Barangay IV Poblacion Calatagan Batangas

Call Website

Barangay IV Poblacion Calatagan Batangas Public Service

31/10/2026
OKTUBRE 27, 2026| Ang Sangguniang Barangay 4 sa pamumuno ni Kgg. Marlon Fraxedes  ay lubos na nagpapasalamat kay Hon. Ar...
27/10/2026

OKTUBRE 27, 2026| Ang Sangguniang Barangay 4 sa pamumuno ni Kgg. Marlon Fraxedes ay lubos na nagpapasalamat kay Hon. Armie Bausas, Board Member ng Unang Distrito para sa inyong ipinagkaloob na 15 MONOBLOCKS na upuan. Ang inyong ipinagkaloob na mga upuan ay malaking tulong sa aming mga aktibidad, pagtitipon, at pang-araw-araw na operasyon. Dahil sa inyong suporta, mas magiging komportable na po ang aming mga residente.

Mabuhay po kayo at Maraming Salamat po!

Barangay Assembly Concern❤️Ngayong araw, Oktubre 26, 2026 ganap na alas 8:00 ng umaga ay pinuntahan ng Municipal Enginee...
26/10/2026

Barangay Assembly Concern❤️

Ngayong araw, Oktubre 26, 2026 ganap na alas 8:00 ng umaga ay pinuntahan ng Municipal Engineering Staff ang kanal na naging concern sa barangay assembly ng residente na lubhang delikado sa mga dumadaan dito.

Dahilan sa kabutihan ng Punong Bayan Hon. Mayor Rico B. Puno at sa tulong ng Butihing Kgg. Konsehal Harold Anzaldo ay kaagad itong ipinabisita at pinagagawan ng paraan na maisaayos ito.

Maraming maraming salamat po Mayor❤️❤️❤️

"2nd Semester Barangay Assembly DayCY 2026"Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Barangay 4 ang asembliya na may Temang...
26/10/2026

"2nd Semester Barangay Assembly Day
CY 2026"

Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Barangay 4 ang asembliya na may Temang

"Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig Makabuluhang Usapan, at Sama Samang Pagkilos para sa ating Komunidad"

kahapon, ika-25 ng Oktubre, 2026 simula ganap na ala-1:00 ng hapon.

Lubos na nagpapasalamat po sa lahat ng dumalo at nakinig at Congrats po sa lahat ng nanalo sa raffle😊❤️


26/10/2026
26/10/2026
26/10/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀 | 𝐎𝐊𝐓𝐔𝐁𝐑𝐄 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (1:00 PM - 5:00 PM)

Mga kababayan sa Calatagan, magpapatuloy ang ating lingkod-pangkalusugan para sa inyong malinaw at malusog na paningin!

Sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Calatagan sa pangunguna ni Mayor Rico B. Puno at ng Lipa Eye Care Center, muli naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa ating susunod na batch ng Libreng Konsultasyon sa Mata.

Narito ang mga updated na detalye:
𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧: October 26, 2026
𝐎𝐫𝐚𝐬: 1:00 PM hanggang 5:00 PM
𝐒𝐚𝐚𝐧: Calatagan Rural Health Unit (RHU)
𝐌𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃

Paalala: Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa libreng eye check-up, maagang pagtukoy sa mga sakit sa mata, at tamang follow-up care. Ang kalusugan ng inyong mata ay ating pangalagaan!

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa ating Barangay Assembly Day for the 2nd Semester of CY 2026❤️
25/10/2026

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa ating Barangay Assembly Day for the 2nd Semester of CY 2026❤️


Happy birthday Po Kag. Crisanto 🎉🎂🎈Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countless bl...
25/10/2026

Happy birthday Po Kag. Crisanto 🎉🎂🎈

Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countless blessings.

May you continue to be a dedicated public servant and an inspiration to our community.

May God grant you wisdom, strength, and success in all your endeavors as you continue serving our beloved barangay.

Enjoy your special day, and may the year ahead bring you more joy, peace, and prosperity!

Warmest Birthday Wishes from Brgy 4 Family!


" Tara na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang usapan, at Sama-Sa ang Pag kilos para sa ating Komunida...
24/10/2026

" Tara na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang usapan, at Sama-Sa ang Pag kilos para sa ating Komunidad"

2nd Semester Barangay Assembly Day

Inaanyayahan po ang lahat para sa ating Barangay assembly na gaganapin po mamaya, Oktubre 25, 2026 simula sa ganap na ala-1:00 ng hapon sa ating function hall.

Saksihan po ang gagawing pag uulat ng barangay.

Tara na at makinig 🤝



Address

Calatagan
4215

Telephone

+639630116540

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay IV Poblacion Calatagan Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category