02/11/2025
๐ฏ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป'๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ: ๐๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ข, ๐๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ!
Bilang pakikiisa sa malawakang selebrasyon para sa kaligtasan at karapatan ng bawat bata, narito ang mga programang inihanda ng ating lokal na pamahalaan biglang pagsuporta at pagkilala sa kanilang inosente at makulay na sektor.
๐ November 3: NCM Kick-off Parade
๐ November 3-4, 10-12: Medical and Dental Check-up for ECCD Learners
๐ November 5: Essay Writing Contest for Junior High School students
๐ November 13: Seminar on Responsible Parenthood
๐ November 14: Parent-Child Dialogue
๐ November 17: Kiddie-Lympic for ECCD
๐ November 17-21: Little Municipal Officials 2025
๐ November 25: Hip-hop Dance Contest and Drum & Lyre Competition
๐ November 25: State of the Children Address (SOCA)
๐ November 29: Alay-Lakad for Out-of-school Youth and Alternative Learning System
Happy 33rd National Children's Month, Batang GMAnians. ๐ฆ๐ง
07/08/2025
Noong ika-5 ng Agosto, araw ng Martes, ay namahagi ang Open Heart Foundation Inc. at Rise Against Hunger Inc., sa pangunguna ni Ms. Cheryl Ocampo, ng relief goods para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo. Sila ang mga pamilyang hindi napasama sa mapapamahagian noong nakaraan. Ang programang ito ay naihatid nang matagumpay sa ilang pamilya mula sa Barangay Poblacion 1 at Barangay Poblacion 5.
Naging matagumpay ang programang ito dahil na rin sa bukas at magandang daloy ng pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Cristina H. Viegan. Lubos din tayong nagpapasalamat sa buong suporta na ipinaabot ng ating Punong Bayan, Mayor Medardo โEdโ Custodio.
Naging katuwang sa pamamahagi sina Hon. Ejhay Fontanilla, Hon. Carl Edwin Ugay, Mr. Jimuel Gabica, Ms. Micha Santos, Mr. Mico Llantos, at ang mga kasamahan nating volunteers mula sa Open Heart Foundation at Rise Against Hunger.
Sama-sama tayong babangon, GMAnians.
28/07/2025
https://www.facebook.com/share/p/19nBAawkv6/
PAABISO! Paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon! Magandang araw!
Inaanyayahan namin kayo sa paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon ngayong July28, 2025!
Ang tema natin ngayong taon ay nakatuon sa Philippine Plan of Action for Nutrition, na naglalayong makamit ang food and nutrition security para sa lahat. Tandaan natin na ang sapat na pagkain ay ating karapatan!
Sama-sama tayong magsikap para sa isang malusog at masaganang komunidad! Kita-kits!
Mayor Ed Custodio
20/07/2025
Opisyal na abiso mula sa DSWD ukol sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC) Delisting and Replacement
Ang DSWD Field Office IV-A ay nagpadala ng opisyal na liham sa Pamahalaang Bayan ng General Mariano Alvarez tungkol sa pagbabago sa listahan ng mga benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC).
May kabuuang 288 na senior citizen ang natukoy na tumatanggap ng SSS pension, base sa isinagawang crossmatching ng DSWD Central Office.
Ayon sa panuntunan ng DSWD, ang mga senior na tumatanggap ng anumang pensyon (gaya ng SSS) ay hindi kwalipikado para sa programang SPISC.
Mga hakbang na ipatutupad:
โข 15 benepisyaryo ang tuluyang tatanggalin sa listahan
โข 273 slots ay papalitan ng mga kwalipikadong senior mula sa waitlist ng LGU
โข Ang mga pagbabagong ito ay magkakabisa sa ika-3 quarter ng 2025
19/07/2025
Paliwanag sa Isyu ng Masterlist ng Project LAWA at BINHI
Nais po naming ipabatid sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga inaasahang benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI, ang mga sumusunod na mahalagang detalye kaugnay sa pagbuo ng masterlist.