23/08/2026
🏀❤️🔥 ISANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS!
At tuluyan na nating isinara ang isang makabuluhan at masayang season ng SK Bagbag 1 Basketball League 2026! 🏆🔥
Mula sa unang laro hanggang sa huling buzzer, naging puno ito ng matitinding laban, saya, pagkakaibigan, sportsmanship, at mga moment na siguradong maaalala ng ating mga kabataan. 🏀
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng players, coaches, referees, volunteers, supporters, at mga kabarangay na naging bahagi ng liga. Higit sa lahat, maraming salamat sa Sangguniang Kabataan ng Bagbag 1 at sa ating Barangay Captain, Hon. Wilfredo “Papang” Cuello, sa pagtutulungan at suporta upang maisakatuparan ang liga ngayong taon. 🤝🏻❤️
Hindi lamang natin ipinagdiwang ang basketball, kundi pati na rin ang talento, pagkakaisa, disiplina, at sportsmanship ng ating kabataan at buing barangay. Dahil sa sama-samang suporta ng ating komunidad, naging mas makabuluhan at matagumpay ang liga mula simula hanggang pagtatapos.
Maraming salamat, Bagbag 1! 🏀💚❤️
Hanggang sa susunod na laro, susunod na season, at panibagong kwento ng ating barangay! 🔥