Konsehal Jude Hernandez

Konsehal Jude Hernandez KONS JUDE HERNANDEZ
ASiKASO KA. 🤗

HAPPY TEACHERS’ DAY! To all our dedicated and hardworking teachers,Thank you for your unwavering dedication, patience, a...
05/10/2026

HAPPY TEACHERS’ DAY!

To all our dedicated and hardworking teachers,

Thank you for your unwavering dedication, patience, and passion in shaping the minds and futures of our children. Your guidance and sacrifices inspire generations to dream, learn, and succeed.

Saludo po kami sa inyong lahat!
Mabuhay ang ating mga G**o!

HAPPY TEACHERS’ DAY!


65TH REGULAR SESSION | SANGGUNIANG BAYANIsinagawa ang ika-65 Regular Session ng Sangguniang Bayan, bilang bahagi ng patu...
24/09/2026

65TH REGULAR SESSION | SANGGUNIANG BAYAN

Isinagawa ang ika-65 Regular Session ng Sangguniang Bayan, bilang bahagi ng patuloy na pagtalakay at pagbuo ng mga resolusyon, ordinansa, at mga usaping mahalaga para sa kapakanan at kaunlaran ng ating bayan.

Patuloy ang inyong Sangguniang Bayan sa tapat at masigasig na paglilingkod para sa mamamayan.

Para sa Bayan, Para sa Mamamayan!


MALIGAYANG KAPISTAHAN, BARANGAY 2! Buong puso nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Barangay 2 bilang parangal sa atin...
08/09/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN, BARANGAY 2!

Buong puso nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Barangay 2 bilang parangal sa ating minamahal na Ina ng Laging Saklolo (Mother of Perpetual Help).

📅 Setyembre 7–8, 2026

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng ating Mahal na Ina, gabayan ang bawat pamilya, at pagkalooban ng kalusugan, pagkakaisa, kapayapaan at kasaganaan ang buong pamayanan.

Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang makabuluhang araw na ito na puno ng pananampalataya, pasasalamat, saya at pagkakaisa!


MALIGAYANG KAPISTAHAN, BARANGAY 4! Isang masiglang pagbati sa lahat ng ating mga kabarangay ng Barangay 4 sa pagdiriwang...
28/08/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN, BARANGAY 4!

Isang masiglang pagbati sa lahat ng ating mga kabarangay ng Barangay 4 sa pagdiriwang ng kapistahan bilang parangal sa ating patron na si San Agustin. 🙏❤️

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng pagkakaisa, pagmamahalan, mabuting kalusugan at kasaganaan.

Maligayang Kapistahan, Barangay 4!
Viva San Agustin! 🙏🎉


Maligayang Ika-112 Anibersaryo, Iglesia Ni Cristo! Malugod nating binabati ang buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa p...
27/07/2026

Maligayang Ika-112 Anibersaryo, Iglesia Ni Cristo!

Malugod nating binabati ang buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang Ika-112 Anibersaryo.

Nawa'y patuloy kayong gabayan ng Poong Maykapal sa inyong pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod. Hangad namin ang patuloy na kapayapaan, kalakasan, at masaganang pagpapala sa bawat miyembro at sa buong samahan.

Maligayang pagdiriwang at mabuhay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan!

Happy 112th Anniversary, Iglesia Ni Cristo!


Pormal na Turn-Over ng mga Bagong Gusaling Pampaaralan🗓️July 23, 2026Isang makabuluhang araw para sa edukasyon ang ating...
27/07/2026

Pormal na Turn-Over ng mga Bagong Gusaling Pampaaralan

🗓️July 23, 2026

Isang makabuluhang araw para sa edukasyon ang ating nasaksihan sa ginanap na Turn-Over Ceremony ng mga bagong gusaling pampaaralan sa Pambuhan Elementary School at Manguisoc Elementary School.

Dumalo sa nasabing programa si Mr. Jayson Lo, Municipal Administrator bilang kinatawan ni Hon. Alexander L. Pajarillo, Municipal Mayor, gayun din ang inyong lingkod Hon Jude Hernandez bilang Chairman ng Committee on Education, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng mercedes bilang suporta sa mga proyekto o programang nagpapatibay sa dekalidan ng edukasyon sa bayan ng Mercedes.

Taos-pusong pasasalamat sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa ating komunidad.

Lubos din nating kinikilala ang mga naging donor ng mga silid-aralan:

🔹 Liwayway Marketing Co.
🔹 ESV International Corp. and Wilson Wan

Ang inyong kabutihang-loob ay magbibigay ng mas ligtas, maayos, at mas komportableng lugar para sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral at magsisilbing inspirasyon sa maraming henerasyon.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.


Maligayang Kapistahan, Barangay 5! Malugod nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng ating Mahal na Patron, Our Lady of Mt...
16/07/2026

Maligayang Kapistahan, Barangay 5!

Malugod nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng ating Mahal na Patron, Our Lady of Mt. Carmel. Nawa'y patuloy Niya tayong gabayan, pagpalain, at pagkaisahin bilang isang komunidad na may pananampalataya, pagmamahalan, at pagtutulungan.

Maligayang Kapistahan sa lahat ng mamamayan ng Barangay 5! Mabuhay ang ating barangay at pagpalain tayong lahat.


📍SITE INSPECTION | San Roque Elementary School🗓️ July 10, 2026Isinagawa ang site inspection sa San Roque Elementary Scho...
13/07/2026

📍SITE INSPECTION | San Roque Elementary School

🗓️ July 10, 2026

Isinagawa ang site inspection sa San Roque Elementary School bilang paghahanda sa konstruksyon ng bagong gusali ng silid-aralan na ipagkakaloob ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral at g**o ng paaralan.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang mapaunlad ang edukasyon at makapaghatid ng dekalidad na pasilidad para sa mga kabataang mag aaral.

Maraming salamat sa lahat ng katuwang sa proyektong ito. Sama-sama nating isinusulong ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.


📍Barangay Visitation at Barangay Lalawigan, Mercedes, Camarines Norte🗓️Hulyo 6,2026Sa layuning mas mapalapit sa ating mg...
08/07/2026

📍Barangay Visitation at Barangay Lalawigan, Mercedes, Camarines Norte

🗓️Hulyo 6,2026

Sa layuning mas mapalapit sa ating mga kababayan at personal na mapakinggan ang kanilang mga hinaing, mungkahi, at pangangailangan, nagsagawa ng Barangay Visitation ang inyong lingkod Konsehal Jude Hernandez Kasama sina Konsehal Joel Aragona , Konsehal Ruel Arca Nael , at Konsehal Princess Balane-Torralba sa Barangay Lalawigan noong Hulyo 6, 2026.

Ang pagbisitang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating mga halal na lingkod-bayan na makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo publiko sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikinig sa bawat mamamayan.

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap ng mga opisyal at residente ng Barangay Lalawigan. Ang inyong suporta, pakikiisa, at tiwala ang nagsisilbing inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang ating paglilingkod.

Tuloy-tuloy ang tapat, maaasahan, at makataong serbisyo para sa bawat barangay!


📍54th Regular Session of Sangguniang Bayan ng Mercedes 🗓️July 08, 2026Isinagawa ngayong araw ang Ika-54 na Regular na Se...
08/07/2026

📍54th Regular Session of Sangguniang Bayan ng Mercedes

🗓️July 08, 2026

Isinagawa ngayong araw ang Ika-54 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan, kung saan tinalakay ang iba't ibang panukalang ordinansa, resolusyon, at mga usaping may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng ating bayan.

Patuloy ang sama-samang pagtutulungan at dedikasyon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pagbibigay ng mahusay, tapat, at makabuluhang serbisyo publiko para sa bawat mamamayan.

Serbisyong may integridad, malasakit, at pagkakaisa para sa mas maunlad na bayan.


Address

Mercedes
Camarines Norte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal Jude Hernandez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share