13/10/2026
Sa Pasong Langka Elementary School, mahalaga ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral.
Sa pamamagitan ng simpleng pangungumusta at pakikinig nang walang panghuhusga, maipaparamdam natin sa mga bata na sila ay mahalaga, ligtas, at nauunawaan.
Tayo ay magtulunganβmga magulang, g**o, at tagapag-alagaβupang lumikha ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran kung saan malaya ang mga bata na magbahagi ng kanilang nararamdaman at karanasan.
Makinig nang may malasakit. Magtanong nang may pag-unawa. Unahin ang kaligtasan ng bawat bata!
| Malaki ang maitutulong ng pangungumusta upang maiparamdam sa bata na may handang makinig at umunawa sa kanila.
Narito ang ilang gabay na tanong na maaaring itanong ng mga magulang, guardian, g**o, at iba pang nakatatanda upang masimulan ang makabuluhang kumustahan.
Tandaan na makinig nang walang panghuhusga, magpakita ng malasakit, at iparamdam sa bata na ligtas silang magbahagi ng kanilang saloobin.