28/03/2026
Comelec Northern Samar - OPES
Electoral Management | Northern Samar
28/03/2026
26/03/2026
๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ: ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฑ๐๐น๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ข๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Pansamantalang sarado ang lahat ng opisina ng COMELEC nationwide tuwing Lunes bilang pagsuporta sa energy conservation policy ng pamahalaan.
Walang operasyon sa mga sumusunod na petsa:
โ Abril 6, 2026
โ Abril 13, 2026
โ Abril 20, 2026
โ Abril 27, 2026
โฐ ๐ฆ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐: ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐-๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ, ๐ด:๐ฌ๐ฌ๐๐ โ๐ฑ:๐ฌ๐ฌ๐ฃ๐
โ
Voter Registration
โ
Voter Certification
โ
Iba pang transaksyon
23/03/2026
PAGDIRIWANG NG KABABAIHAN: COMELEC NORTHERN SAMAR AT LGU SILVINO LUBOS, NAGSAGAWA NG GAD SEMINAR AT VOTERโS EDUCATION
Ika-23 ng Marso, taong 2026 | SILVINO LUBOS, NORTHERN SAMAR โ Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Womenโs Month ngayong Marso 2026, matagumpay na naisagawa ng Commission on Elections (COMELEC) Northern Samar, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Silvino Lubos, ang isang Gender and Development (GAD) Seminar at Voterโs Education para sa mga kababaihan at residente ng komunidad.
Sa ilalim ng pambansang tema para sa taong 2026 na โWE for Gender Equality and Inclusive Societyโ at sub-temang โLead Like the Babaylans, Filipinas!โ, binigyang-diin ng aktibidad ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pamumuno at pagbuo ng bansa. Layunin ng seminar na ito na itaas ang antas ng kamalayan ng mga kababaihan pagdating sa kanilang mga karapatan at ang kahalagahan ng kanilang boses sa demokratikong proseso.
Nagsimula ang programa sa isang parada na nilahukan ng mga kalahok mula sa ibaโt ibang sektor ng komunidad. Sinundan ito ng rehistrasyon at pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng panalangin at pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, COMELEC Hymn, at Silvino Lubos Municipal Hymn. Isinagawa rin ang pagkilala sa mga kalahok at mga panauhin.
Nagbigay ng mensahe si Dr. Agner S. Sagonoy, kasama sina Dr. Marilyn Baldoza, Dr. Lucio Lobos, Hon. Remedios I. Espinar, at Hon. Leo Lao Jarito, na nagbahagi ng kanilang suporta para sa adbokasiya sa kababaihan at pagiging responsableng mamamayan.
Sa bahagi ng talakayan, ibinahagi nina Ms. Jessa Mae O. Tagle-Sosing (RMT) ang HIV Awareness at ni Dr. Shanroe C. Cayong ang Womenโs Wellness. Tinalakay naman ni Atty. Fidel C. Amacna, Provincial Election Supervisor III ng COMELEC Northern Samar, ang Safe Spaces Act (R.A. 11313), habang ipinaliwanag ni PSSg. Joan M. Lim ang R.A. 8353, at ni Hon. Susan R. Mananguile ang R.A. 9710.
Lubos na binigyang-diin sa isang mahalagang mensahe ni Assistant Regional Election Director Atty. Maria Corazon S. Montallana, na nagpaalala na ang tunay na empowerment ng kababaihan ay nagsisimula sa kaalaman sa kanilang mga karapatan at sa tapang na ipaglaban ang mga ito. Kanyang hinikayat ang bawat isa na maging mulat, mapanindigan, at aktibong makilahok hindi lamang sa usaping panlipunan kundi lalo na sa demokratikong proseso tulad ng pagboto.
Tinalakay rin ni Mr. Johnny B. Morales ang Voterโs Education, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging responsableng botante.
Sa pagtatapos ng programa, isinagawa ang pamamahagi ng sertipiko at closing remarks ni Mr. Renato Madronio, Election Officer III ng OEO Silvino Lubos.
Ang kolaborasyong ito sa pagitan ng COMELEC Northern Samar at LGU Silvino ay isang mahalagang hakbang upang masiguro na ang bawat babae sa mga komunidad ay may sapat na kaalaman at kapangyarihang makilahok sa pag-unlad ng lipunan.
20/02/2026
19/02/2026
February 19, 2026 | Northern Samar Provincial Jail
Bobon, Northern Samar
Araw ng huwebes, ika-19 ng Pebrero, ay muling nag sagawa ng isang Outreach Program na may kasamang Voter's Education at Satellite Registration ang COMELEC Northern Samar sampo ng mga kawani nito na pinangunahan ng COMELEC - Bobon Northern Samar sa Northern Samar Provincial Jail. Nilalayon ng gawaing ito na muli ay makapag bigay ng serbisyo sa mga kapatid nating nasa piitan sa pamamagitan ng mga munting tulong na ipinamahagi sa mga kalahok sa nasabing gawain.
Hindi lamang naka sentro ang programa sa pagpapasaya kundi ay pagbibigay din ng kaalaman sa kanila na bagaman ay nasa piitan sila ngunit mayroon pa rin silang mga karapatan at kabilang dito ay ang lumahok sa halalan alinsunod sa batas na umiiral. Sa pamamagitan nito ay naipababatid natin sa kanila ang kahalagahan ng pag pili ng tamang mamumuno at higit sa lahat ay naipa-dama sa kanila na sila man din ay bahagi pa rin ng komunidad.
Ang programa ay nagtapos sa pag-sasagawa ng Satellite Registration sa loob ng pasilidad. Nawa ay maunawan at mabatid nating lahat na ang karapatan, kailanman ay di masisiil at higit sa lahat ay hindi nakakulong.
30/01/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐
October 20, 2025 - May 18, 2026
๐Voter Registration Period (Nationwide except BARMM)
๐
February 9 - March 31, 2026
๐Voter Registration Period in BARMM
๐
September 28 - October 5, 2026
๐Filing of Certificates of Candidacy
๐
September 28 - October 21, 2026
๐Campaigning is Prohibited
๐
October 3 - November 9, 2026
๐Election Period
๐Gun Ban
๐
October 22-31, 2026
๐Campaign Period
๐
November 1, 2026
๐Eve of Election Day
๐Liquor Ban
๐Campaigning is Prohibited
๐
November 2, 2026
๐ELECTION DAY
๐Liquor Ban
๐Campaigning is Prohibited
๐
December 2, 2026
๐Last Day to File Statement of Contributions and Expenditures (SOCE)
โ๏ธPAALALA: Suspended ang voter registration sa Antipolo City, Rizal mula January 19 - March 22, 2026 upang magbigay-daan sa mga aktibidad kaugnay ng isasagawang March 14, 2026 Special Elections sa 2nd Legislative District ng Antipolo City.
References:
COMELEC Resolution No. 11177:https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/2025BSKE/Resolutions/com_res_11177.pdf
COMELEC Resolution No. 11191:https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/2025BSKE/Resolutions/com_res_11191.pdf
28/01/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ซ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ง๐๐ฎ๐๐ญ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ฅ๐ข๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
Intramuros, Manila โ Today, the Commission on Elections (COMELEC) En Banc promulgated COMELEC Minute Resolution No. 26-0071 which resolved the following in connection with the conduct of the March 30, 2026 BARMM Parliamentary Elections, to wit:
1.) DEFER the conduct of the BARMM Parliamentary Elections scheduled on March 30, 2026 until a new date is fixed by law.
2.) NOTE the recommendations as well as the assessment of timelines on the mandatory preliminary activities, specifically:
๐The election timelines are already too proximate which rendered the conduct of the BARMM Parliamentary Elections no longer feasible.
๐The varied legal implications such as: (a) The effectivity of Parliament Bill No. 415 falls well within the prohibition of Republic Act No. 8189 (The Voters Registration Act of 1996) which proscribes the alteration of a precinct at the start of the Election Period; and (b) The conduct of Assemblies and Conventions for the election of Parliamentary Sectoral Representatives cannot proceed until the date of the elections is set pursuant to the pronouncement of the Honorable Supreme Court in the cases of Ali, Jr. v. BTA and COMELEC and Macapaar v. BTA and COMELEC.
3.) SET ASIDE and TERMINATE all activities under COMELEC Resolution Nos. 11181 and 11184 or the Calendar of Activities and Period of Certain Prohibited Acts in connection with the March 30, 2026 BARMM Parliamentary Elections and the Calendar of Activities and Periods for the conduct of Assemblies and Conventions for the Election of Parliamentary Sectorial Representatives in connection with the March 30, 2026 BARMM Parliamentary Elections, respectively.
Accordingly, the BARMM Parliamentary Elections will not push through on March 30, 2026.
15/01/2026
22/12/2025
Year End Specials
December 18, 2025 | Dalakit, Catarman Northern Samar
Bago magpalit ng taon ay idinaos ng COMELEC Northern Samar ang kanilang taonang Year End Party. Naglalayon ito na kahit papaano ay magkaroon ng pasasalamat sa mga natamasang mga biyaya, nalagpasang mga pagsubok, muling pagbubuklod ng mga samahan at higit sa lahat pagtanaw sa isang bagong pagasa sa paparating na bagong taon.
Ibat-ibang mga pagtatanghal ang inihain ng bawat kawani na masasabi naman natin na WOW! Amazing. Mga malilikhaing mga pangalan ng grupo ang natuklasan, katulad na lamang ng grupong "The Virgin Singers" at ang kanilang awiting espanyol na wari baga'y mga taga Mehiko ang nanghaharana sa iyo.
Papahuli din ba ang grupo ng mga dancers na hindi lamang pang-daigdig kundi pangkalawakan. Kung si Zaido ang Pulis Pangkalawakan, ang Quantum Galactic Dancers naman ang mga Dancer na Pangkalawakan! Sa galing nila ay mapapaisip kang totoo nga ang mga Intergalactic species.
Hindi lang pangkalawakan kundi pati galing Disney ay dumayo pa! Ang legendary trio ng tatlong Disney Princesses ay nagtanghal. Hindi rin papahuli ang "The Dreamers" na sa una ay trio hanggang sa huli ay naging isang grupo, kumbaga open-membership ang atake, aray ko!
Happy Holidays sa ating lahat at hari nawa ay mamalagi at manaig sa bawat isa ang saya at kapayaan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Website
Address
Catarman
6400
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
