22/03/2025
EARTH HOUR 🌏🕣
Mga Batang Kankaloo, sama-sama po tayong makiisa sa Earth Hour ngayong araw, March 22, 2025.
Maglaan tayo ng isang oras para sa ating mundo at kalikasan, magsisimula po ang Earth Hour dakong 8:30 pm hanggang 9:30 pm.
Narito ang ilan sa maaari niyong gawin bilang pakikiisa:
- Bunutin sa saksakan ang inyong mga appliances sa loob ng isang oras
- Hindi paggamit ng ilaw sa loob ng isang oras
- Maging responsable sa paggamit ng tubig at kuryente
13/03/2025
𝐙𝐔𝐌𝐁𝐀 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑𝐒 💚💃 🕺
Dahil request po ng mga taga-South matapos ang ating pa-ballroom sa North, magsasagawa po tayo bukas ng Zumba Activity sa Caloocan People's Park (likod ng Caloocan City Hall-South).
Bukas po ito sa lahat ng rehistradong senior citizen ng lungsod. Dalhin lamang po ang inyong PVC ID.
Magsisimula po ng 5:30 AM ang registration, first come, first served basis po tayo. 😊
Magsuot ng komportableng work-out outfit at magdala ng sariling water bottle.
See you, mga lolo at lola!
10/03/2025
IAS upholding the 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐬𝐞𝐝 𝐃𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐨𝐝𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐞𝐞𝐬, as mandated by CSC Memorandum Circular No. 16, s. 2024
03/03/2025
Mga Batang Kankaloo, 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀, 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐮𝐦𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝟒𝟔 𝐝𝐞𝐠𝐫𝐞𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐞𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐝𝐞𝐱 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 na itinuturing na danger level kaya ipatutupad muna natin ang ASYNCHRONOUS CLASSES O BLENDED LEARNING para sa lahat ng mag-aaral mula Kinder hanggang Senior High School ng mga pampublikong paaralan bukas, March 3, 2025.
Para sa mga mag-aaral ng mga pribadong paaralan, diskresyon po ng pamunuan ng inyong eskwelahan ang kanselasyon ng klase.
Paalala ko lang ha, huwag lalabas kung hindi kinakailangan at mag-aral nang mabuti!
02/03/2025
𝐈𝐍𝐅𝐑𝐀-𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓: 𝐂𝐀𝐋𝐎𝐎𝐂𝐀𝐍 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐇𝐀𝐋𝐋
Konting panahon na lamang po ay mapakikinabangan ng mga Batang Kankaloo ang ipinapatayo nating apat na palapag, bago at modernong Caloocan North City Hall na kamukha ng City Hall na mayroon tayo ngayon sa South Caloocan.
Hindi ako papayag na mapag-iwanan ang North Caloocan, kaya po lahat ay ginagawa natin upang ang iba't ibang bahagi ng Caloocan ay maging maayos at maunlad.
Proyekto ng Batang Kankaloo para sa kapwa Batang Kankaloo.
AksyonAtMalasakit
01/03/2025
Ngayong Marso, ipinagdiriwang po natin ang buwan ng mga kababaihan.
Binibigyang pugay natin ang bawat babae sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan.
Hindi matatawaran ang inyong sakrispisyo, mga kontribusyon, at pagmamahal para sa pamilya at bayan.
Asahan niyo po ang pantay na pagtingin, oportunidad, at suporta ng ating pamahalaang lungsod para sa bawat kasarian kabilang na ang mga kababaihan.
Saludo kami sa inyo! Happy Women's Month po! 😊