21/03/2023
Pag alala, pasasalamat, at panalangin sa ikalawang taon ng iyong pagpanaw Kapitan Ricky B. Lacad.
Hindi matatawaran ang dedikasyon at pagmamahal mo sa Barangay Unang Sigaw lalo na sa iyong mga kabarangay. Pagpupugay sa maikling panahon ng iyong panunungkulan ay naipadama mo sa iyong nasasakupan ang tunay at tapat na serbisyong publiko na para sa ikabubuti ng lahat.
Hangang sa muli... Maraming salamat!
09/06/2021
NAG-AALALA BA SA KALIGTASAN NG BAKUNA LABAN COVID-19?
Nitong 25 Mayo 2021, 4,495,375 na doses na ng bakuna ang nagbigay proteksyon at walang namatay mula sa bakuna kontra COVID-19. Samantalang 20,019 na ang namatay mula sa COVID-19.
Ligtas ang mga bakuna kontra COVID-19! Sama sama tayo sa BIDA BakuNation!
Plus sa COVID-19
29/04/2021
Mga kabarangay ngayong araw po ang ika-40th days ng ating mahal na kapt. Ricky B. Lacad isang pagpupugay sa kanyang pagbibigay serbisyo sa ating baraangay. Isang pamamaalam ngunit mananatiling buhay sa ating mga puso.
08/04/2021
Mga kabarangay, kayo po ay aming inaanyayahan na magpabakuna upang maging panangalang natin laban sa COVID-19, ito po ay ligtas gamitin.
Makipag ugnayan po sa inyong Purok Leaders o sa ating Barangay Hall ukol dito.
28/03/2021
Magandang Araw po sa ating lahat.
Mga kabarangay, simula po bukas araw ng lunes Marso 29, 2021, alinsunod sa kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte ang ating barangay ay isasailalim sa ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE or ECQ. Mula Marso 29, 2021 (Lunes) at tatagal hanggang sa Abril 04, 2021 (Linggo). Bunsod po nito magkakaroon ng limitadong pagkilos sa ating lugar. Mula po 5:00am hanggang 10:00am ng umaga lamang makakalabas upang bumili ng pagkain at mahalagang gamit sa bahay at sa hapon naman po tayo po ay palalabasin mula 3:00pm hanggang 5:00pm.
Isa sa bawat pamilya po lamang ang papayagang lumabas para mamili. Nakikiusap po kami na huwag palabasin ang mga bata at lagi po tayong magsuot ng Face Mask para sa ating kaligtasan at mapigil pa ang pagkalat ng virus. Hinihingi po namin ang pang-unawa ng bawat isa at Maraming Salamat po.
25/03/2021
Magsasagawa po ng isang ONLINE MEMORIAL MASS para sa ating Punong Barangay Ricky B. Lacad.
Ang lahat po ay maaring dumalo bukas ng 5pm 26 marso 2021, via FB Live sa ating page ng Barangay Unang Sigaw and St. Joseph Parish The Worker FB Page.
https://www.facebook.com/BarangayUnangSigaw/
https://www.facebook.com/SJWPbalintawak
19/03/2021
Maraming salamat po sa ating Konsehal Roger Juan at Doc Ellie Juan sa paghahatid ng ayuda para sa mga pamilyang apektado ng special concern lockdown.
19/03/2021
Namahagi po ng Itlog,manok,tinapay at palaman sa mga pamilyang apektado ng Special Concern Lockdown ang ating Barangay Unang Sigaw.
18/03/2021
Mga kabarangay nais po namin ipabatid na ang ating Punong Barangay Ricky B. Lacad ay dinapuan ng sakit na COVID-19 at kasalukyan nilalapatan ng Lunas sa Hospital Facility ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon, nagkaroon po sya ng exposure sa lockdown area na maaring naging dahilan ng pagkakaroon nya ng COVID-19,sa kagustuhan nya po na personal na mabigyan ng tulong at alamin ang kalagayan at pangangailangan ng ating mga kabarangay na nasa loob ng Special Concern Lockdown Area.
Bilang pag iingat ay isinailalim sa mandatory swab test and isolation ang lahat ng kawani ng Barangay Hall kung kaya't pansamatalang sarado at walang.transaksyon sa ating barangay.
Isama po natin sa ating mga panalangin ang mabilisan na pag galing ng ating Punong Barangay Ricky B. Lacad gayundin sa iba pang dumaraan sa kaparehong karamdaman.
Patuloy po natin sundin ang Health Protocols dahil hindi po biro ang. sakit na COVID-19.
Palagi po tayo magsuot ng facemask,faceshield, maghugas ng mga kamay at sundin ang Social Distancing.
17/03/2021
Ngayon araw po ay nagsagawa tayo ng apprehension para sa mga lumabag sa Quezon City Ordinance on COVID-19 Health Protocols.
Katuwang po natin ang Department of Public Order and Safety at QCPD Police Station 3 sa pag implement ng Ordinansa.
Ang mga nahuling lumabag ay tinipon sa ating Covered Court upang mai profiling at mabigyan ng Ordinance Violation Receipt.
Ito po ay bahagi ng One Time Bigtime operation ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon para sa mga lalbag sa COVID-19 Health Protocol.
17/03/2021
Here’s a more convenient and hassle-free contact tracing for you QCitizens, check out how you can get your FREE KyusiPass!
Remember, keep your unique QR code to enter establishments in Quezon City.
For individuals, check out how you can get your KyusiPass in 4 easy steps!
For business establishments, send an email to [email protected] stating your Mayor's Permit number and name of establishment.
Read more about it here: https://quezoncity.gov.ph/qc-rolls-out-centralized-contact-tracing-kyusipass-to-80000-businesses/