26/04/2024
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=843308484504293&set=a.226791122822702&type=3
Sa paggunita ng World Intellectual Property Day, maituturing na mahalagang bahagi ng kasaysayan ang pagtampok ng Philippine Eagle bilang key visual sa Php1,000 polymer bank note ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Isang licensed pilot, nature photographer, at wildlife conservation advocate si G. Floyd Bermejo na taga-Negros Occidental ang kumuha ng larawan ni Imbulog (ngayon ay Viggo), ang agila na nasa bagong bill.
Tulad ng artwork, photographs, o iba pang visual o graphic works, ang larawan ng Philippine Eagle sa Php1,000, ay protektado ng copyright.
Ang larawan ay kuha ni G. Floyd Bermejo sa kanyang official social media page na Nature Priority by Floyd P Bermejo.