01/08/2026
ππππππππ ππππππππππ βππππ,β πππππππππ πππππππ; πππππππππππ, ππππ ππππππ ππ ππππππ ππ. π
Bahagyang lumakas ang Tropical Depression βLuisβ habang mabagal na kumikilos pakanluran-timog-kanluran sa karagatan sa silangan ng Bicol Region.
Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 2 ng PAGASA na inilabas 5:00AM, ngayong Agosto 2, nasa layong 295 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte ang sentro ng bagyo.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes, Polillo Islands, Camarines Norte, at hilagang bahagi ng Camarines Sur.
Pinapayuhan ang publiko, partikular ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng signal, na patuloy na subaybayan ang mga susunod na abiso ng PAGASA at maging handa sa posibleng epekto ng bagyo. | via Rosie Nieva