15/07/2025
𝗣𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗕𝗜𝗚 💧 | 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻 ⛪🎨
Isang pusong may malasakit, isang layuning maglingkod.
Naghandog po ang inyong lingkod ng poso para sa mga taga-Villa Silangan, upang magamit sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, at mga pintura para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng ating mahal na L.E. Chapel.
Ito’y mga biyayang handog ng taos-pusong paglilingkod para sa kapakanan ng komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa walang-sawang suporta ni:
👨⚖️ Hon. Atty. Pursino Oruga, Konsehal ng Bayan ng Calamba
Ang inyong pagtugon at pakikiisa ay patunay na sa pagkakaisa at pagkakawang-gawa, sabay-sabay tayong makakagawa ng positibong pagbabago.
Mabuhay ang bayanihan! 💖
26/06/2025
🎨🧠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐢𝐧𝐜𝐨 𝐭𝐚𝐤𝐞𝐬 𝐚 𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐨𝐫 𝐚 𝐝𝐫𝐮𝐠-𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞!
In celebration of the International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2025, we proudly held a Poster Making Competition last June 21, showcasing the creativity and commitment of our youth in promoting awareness against drug abuse and illicit trafficking. 💪🚫
Through art, we speak loud and clear:
🗣️ "Pagyamanin ang kalusugan, droga ay talikdan para sa makulay na kinabukasan."
Saludo kami sa lahat ng lumahok at nagpakita ng suporta sa laban para sa mas ligtas na pamayanan! 💙
📸 Stay tuned as we announce the winners of the competition!
23/06/2025
🎉𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐈𝐍𝐂𝐎 🎉
11/06/2025
𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐏𝐎𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓
Magandang araw, Kabarangay Cinco!
Ipakita ang iyong talento at pagkamalikhain! Inaanyayahan ang lahat na lumahok sa On-the-Spot Slogan at Poster Making Contest bilang bahagi ng masiglang selebrasyon ng 𝙄𝘿𝘼𝘿𝘼𝙄𝙏 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙖𝙮 𝘼𝙜𝙖𝙞𝙣𝙨𝙩 𝘿𝙧𝙪𝙜 𝘼𝙗𝙪𝙨𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙄𝙡𝙡𝙞𝙘𝙞𝙩 𝙏𝙧𝙖𝙛𝙛𝙞𝙘𝙠𝙞𝙣𝙜). Ipagdiwang ang pagkakaisa at pagmamalasakit sa ating komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang sining!
📝 Kwalipikasyon:
📌 Bukas para sa lahat ng edad
📌 Kailangan ay lehitimong residente ng Barangay Cinco
📢 Saan maaaring magpalista?
📌 Para sa karagdagang impormasyon at pagpapalista, mangyaring tumungo sa Barangay Hall at hanapin si Michelle Zulueta.
✨ GANTIMPALA PARA SA POSTER MAKING✨
🏆 Kampeon – ₱3,000
🥈 Unang Gantimpala – ₱2,000
🥉 Ikalawang Gantimpala – ₱1,000
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang magtaguyod ng positibong pagbabago sa ating barangay sa pamamagitan ng sining!
06/03/2025
Isang mapag palang araw po mga kabarangay!
Sa mga nag nanais pong makilahok sa nasabing seminar/training sa darating na March 13-14, 2025 mangyare lamang po na mag direct message sa page na ito. Maraming Salamat po!