Sangguniang Kabataan Ng Canlubang

Sangguniang Kabataan Ng Canlubang

Share

Ang pagsisimula ng bagong pag-asa ng bayan. Pagtutulak ng inisyatiba ng kabataan upang higit na mapau

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang's post 20/01/2024

πŠπ€π“πˆππ”ππ€π 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π ππ‘πŽπ…πˆπ‹πˆππ†? π‚π‡π„π‚πŠ βœ…

Alinsunod sa tagubilin ng SK Reform Act of 2015 ang pagtatakda sa mga kawani ng Sangguniang Kabataan na magsagawa ng KK Profiling. Layon nitong makabuo ng Youth Database na makatutulong sa ating Sangguniang Kabataan at iba pang sangay ng pamahaalan upang mahusay na makapagpanday ng mga data-driven na proyekto at gawain para sa ating mga kabataan.

Dito sa BARANGAY CANLUBANG, atin itong isasagawa simula January 18 hanggang February 05, 2024.

ANG LAHAT NG MAMAMAYAN NG CANLUBANG NA MAY EDAD 15 hanggang 30 ANYOS ay TINATAWAGANG MAKILAHOK sa gawaing ito rehistradong botante man o hindi.

http://tinyurl.com/SKngCanlubangKKProfiling
http://tinyurl.com/SKngCanlubangKKProfiling
http://tinyurl.com/SKngCanlubangKKProfiling

tungo sa nagkakaisang kabataan ng Canlubang

20/01/2024

⚠️ TRAFFIC ADVISORY ⚠️

Bilang pagdiriwang ng Pista ng Santo NiΓ±o ay magkakaroon ng prusisyon sa Kapayapaan Village papuntang Saint Joseph the Worker Parish. Asahan ang medyo pagbigat ng trapiko sa mga ruta na nakasaad sa mapaβ€” lalo na po sa bandang palengke ng Asia 1.

Route 1: Fatima Palao - Good Samaritan - Mary Belle - Water District Asia 1

Route 2: Manfil Chapel - Main Road ng Manfil at Palao - Calamba Institute

Route 3: Carmel Chapel - Main Road ng Asia 2 at MCDC - Calamba Institute

Tinatawagan ang mga motorista na nagbabalak dumaan sa mga kalye na daraanan ng prusisyon sa oras na 3:30 PM onwards na sumunod sa mga traffic management team na nakakalat sa lugar, o kaya ay mag-strategize ng ibang daraanan.

Maraming salamat po.

Kaugnay sa gaganaping prusisyon at street dance bilang parte ng pagdiriwang sa ating Mahal na Sto. NiΓ±o bukas na magsisimula sa ganap na 3:30 PM, narito ang mga karagdagang impormasyon:

Ang mga BEC ng bawat sitio ay magtitipon ayon sa mga grupo at chapel (Palao, Manfil at Carmel) kung saan sila itinalaga. Ang mga grupo at mga ruta ng bawat grupo ay ang mga sumusunod:

OUR LADY OF FATIMA - PALAO (group)
*Palao
*Asia 1
*B-Uno
*Balagbag-Araw
*Ceris 1 & 2
*Ceris 3
*Old Stable
*Camella
*Mangumit
*Terelay

Ruta: Palao Chapel - Good Samaritan - Mary Belle - Asia 1 Court - Water District

β€”
OUR LADY OF PEACE AND GOOD VOYAGE - MANFIL (group)
*Manfil
*Buntog
*Bo. Calubang
*Paltok
*Casmicehos
*Locomotive
*Silangan

Ruta: Manfil Chapel - Manfil Main Road - Palao - Asia 1 - Calamba Institute

β€”
OUR LADY OF MT. CARMEL - CARMEL (group)
*Carmel
*Asia 2
*GK
*Happy Valley
*Majada In
*MCDC
*Tibagan

Ruta: Carmel Chapel - Asia 2 - MCDC - Asia 1 - Calamba Institute
β€”

Pagkatapos magtipon-tipon sa Palengke ng Asia 1/Calamba Institure ay sabay-sabay na sasayaw ang mga nagprusisyon. Matapos nito ay lalakad muli mula sa Palengke ng Asia 1 hanggang sa ating parokya.

Ang Street Dance Competition ay magsisimula pagkatapos ng Banal na Misa sa ganap na 4:30 PM.

Maraming Salamat po!





Tektōn Media Ministry

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang's post 02/12/2023

βœ… Panunumpa kasama ni Mayor Ross Rizal
βœ… SK Mandatory Training
βœ… Pagdalo sa launching ng QR Palengke, bilang pagsuporta sa progresibong paraan ng pamamalengke sa Canlubang
βœ… Pagdalo ni SK Nadine sa unang session ng Sangguniang Barangay
βœ… Pagsasagawa ng unang session ng Sangunniang Kabataan
βœ… Pagtatalaga kina Kuya Paul Nisperos (Sitio Palao) bilang SK Secretary at Ate Rhea Barrameda (Sitio Asia 1) bilang SK Treasurer, alinsunod sa SK Reform Act.

NAKIKITA at MAAASAHAN.

Unang buwan pa lamang ng panunungkulan ng ating bagong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang pero talaga namang ramdam na ramdam na ng ating mga ka-barangay ang presensiya ng ating mga kabataang lingkod-bayan. Makakaasa po kayo na magiging babad sa komunidad ang ating SK para makita nito firsthand ang kalagayan ng ating mga constituents at makagawa ng mga epektibong polisya na nakalapat nang tapat para sa ating mga Kabataang Canlubang.

*photos from various lenses


Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang's post 02/12/2023

NAKAPAG-WRAPPED UP NA BA ANG LAHAT?

Narito ang mga makabuluhang nagawa ng ating bagong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang sa loob ng nagdaang buwan. Asahan po ninyo na magiging "visible" at "approachable" ang ating mga kabataang lingkod-bayan sa Barangay.
Let's keep vibin' mga Kabataang Canlubang! Sundan lamang ang bagong FB page ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang (facebook.com/SKngCanlubang) para sa mga updates at ganap.



Photos from Sangguniang Kabataan Ng Canlubang's post 20/11/2023

PRESENT AT AKTIBO

Aktibo na dumalo si SK Chairperson Nadine Cabrera sa unang sesyon ng bagong Sangguniang Barangay ng Canlubang. Asahan niyo po na magiging aktibo rin ang ating Sangguniang Kabataan sa mga sesyon at konsultasyon sa ating mga sitio.

11/11/2023

Matagumpay na natapos ng ating Sangguniang Kabataan Chairperson Nadine Cabrera, SK Kagawad Tel Mamaril, SK Kagawad RM Bermundo, SK Kagawad Chad Catibog, SK Kagawad King Parala, SK Kagawad Jelai Rabino, SK Kagawad Marie TeaΓ±o at SK Kagawad Badet Arboleda ang Sangguniang Kabataan Mandatory Training..

Maaari nang magsimula ng panunungkulan ang bagong SK ng Canlubang. Natapos na rin ang turnover ceremony nitong nakaraang Huwebes ng nakalipas na mga pinuno ng SK.

Asahan niyo pong ilalabas po natin ang mga kagamitan at pondo na nailiwat sa ating panunungkulan bilang bahahi ng panata ni SK Nadine Cabrera na maging transparent sa kanyang panunungkulan.

Photos from Sangguniang Kabataan Ng Canlubang's post 11/11/2023

ATM. Kumpleto ang Sangguniang Kabataan ng Canlubang sa isinasagawang SK Mandatory Training ngayon sa Monte Vista, Pansol, Calamba City, Laguna.

Tanging ang SKMT Certificate na lang ang kulang sa rekisitos ng bagong SK Canlubang upang pormal nang simulan ang kanilang panunungkulan.

Photos from Sangguniang Kabataan Ng Canlubang's post 08/11/2023

Isinagawa rin kanina ang panunumpa ng mga bagong talagang Sangguniang Kabataan Councilors. Kumpleto ang buong SK Council na pamumunuan ni SK Chairperson Nadine Cabrera.

Present din ang mga pamilya at supporters ng ating SK Councilor Tel Mamaril, RM Bermundo, Chad Catibog, King Parala, Jelai Rabino, Marie TeaΓ±o at Badet Arboleda.

Want your business to be the top-listed Government Service in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Canlubang
Calamba
4028