08/05/2026
ππππππππ ππ πππ πππππππ ππ ππππππ ππ πππ ππππππππ ππ ππππππππππ ππ ππππππππ πππππππ, πππππππππππ!
Isinusulong ni Senate Committee on Labor and Employment Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 2115 o "Anti-Abuse of Pakyawan Workers Act" na magpapataw ng mas mabibigat na parusa laban sa mga employer na mapapatunayang umaabuso at nananamantala ng kanilang mga manggagawang pakyawan o piece-rate workers.
Sa pag-sponsor ng SBN 2115 sa Senado nitong May 6, sinabi ni Sen. Raffy na bagamat may mga umiiral nang batas sa bansa gaya ng Labor Code, Wage Rationalization Act at mga kaukulang Department of Labor and Employment (DOLE) advisories at issuances, taliwas ito sa reyalidad na nararanasan ng mga pakyawan na patuloy na inaabuso ng kanilang mga amo, lalo na 'yung nasa mga manufacturing companies.
Sa katunayan, personal na nasaksihan ni Sen. Idol ang kalbaryo ng mga pakyawan partikular sa malalaking canning at manufacturing companies sa CAMANAVA, kung saan kinakailangan pang magtrabaho nang dose hanggang labing-anim na oras ng mga manggagawa para lamang maabot ang quota kapalit ng below minimum wage na sahod.
Ang mas masaklap, wala na ngang overtime pay ay wala ring mandatory benefits! Kasama pa rito ang mga kwestyonableng time and motion studies (TMS) na tila mas pumapabor sa mga mapanamantalang employer kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa.
Sa SBN 2115, mas mapapalawig ang proteksyon at pagmomonitor sa karapatan ng mga manggagawang pakyawan.
Dito ay magiging mandatory para sa lahat ng kumpanya ang pagsusumite ng aplikasyon na subject for renewal sa kinauukulang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) upang masiguro na ang ginagamit nilang Time and Motion Study (TMS) ay makatarungan at hindi lugi ang mga manggagawa. Kailangan ding nakapaskil sa lugar ng trabaho ang approved piece-rate order upang makita ng lahat ng empleyado.
Dagdag pa ni Sen. Tulfo, sinisiguro rin ng panukala na kapag nakapagtrabaho na ng walong oras ang isang manggagawa, hindi dapat bababa sa itinakdang minimum wage ang kanyang matatanggap na sahod.
Inobliga rin ni Sen. Idol ang mga RTWPB na magkaroon ng comprehensive, updated at accurate database ng lahat ng issued Piece-rate Orders upang mas mabilis ma-obliga ng DOLE ang mga kumpanya na maipatupad ang mga New Wage Orders.
Ipinasok din ni Sen. Raffy sa panukala ang mas pinaigting na visitation powers ng DOLE kung saan dalawang beses kada taon dapat magsagawa ng inspeksyon sa mga kumpanya at tiyaking may mandatory representation ang mga manggagawa sa bawat inspeksyon upang malaman ang tunay nilang sitwasyon.
Nakasaad din sa SBN 2115 na ang sinumang kumpanyang lalabag sa mga probisyong ito kabilang ang kulang na pagpapasahod, hindi pagbabayad ng mandatory contributions, at kawalan ng wastong Time and Motion Study ay mapapatawan ng graduated penalties o mas mabibigat na parusa depende sa dami ng apektadong manggagawa, haba ng paglabag, at tindi ng violation, na maaari pang humantong sa tuluyang pagpapasara ng kumpanya.
Sa huli, hinimok ni Sen. Tulfo ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang kanyang panukala para tuluyan nang matuldukan ang pang-aabuso at pananamantala sa mga kababayan nating pakyawan at magkaroon ng kongkretong pananagutan ang mga delingkwenteng kumpanya.

12/04/2026
12/04/2026
12/04/2026