27/05/2026
📌𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍: 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐒 𝐇𝐄𝐑𝐄! 🖨️✨
Mga ka-barangay! Ramdam namin ang bigat ng gastusin sa school at trabaho, kaya naman hatid ng inyong Sangguniang Kabataan ang isang proyektong diretsong makatutulong sa inyong bulsa!
Markahan ang inyong mga kalendaryo dahil opisyal nang magsisimula ang ating SK DAANG AMAYA III PRINTING PROJECT o ang ating "FREENTING" PROJECT! 🥳
🗓️ Kailan: June 04, 2026 (Huwebes)
📍 Saan: SK Hall
👥 Sino ang Pwedeng Makinabang: Lahat ng Estudyante at Residente ng Daang Amaya III!
Ano ang mga pwedeng ipa-print nang LIBRE?
✅ School Assignments, Research Papers, at Modules
✅ Resumes / CVs para sa mga naghahanap ng trabaho
✅ Mga importanteng dokumento at reviewer
Huwag nang mamorblema sa pang-kape o pang-load na nauubos sa computer shop. Narito ang inyong SK, handang maglingkod at umakay sa bawat hakbang ng inyong pag-unlad! kasama niyo kami sa edukasyon at impormasyon. 🤝
See you on June 4, mga ka-barangay!! 💻📄
23/05/2026
Binabati namin ng isang maligayang Kaarawan ang aming kasamang Lingkod Kabataan sa ating Barangay Daang Amaya 3, Tanza, Cavite
Hon. Yannah Kristel M. Mosende
Dalangin namin ang iyong kababaang loob at kabutihan sa iyong puso sa aktibong paglilingkod sa ating barangay.
28/04/2026
Mapagpalang araw!
Malugod po naming inaanyayahan ang mga mag-aaral sa antas ng Senior High School SY 2025-2026 na magtungo sa tanggapan ng ating Barangay Daang Amaya 3, Tanza, Cavite. sa ganap na ika-3 ng hapon Hanggang 5 ng hapon (April 29, 2026
Hanapin lamang si SK Chairperson Joshua B. Bautista
25/04/2026
Mapagpalang araw!
Aming ipinababatid na hanggang ngayong araw na lamang kami tatanggap NG APPLICATION FOR EDUCATIONAL ASSISTANCE
Bukas ang aming tanggapan mamayang 3:00 ng hapon hanggang ika 5:00 ng hapon.
Maraming Salamat po 🫶
14/04/2026
SK INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE CHAMPIONS AND MVP's 🫶
Binabati namin ang mga natatanging manlalarong nagpakitang gilas, husay at pakikitungo sa kapwa nila manlalaro!
14/04/2026
Pabatid!
Sa mga magpapasa po ng requirements for Educational Assistance, maaari na po kayong magpasa mamayang 6pm-8pm!
April 14, 2026
Sa SK office sa Bagong Barangay Hall!
Kita-kits po tayong lahat mamaya 🫶
10/04/2026
Magandang Araw!
𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗙𝗢𝗥 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 (𝗦.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟱 - 𝟮𝟬𝟮𝟲)
Ang coverage ng programang ito ay para sa School Year 2025–2026 Senior High School Students.
1. Ang mga INCOMING SENIOR HIGH STUDENTS o INCOMING GRADE 11 ay hindi pa kasama, dahil sa School Year 2025–2026 ay Grade 10 pa lamang sila at kabilang pa sa Junior High School.
2. Ang mga nakapagtapos na ng Grade 12 S.Y. 2025 - 2026 (Senior High School) ay kasama pa rin sa Educational Assistance.
𝙄𝙋𝙄𝙉𝘼𝘽𝘼𝘽𝘼𝙏𝙄𝘿 𝙉𝘼𝙈𝙄𝙉 𝙉𝘼 𝙆𝙄𝙉𝘼𝙆𝘼𝙄𝙇𝘼𝙉𝙂𝘼𝙉𝙂 𝙆𝙐𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙐𝙃𝙄𝙉 𝙈𝙐𝙉𝘼 𝘼𝙉𝙂 𝙍𝙀𝙌𝙐𝙄𝙍𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝙎 𝘽𝘼𝙂𝙊 𝙄𝙋𝘼𝙎𝘼 𝙎𝘼 𝙎𝙆 𝙊𝙁𝙁𝙄𝘾𝙄𝘼𝙇.
Maraming Salamat po!
30/03/2026
Finals of the SK Daang Amaya III Basketball League!
After a tough and exciting season, we are down to the best two teams ready to compete for the championship.
"ONE COURT, ONE CROWN"
30/03/2026
BEST PLAYER AND MATCH WINNER OF THE GAME
MARCH 28 - 29, 2026