Brgy.176-B Market Administration Office

Brgy.176-B Market Administration Office

Share

Colosas 3:23-24: "Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na tila sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.

Alalahanin ninyong tatanggapin ninyo mula sa Panginoon ang ganting-pala... Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran

Photos from Brgy.176-B Market Administration Office's post 18/07/2026

🛡️🚶 MAO MONITORING / ROVING
Morning & Afternoon Duty

Mula umaga hanggang hapon, tuloy-tuloy ang pagmomonitor at pagroroving ng MAO Department upang matiyak ang kaayusan, kalinisan, at maayos na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa sa ating barangay.

Sa Atas ng Ating Punong Barangay Kap Sammy Reyes , Hon. Sammy De Guzman Reyes at Sa pangunguna ng aming MAO Coordinator, Hepe Romeo Furio , nananatiling handa at nakaantabay ang buong MAO Department sa pagtupad ng aming tungkulin para sa kaayusan ng mga pamilihan.







Photos from BRGY 176-B BHERT's post 18/07/2026
Photos from Brgy.176-B Market Administration Office's post 18/07/2026

🧹🌿 CLEAN-UP DRIVE | NANAY NANAYAN

Ngayong araw, muling nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Barangay 176-B Bagong Silang, Caloocan City sa Nanay Nanayan bilang bahagi ng aming patuloy na kampanya para sa kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap. Sammy De Guzman Reyes , at sa pakikiisa ng buong MAO Department, SSD, BESO, at iba pang kawani ng Barangay 176-B sama-sama naming nilinis ang paligid upang mapanatiling maayos at kaaya-aya ang ating kapaligiran.

Patuloy ang aming panawagan sa bawat mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan. Ang isang malinis na komunidad ay bunga ng sama-samang pagkilos at disiplina.

"Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa." 💚

Photos from Brgy.176-B Market Administration Office's post 17/07/2026

🌿 PAGPAPAGANDA NG AMING HARDIN 🌼

Patuloy ang MAO Department sa pagpapaganda at pangangalaga ng aming hardin bilang simbolo ng kalinisan, kaayusan, at malasakit sa kapaligiran.

Sa pangunguna ng aming MAO Coordinator, Hepe Romeo Furio , at sa pagtutulungan ng bawat kawani ng MAO Department, sama-sama naming pinananatiling malinis, maayos, at kaaya-aya ang aming kapaligiran.

Naniniwala kami na ang isang maayos at luntiang kapaligiran ay sumasalamin sa disiplina, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa mamamayan.

Hindi lamang tungkulin ang aming ginagawa—ito ay malasakit sa komunidad. 🌱💚

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Brgy. 176-B Bagong Silang
Caloocan City