02/06/2026
ποΈ Joint Inspection and Monitoring Activity
Noong Hunyo 01, 2026, opisyal na sinimulan ng Joint Inspection Team (JIT) ang pagsasagawa ng inspection at monitoring sa mga establisimyento.
Layunin ng aktibidad na masiguro ang pagsunod ng mga negosyo sa mga umiiral na ordinansa, permit requirements, at iba pang regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at proteksyon ng publiko.
Bilang bahagi ng nasabing aktibidad, nag-isyu rin ang Joint Inspection Team ng mga Notice to Comply (NTC) sa mga establisimyentong may kakulangan o hindi pa nakatutugon sa mga kinakailangang permit at iba pang regulatory requirements, upang mabigyan sila ng pagkakataong makumpleto ang mga kinakailangang dokumento alinsunod sa itinakdang panahon.
Patuloy na hinihikayat ng Joint Inspection Team ang lahat ng mga negosyo na makiisa at sumunod sa mga itinakdang alituntunin para sa isang ligtas, maayos, at responsableng kapaligiran sa pagnenegosyo.