16/12/2025
Magandang gabi, Calhighians!
Narito po ang ilang kuha sa ginanap na programa ng aming organisasyon kaninang 11 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon. Maraming salamat po sa mga nakilahok at sana ay patuloy ang inyong pagsuporta sa aming susunod pang pasabog sa susunod na taon.
Maraming salamat po!!
25/11/2025
Good day! Calhighians 🌟
Ang SIA-CIC o Senior Integrity Archers-Campus Integrity Crusaders ay naghahanap ng masisipag at desididong studyante upang maging parte ng aming organisasyon na nagsusulong ng integridad sa kabataan.
Maging boses sa tahimik at madilim na korapsyon.🌟
Maari po ninyong i-pm ang isa sa ating mga officers para sumali. Mag sumite lamang po ng onting information tulad ng nasa ibaba. Upang kayo ay aming matunton.
Name:
Grade&Section:
Room:
Maraming salamat po!🌟🙇
21/11/2025
Magandang umaga, calhighians!🌄
Panibagong araw, panibagong aral.
Ang pag buo ng sarili ay kailangan upang sa gayon ay makilala ang kakayahan, kalakasan, at kahinaan.
Sa pag hugis nito ay isang tanda ng makataong pilipino.
Isabuhay ang aral at gawing paraiso ang mundong ibabaw.
Integridad ay kalidad na kailanma'y hindi mawawalay sa ating paglayag.
20/11/2025
Ang pagsabi ng hindi sa ibang tao ay hindi nakakasama. Nirerespeto mo lang ang iyong sarili at iniingatan ang kalidad.
Ang pagiging totoo ay isang kakayahan ng tao para paunlarin ang kagandahang loob at disiplina sa sarili.
Pag sasabuhay ng mga ito ay patungo sa madisiplina at matagumpay na pagkatao.
18/11/2025
Goodmorning, calhighians! 🌞🙇
Salubungin ang araw ng may respeto at disiplina sa sarili, at gawin mong karespe-respeto ang sarili mo sa paraan na pagrespeto sa ibang tao.
Ang pagsunod sa mabuting gawain ay hindi nakakabawas ng dating ng sarili ngunit nakakadagdag pa ito.
18/11/2025
Ang pagiging totoo ay isang patunay na tayong Pilipino ang babago sa bulok na sistema ng gobyerno.
Ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili. Kaya't unahan mo at hikayatin ang kapwa tao na magka-integridad at pagbabago sa lipunang minamahal ko, mo, at tayo.
16/11/2025
Goodmorning, calhighians 🌄
Salubungin natin ang maulang umaga ng may saya sa'ting puso at talino sa isip. This Monday lets lead with integrity and have deepest connection to ourself.💖