos at episyenteng implementasyon ng mga programang ito upang ang bawat barangay ay tunay na makinabang at walang maiiwan sa pag-unlad ng ating lungsod.

Bilang Punong Lungsod ng Tanauan, patuloy nating pinagtitibay ang ugnayan ng lokal at pambansang pamahalaan upang matiyak na ang kaunlaran ay nararamdaman hanggang sa antas ng bawat barangay — direktang tulong at direkta sa tao.

Taos-puso akong nagpapasalamat sa Pamahalaang Nasyunal sa pangunguna ng ating Pangulong Bongbong Marcos, Executive Secretary Ralph Recto at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamumuno ng ating Gov. Vilma Santos-Recto!

Mabuhay ang bawat Batangueño!
Mabuhay ang Lalawigan ng Batangas!
Mabuhay ang Bagong Tanauan!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!

23/04/2026

Mga minamahal kong kababayan - Bilang inyong Mayor, nilagdaan natin ang Administrative Order No. 10, Series of 2026 upang ipatupad ang Smoke-Free Workplace Policy sa lahat ng tanggapan at pasilidad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Ang hakbang na ito ay nakabatay sa malinaw na datos at pamantayang pangkalusugan. Ayon sa World Health Organization, ang secondhand smoke ay nagdudulot ng higit 1.2 milyong pagkamatay kada taon sa buong mundo, at walang ligtas na antas ng exposure dito. Sa Pilipinas, patuloy ding kinikilala ng Department of Health na ang to***co use at secondhand smoke ay pangunahing sanhi ng mga sakit tulad ng cardiovascular disease, chronic respiratory conditions, at cancer.

Batay sa mga ebidensyang ito, ang paglikha ng smoke-free environments ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang health risks, mapabuti ang workplace conditions, at mapataas ang kalidad ng serbisyong pampubliko.

Sa ilalim ng kautusang ito, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo, va**ng, at paggamit ng anumang to***co products sa loob ng lahat ng opisina, gusali, pasilidad, at sasakyan ng lungsod. Pinapayagan lamang ito sa mga itinalagang open-air smoking areas na sumusunod sa itinakdang pamantayan.

Ang patakarang ito ay hindi lamang para sa regulasyon, kundi para sa pangmatagalang kapakinabangan ng ating lungsod—isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas episyente, at mas malusog na Tanauan.

Inaasahan ko ang pakikiisa ng bawat isa sa pagpapatupad nito. Maraming Salamat po.

In the service of our People, I will always remain

— Mayor Sonny Perez Collantes

Photos from Sonny Perez Collantes's post 23/04/2026

Nagbigay tayo ng cash incentive awards sa hanay ng ating mga kapulisan bilang pagkilala sa kanilang matatagumpay na operasyon partikular na ang laban sa ilegal na sugal, mga wanted persons, loose fi****ms, at ilegal na droga.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na mas bumababa ang crime index sa Tanauan nitong mga nakaraang buwan sa tulong ng ating mga makikisig na Pulis Tanauan sa pangunguna ni PLTCOL Atty. Caesar Ian Binucal.

Ang ganitong uri ng insentibo ay hindi lamang pagkilala sa kanilang husay at dedikasyon, kundi isang konkretong hakbang upang higit pang paigtingin ang pagpapatupad ng batas — dahil sa Tanauan, hindi tayo magpapabaya pagdating sa kapayapaan at kaayusan ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

Congratulations and keep up the good work! 🇵🇭

20/04/2026

Pirma sa kaliwa, pirma sa kanan—ganito ang takbo ng ating araw, kahit nakaupo ay tuloy-tuloy dapat ang serbisyo.

Maaaring busy at nakakapagod, pero bawat pirma ay katumbas ng tulong sa ating mga kababayan.

Sa huli, ang mahalaga—marami tayong natutulungan. Happy Monday mga kababayan!

20/04/2026

Sa bawat araw ng serbisyo publiko, ito ay isang mahalagang pagkakataon upang higit pang makapaglingkod sa ating mga kababayan.

Sa gitna ng mga hamon na ating kinakaharap ngayon, lalo nating pinagtitibay ang isang serbisyong nakatuon sa kapakanan at kaginhawaan ng bawat Tanaueño. Ang bawat aksyon, gaano man kaliit, ay may malaking ambag sa pagdaan natin sa anumang hamon.

Hangga’t may isang kababayan tayong nangangailangan ng tulong, asahan ninyo na patuloy tayong kikilos at maglilingkod nang buong puso—handa sa anumang hamon, at nakatuon sa kapakanan ng nakararami.

Photos from Sonny Perez Collantes's post 17/04/2026

UNDEFEATED! ⚾🥎

Walang talo ang Tanauan City sa unang araw ng laban sa Little League Philippines National Finals!

Bilang inyong Mayor, taos-puso kong binabati at ipinagmamalaki ang ating Tanauan City Baseball and Softball Team.

Ipinakita ninyo ang tibay at puso ng mga Atletang Tanaueño. Tuloy-tuloy lang ang laban—kasama ninyo ang buong Tanauan!

17/04/2026

Magandang araw ho, mga kababayan.

Sa kabila ng umiiral na compressed work week sa ating mga tanggapan, pinili pa rin ng inyong lingkod na pumasok sa opisina ngayong araw. Batid ko ho na marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nangangailangan ng tulong—lalo na ang mga nais makauwi mula sa ospital at nangangailangan ng tulong pinansyal.

Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap, patuloy po akong nananalangin na agad nang humupa ang mga pagsubok na ito at tuluyan nang muling bumalik sa normal ang lahat.

Gayun pa man, hangga’t may isang kababayan natin ang nangangailangan ng tulong, asahan po ninyo na ako ay patuloy na maglilingkod ano man ang suliraning ating kaharapin. Hindi ko po kayo pababayaan!

Mag-ingat po tayong lahat. Nawa’y manatili tayong ligtas sa kabila ng lahat.

Photos from Tanauan CGTV's post 15/04/2026

Malugod nating tinanggap ang Philippine Commission on Women sa isinasagawang Onsite Validation para sa layunin ng Tanauan na maging GAD Local Learning Hub sa buong Pilipinas.

Malinaw po ang direksyon natin—isang lungsod na inklusibo, makatarungan, at tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat Tanaueña.

15/04/2026

Ang ating mensahe para sa mga Thesis Presenters ng Tanauan City College ngayong araw.

14/04/2026

Mga kababayan, sama-sama nating suportahan ang laban ng ating koponan sa Little League Philippines National Finals 2026 sa darating na April 17–25, 2026 na gaganapin sa Lalawigan ng Ilocos Norte.

Ipakita natin ang buong lakas, sigla, at pagkakaisa para sa ating mga atleta na buong pusong lalaban para sa panibagong karangalan ng ating Lungsod.

Good luck, Tanauan City Baseball and Softball Team! Ipamalas ang lakas at galing ng Atletang Tanaueño! ⚾🥎

Want your business to be the top-listed Government Service in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Calamba
4027