Barangay 137 Caloocan City

Barangay 137 Caloocan City

Share

Welcome to the Official Page of Barangay 137 Caloocan City.

13/01/2026

Muli po tayong maglalapit ng mga oportunidad at trabaho para sa mga Batang Kankaloo na mga estudyante at out-of-school youth sa pamamagitan ng Special Program for Employment of Students (SPES) - Private.

Sa pagtutulungan ng Caloocan City Public Employment and Service Department (PESD) at Department of Labor and Employment (DOLE), maaaring makakuha ng trabaho ang mga benepisyaryo ng programang ito sa iba't ibang pribadong kumpanya.

Huwag palagpasin ang oportunidad na ito! Sa mga nais mag-rehistro, narito po ang link: https://tinyurl.com/SPESPriv

Tingnan ang larawan sa baba para sa QR Code at mga karagdagang impormasyon.

09/01/2026

PUBLIC ADVISORY ๐Ÿ“ฃ

Muli po nating idaraos ang programang People's Day simula sa January 15-16, 2026 at sa mga susunod pang Huwebes at Biyernes upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Kabilang sa mga libreng serbisyong hatid ng People's Day ang mga sumusunod:

โ€ข Konsultasyon
โ€ข Gamot
โ€ข Tulong Pinansyal
โ€ข Tulong sa Pagpapalibing
โ€ข Payong Legal
โ€ข Gupit at Masahe

Samantala, narito naman ang schedule ng People's Day kada linggo:

๐“๐ก๐ฎ๐ซ๐ฌ๐๐š๐ฒ:
๐Ÿ“SDC Covered Court, Caloocan City Hall - North, Barangay 177
๐Ÿ“Amparo Nature Park

๐…๐ซ๐ข๐๐š๐ฒ:
๐Ÿ“ Caloocan City Hall - South, Barangay 103
๐Ÿ“District Office I - Annex, Barangay 137

31/12/2025

๐ˆ๐ฐ๐š๐ฌ ๐๐š๐ฉ๐ฎ๐ญ๐จ๐ค ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ญ๐ฒ ๐“๐ข๐ฉ๐ฌ ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง ๐ŸŽ„๐ŸŽ‡

Kaya mo bang iwasan ang mga paputok at magkaroon ng ligtas na New Year?

โœ… Iwasan ang mga lugar na may paputok
โœ… Gumamit ng alternatibo sa paputok
โœ… Maging alerto sa mga emergency
โœ… Turuan ang mga bata tungkol sa safety

Ligtas ang may alam, paputok ay iwasan. Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga! ๐Ÿ’ก



Photos from Along Malapitan's post 31/12/2025

ANTI-NOISE POLLUTION CAMPAIGN

Ireport sa Caloocan City Police Station (CCPS) o sa inyong barangay ang mga nag-iingay at nanggugulo sa inyong mga komunidad para mapanatiling masaya at maayos ang pagsalubong sa 2026.

Nakapaloob sa Republic Act 386 (Civil Code of the Philippines), Republic Act 8749 (Clean Air Act), at Caloocan City Ordinance 0643 s. 2016 ang mga sumusunod:

๐ŸŽ‰ Iwasan ang paggawa ng anumang ingay na makaka-abala sa mga kapit-bahay at makaka-istorbo sa kapayapaan ng inyong komunidad, lalo na kapag dis-oras ng gabi.

๐ŸŽ‰ Pinapayagan lamang ang mga kantahan at videoke mula 10:00am hanggang 10:00pm, maliban na lamang kung mayroong espesyal na okasyon.

๐ŸŽ‰ Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga ilegal na paputok at mga open-pipe motorcycle.

๐ŸŽ‰ Para sa mga insidente ng pag-iingay na labag sa batas o sa lokal na ordinansa, i-report kaagad sa kinauukulan o sa (02)888-25664 o 0908-81-25664. Maaari ring tumawag sa CCPS sa 0998-59-87862.

Mga Batang Kankaloo, ngayong Bagong Taon, panatilihin natin ang pagiging responsable at magbigay ng konsiderasyon sa ating mga kapit-bahay at sa buong komunidad.

29/12/2025

๐Ÿ“ฃ PUBLIC ADVISORY

Ayon sa Executive Order No. 040-24, inaatasan ang mga punong barangay na magtalaga ng ligtas at maayos na firecrackers at fireworks display zones sa kanya-kanyang nasasakupan bilang paghahanda sa mga selebrasyon para sa Bagong Taon.

Alinsunod din sa nasabing EO, iaanunsyo ng mga barangay ang address, petsa, at oras kung kailan pwede ang fireworks displays, pati na rin ang safety and security protocols na dapat sundin.

Muli ko pong pinapaalalahanan ang ating barangay officials na patuloy na gawin ang kanilang tungkulin para sa payapa at ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.

Photos from Caloocan City Nutrition Committee's post 27/11/2025
Photos from Along Malapitan's post 08/11/2025
08/11/2025

Handang tumugon 24/7 ang ating emergency hotline na (02) 888-25664 at 0908-81-25664.

Ilista ang mga numerong ito at tumawag sa oras ng pangangailangan ng agarang tulong o responde.

08/11/2025

Nasa ilalim na ng RED ALERT status ang buong Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong .

Bagamat hindi direktang tatama sa Metro Manila ang bagyo, inaasahan pa rin po natin ang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin na maaaring magdulot ng pagbaha at iba pang panganib.

Nauna na rin tayong nagbaba ng direktiba sa lahat ng barangay na maging alerto at bantayan ang kanilang mga nasasakupan lalo na ang mga creek, ilog, at iba pang daluyan ng tubig.

Mga kababayan, ang pakiusap ko po sa inyo ay makiisa sa mga awtoridad, manatiling alerto, at bantayan at huwag hayaang maglaro sa ulan at baha ang inyong mga anak.

Asahan niyo po na palaging nakatutok at handang rumesponde ang ating pamahalaan sa inyong mga pangangailangan.

CALOOCAN 24/7 EMERGENCY HOTLINE:
โ˜Ž๏ธ (02) 888-25664
๐Ÿ“ฑ0908-81-25664

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

42 General Malvar Street, Bagong Barrio
Caloocan