27/10/2026
157TH REGULAR SESSION NG LIGA NG MGA BARANGAY – GENERAL TRIAS
Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na bawat barangay ng General Trias City.
Sa isinagawang 157th Regular Session ng Liga ng mga Barangay – General Trias City, nakipagpulong po tayo sa ating mga kapwa Punong Barangay kasama ang mga kinatawan mula sa City Social Welfare and Development sa pamumuno ni ma’am Rebecca Generoso at ng City Planning and Development Council sa pamimuno ni Engr. Jemie Cubillo upang talakayin ang mahahalagang isyu at concerns na kinakaharap ng ating mga komunidad, partikular sa usapin ng seguridad at paghahanda ng badyet ng bawat barangay para sa taong 2027.
Mahalaga ang bukas na talakayan at sama-samang pagpaplano upang matukoy ang mga pangangailangan ng ating mga nasasakupan, mapalakas ang mga hakbang para sa kapayapaan at kaayusan, at matiyak na ang pondo ng barangay ay maayos na naihahanda at naipaplano para sa mga programang tunay na kapaki-pakinabang sa mamamayan.
Sa pamamagitan po ng matibay na koordinasyon at pagkakaisa ng mga lider-barangay, mas napapalakas natin ang ating kakayahang tumugon sa mga hamon at makapaghatid ng mas maayos na serbisyo publiko.