17/07/2025
Serbisyong Enriquez
Youth & Environment Advocate
17/07/2025
30/06/2025
14/06/2025
PAGTUTURO NG CHABACANO SA CAVITE CITY, SINUSULONG NG LGU
TINGNAN: Nagkasundo sina Che Enriquez ng Circle of Chabacano Dreams, Dr. Juan Araojo, Jr. ng Department of Education (DepEd) at ang pamahalaang lokal ng Cavite City sa pamumuno ni Mayor Denver Chua para sa signing rite na nagtatakda sa pag-disseminate ng mga learning materials at teaching programs sa lengwaheng Chabacano.
Inaasahang sa programang ito masisimulan ulit ang pagbuhay sa wikang Chabacano sa Cavite City.
Naganap ang signing agreement na ito noong June 6 sa Cavite National High School.
Lingid sa kaalaman ng karamihan sa mga Caviteño, isang natatanging Spanish-based creole language ang Chabacano na siyang native rin sa Cavite City simula ng pagdaong ng mga Kastila at ang mga dala-dala nilang Catholic Malay settlers mula sa isla ng Ternate at Tidore sa Indonesia noong 17th Century.
Simula noon, lumaganap ang lengwaheng ito sa kalapit na bayan ng Ternate, Tanza, Maragondon, at maging sa Ermita, Manila.
Ginagamit man ito ng mga katutubo upang makipagusap sa usaping pangangalakal, di nagtagal na naglaho ito sa tagal ng panahon dahil sa diskriminasyon, politika, at kawalan ng accessibility sa pagturo.
Napanatili man ang lengwahe sa Zamboanga, bilang na lang ang mga bihasa sa wikang ito sa Cavite City at Ternate.
Source: Manila Standard
08/06/2025
10/05/2025
Muli pong iboto Romel Enriquez para Board Member ng Unang Distrito ng Cavite!💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
