League of Filipino Students - UPLB

  • Home
  • League of Filipino Students - UPLB
Directions Website Contact the organization

League of Filipino Students - UPLB A national democratic mass organization for students lobbying against imperialists and fascists. It releases posters and statements on burning issues.

ABOUT US

The League of Filipino Students (LFS) started as an alliance against tuition fee increases and school repression during the time of Martial Law. Born September 11, 1977, the alliance formally became a national democratic mass organization in 1982. The LFS remains one of the largest student organizations in the country, continuously taking part in the history of the struggle of the youth and the people. It has chapters in different colleges, universities and high schools, and also has a chapter in the San Francisco State University in America. The LFS is among the founding members of the Kabataan Partylist, the first and only youth partylist in Philippine Congress. It is a member of the New Patriotic Alliance (Bagong Alyansang Makabayan – BAYAN) and Kalikasan-People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE). It is also a member of the Asia Pacific Youth and Students Association, the International League of Peoples Struggle and the Philippines-Cuba Friendship Association. LFS-UPLB is a member-organization of Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) and is a convenor of Youth League for the Advancement of Democratic Rights (Youth-LEAD) Save Our Education Movement (SOEM) and Republika Katagalugan.

----------

BASIC PRINCIPLES

The LFS is a national democratic mass organization with a socialist perspective. It believes in these basic truths:

Philippine society is semi-colonial and semi-feudal and the Filipino people is plagued by three evils – imperialism, feudalism and bureaucrat-capitalism. The Philippine education system, being colonial, commercialized and reactionary, needs to be replaced by a nationalist, scientific and mass-oriented education. The historical role of the youth and students is to arouse, mobilize and organize the broadest number of youth for the national democratic struggle of the people. The youth and the students need to unite with the basic masses, the peasants and the workers, in its struggle for genuine social change, through genuine agrarian reform and national industrialization.

----------

WHAT WE DO

To raise the socio-political awareness of the youth, the LFS organizes discussions such as forums, group discussions and other similar activities. It releases Commitment, its official newsletter, and Praxis, its theoretical journal. It also maintains online presencs through lfs.ph and Facebook among oter channels. It launches leadership and skills trainings and seminars for its members. To foster the cultural development of its members, as well as integration among its chapters, the LFS joins and holds their own plays, films and other cultural productions. To voice out the calls and stance of LFS through collective action, it organizes mass mobilizations, pickets, noise barrage and other forms of protests. Aside from taking up issues of the basic masses, the LFS also organizes integration programs with the workers, urban poor, peasant, fisherfolk, and indigenous peoples. It also reaches out to disaster victims through the Tulong Kabataan program. To foster solidarity with the youth and people of other nations, the LFS hosts exposure trips such as the annual Baliksambayanan program of members from USA, and the integration programs of the Anti-Invasion Asian Student Joint Action – Japan (AASJA).

07/11/2026

𝟱 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴, 𝗪𝗮𝗹𝗸𝗼𝘂𝘁-𝗟𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮! ❤️‍🔥🦅✊

Mga Iskolar ng Bayan at kabataan ng Timog Katagalugan, isang linggo na lamang at lalapag na sa ating bansa ang numero unong mandaragit ng ating karapatan at kalayaan na si Donald Trump para sa ASEAN 2026. Kaya naman, tuloy-tuloy rin ang ating paghahanda para sa gaganaping UPLB Walkout at sa Lakbayan ng Timog Katagalugan!

Inaanyayahan ng UP Action Network Los Banos ang lahat na makiisa sa ginaganap na 🎨 𝗣𝗿𝗼𝗽 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗮𝘁 𝗘𝗳𝗳𝗶𝗴𝘆-𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 🖌️ ngayong araw hanggang sa araw ng walkout sa Student Union Bldg, UPLB.

Mga kabataan, ipakita natin ang ating sama-samang lakas upang tutulan ang proyektong Pax Silica at Luzon Economic Corridor, at palayasin si Trump sa ating bansa!

𝗦𝘂𝗺𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗪𝗮𝗹𝗸𝗼𝘂𝘁 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗺𝗼𝗴 𝗞𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹𝘂𝗴𝗮𝗻!

𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗪𝗮𝗹𝗸𝗼𝘂𝘁 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗶𝗰𝗸-𝗼𝗳𝗳 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ✊
🗓️ Nov. 12
🕐 8AM
📍UPLB

𝗟𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗺𝗼𝗴 𝗞𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹𝘂𝗴𝗮𝗻 🚩
🗓️ Nov. 12-18
📍UPLB hanggang NCR

𝙏𝙍𝙐𝙈𝙋 𝙊𝙐𝙏! 𝙄𝙈𝙋𝙀𝙍𝙔𝘼𝙇𝙄𝙎𝙏𝘼𝙉𝙂 𝘽𝙀𝙍𝘿𝙐𝙂𝙊, 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙏𝘼𝙉𝙂𝙂𝘼𝙋 𝙎𝘼 𝙇𝙐𝙋𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙄𝙇𝙄𝙋𝙄𝙉𝙊!𝙏𝙐𝙏𝙐𝙇𝘼𝙉 𝙎𝙄 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙎 𝘼𝙏 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙎𝙄𝙎𝙏𝘼 𝘼𝙏 𝙏𝙐𝙏𝘼𝙉𝙂 𝙀𝙎𝙏𝘼𝘿𝙊!Mu...
06/11/2026

𝙏𝙍𝙐𝙈𝙋 𝙊𝙐𝙏! 𝙄𝙈𝙋𝙀𝙍𝙔𝘼𝙇𝙄𝙎𝙏𝘼𝙉𝙂 𝘽𝙀𝙍𝘿𝙐𝙂𝙊, 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙏𝘼𝙉𝙂𝙂𝘼𝙋 𝙎𝘼 𝙇𝙐𝙋𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙄𝙇𝙄𝙋𝙄𝙉𝙊!
𝙏𝙐𝙏𝙐𝙇𝘼𝙉 𝙎𝙄 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙎 𝘼𝙏 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙎𝙄𝙎𝙏𝘼 𝘼𝙏 𝙏𝙐𝙏𝘼𝙉𝙂 𝙀𝙎𝙏𝘼𝘿𝙊!

Muling pasan ng masang Pilipino ang kahinatnan ng mapang-api at pabigat na estado. Sa bawat pinapataw na development aggression galing sa imperyalistang US, at sa pagpapakatuta ng pamahalaan, dinaranas ng mga naglilingkod na masa ang kahirapan at ang pagkawalan ng katarungan.

At habang talamak ang karahasan na ito, 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿. 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗮𝘆 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗲𝗿𝗱𝘂𝗴𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗗𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗧𝗿𝘂𝗺𝗽, at higit pa, 𝗺𝗮𝗹𝘂𝗴𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟴 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗹𝗮𝗴𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘅 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮. Ang mga peste sa lipunan na tuloy ang pandarambong sa kaban ng bayan ay hinahayaan habang ang mungkahi ng masa ay hindi natutugunan!

Bilang mga Iskolar ng Bayan, 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝘂𝗹𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 sa inaasam na pag-unlad para sa tao. Sa harap ng talamak na krisis at tuluyang pamamasista mula sa bulok na estado, 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗸𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗯𝗶𝘀𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗧𝗿𝘂𝗺𝗽! 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗵𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗴𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘅 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻!

🔻 𝐍𝐎𝐁𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟔, 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐔𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐋𝐀!🔻
🔻𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀, 𝟒 𝐏𝐌, 𝐂𝐏𝐀𝐑𝐊🔻

𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙨𝙖 𝙀𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙄𝙢𝙥𝙚𝙧𝙮𝙖𝙡𝙞𝙨𝙢𝙤!

𝐏𝐚𝐱 𝐒𝐢𝐥𝐢𝐜𝐚 𝐚𝐭 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐄𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐢𝐝𝐨𝐫
𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐮𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞𝐫
⏰ November 6, 2026, Friday
📍Student Union Building

Tayo’y lumubog sa masang ating pinaglilingkuran. 𝗧𝗮𝘆𝗼'𝘆 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗹𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱-𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 mula sa pamantasan tungo sa lansangan, tayo’y makibaka laban sa Imperyalistang US mandaragit at mapang api!

𝙐𝙋𝙇𝘽 𝙒𝘼𝙇𝙆𝙊𝙐𝙏 𝙉𝘼!

𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐖𝐚𝐥𝐤𝐨𝐮𝐭
⏰ November 12, 2026, Thursday
📍Student Union Building

𝙂𝘼𝙋𝙄𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙉𝘿𝘼𝙍𝘼𝙂𝙄𝙏!
𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝙄𝙇𝙐𝙎𝘼𝙉, 𝙋𝘼𝘼𝙇𝙄𝙎𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙀𝙍𝙔𝘼𝙇𝙄𝙎𝙏𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙋𝙄!

𝐋𝐚𝐤𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐢𝐦𝐨𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥𝐮𝐠𝐚𝐧
⏰ Simula November 12, 2026

𝙈𝘼𝙂𝘼𝙍𝘼𝙇, 𝙈𝘼𝙂𝙇𝙄𝙉𝙂𝙆𝙊𝘿, 𝙈𝘼𝙉𝙂𝘼𝙃𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙈𝘼𝙆𝙄𝘽𝘼𝙆𝘼!




𝙇𝙊𝙎 𝘽𝘼Ñ𝙊𝙎, 𝘿𝙐𝙈𝘼𝙇𝙊 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂-𝙐𝙎𝘼𝙋𝘼𝙉 𝙉𝘼𝙏𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙓 𝙎𝙄𝙇𝙄𝘾𝘼 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝘿𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝙉𝙄 𝙏𝙍𝙐𝙈𝙋 𝙎𝘼 𝙋𝙄𝙇𝙄𝙋𝙄𝙉𝘼𝙎!Ating buuin ang pagkakaisa ng bu...
05/11/2026

𝙇𝙊𝙎 𝘽𝘼Ñ𝙊𝙎, 𝘿𝙐𝙈𝘼𝙇𝙊 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂-𝙐𝙎𝘼𝙋𝘼𝙉 𝙉𝘼𝙏𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙓 𝙎𝙄𝙇𝙄𝘾𝘼 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝘿𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝙉𝙄 𝙏𝙍𝙐𝙈𝙋 𝙎𝘼 𝙋𝙄𝙇𝙄𝙋𝙄𝙉𝘼𝙎!

Ating buuin ang pagkakaisa ng buong pamayanang UPLB sa pagtatanggol sa pambansang soberanya, karapatan ng mamamayan, at pampublikong edukasyon, kasama ang mga estudyante, g**o, REPS, di-akademikong kawani, alumni, at iba pang mga katuwang.

Sama-sama nating tutulan ang Pax Silica at militarisasyon, igiit ang sapat na badyet para sa edukasyon at serbisyong panlipunan, ipaglaban ang makatarungang sahod at seguridad sa trabaho, at ipagtanggol ang kalayaang akademiko at malayang instruksyon, pananaliksik, at serbisyo.

Dumalo sa 𝐔𝐏𝐀𝐂 𝐂𝐎𝐍𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 upang talakayin ang sumusunod:
1. Orientation
2. Pax Silica, Trump Visit, and the ASEAN Summit
3. Planning

📍Pumunta sa SU Sunken Lobby nang 7PM sa darating na Huwebes, October 22.



Walang tigil ang pandarambong ng imperyalistang US sa kaban ng bayan. Ang patuloy na pag-angkin sa likas na yaman at lup...
25/10/2026

Walang tigil ang pandarambong ng imperyalistang US sa kaban ng bayan. Ang patuloy na pag-angkin sa likas na yaman at lupa ng bansa sa ilalim ng mga “pangkaunlaran” na proyekto tulad ng Pax Silica Hub at Luzon Economic Corridor (LEC) ay isa lamang sa mga hakbang para mapanatili ng US ang kapangyarihan sa pandaigdigang sistema. Kaakibat nito ang panghihimasok ng mga militar batay sa EDCA, na nagdadala ng pananakot sa masa at tuloy na pagkait sa lupa.

At habang ito ay pinapairal ng tutang estado, ang mga pesante, magsasaka, at uring manggagawa ay danas ang panunupil mula sa pasistang pamumuno ng naghaharing-uri. Pinapasan sa mga pesanteng Pilipino ang kahirapan na dulot ng bulok na estado. Sa halip ng pagtugon sa tunay na mungkahi ng mga masang nagpapakain sa kalakhan, ang serbisyo ay nakalaan sa layunin ng mga dayuhang patuloy na nagpapahirap.

Malinaw na kailangang tutulan ang US-Imperyalismo at ang kanilang patuloy na pandrambong sa kaban ng masang Pilipino. Sa pagiging edukado sa reyalidad na ito at sa pagpapalawak ng kaalaman ay tunay na mapaglilingkuran ang mga magsasaka at masang Pilipino na lumalaban sa bulok at mapangaping sistema.

𝙄𝙈𝙋𝙀𝙍𝙔𝘼𝙇𝙄𝙎𝙈𝙊, 𝙄𝘽𝘼𝙂𝙎𝘼𝙆!

𝐏𝐚𝐱 𝐒𝐢𝐥𝐢𝐜𝐚 𝐚𝐭 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐄𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐢𝐝𝐨𝐫
𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐮𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞𝐫
⏰ October 28, 2026
📍Student Union Building

𝙈𝙖𝙜-𝙧𝙚𝙝𝙞𝙨𝙩𝙧𝙤 𝙣𝙖:
https://forms.gle/XjKA2QDDRnTEN1tw8
https://forms.gle/XjKA2QDDRnTEN1tw8
https://forms.gle/XjKA2QDDRnTEN1tw8

𝙈𝘼𝙂𝘼𝙍𝘼𝙇, 𝙈𝘼𝙂𝙇𝙄𝙉𝙂𝙆𝙊𝘿, 𝙈𝘼𝙉𝙂𝘼𝙃𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙈𝘼𝙆𝙄𝘽𝘼𝙆𝘼!

PAHAYAG NG LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS-UPLB HINGGIL SA PANINIKTIK AT PANGHAHARASS SA MEDIA WORKER AT LIDER-KABATAAN BILA...
10/10/2026

PAHAYAG NG LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS-UPLB HINGGIL SA PANINIKTIK AT PANGHAHARASS SA MEDIA WORKER AT LIDER-KABATAAN BILANG PAMPALIPAS ORAS NG AFP AT PNP SA BALABAC, PALAWAN!

Mariing kinukundena ng League of FIlipino Students – UPLB ang panghaharass at pananakot ng AFP Westerm Command, Philippine Navy, at PNP Balabac laban kina Marky Casaquite ng Southern Tagalog Exposure (STEX) at Brent Sumague ng League of Filipino Students – Southern Tagalog noong Oktubre 8 2026.

Nangyari ang pagbabanta at pananakot habang nagsasagawa ang dalawa ng isang konsultasyon sa mga komunidad ng mga katutubong Molbog hinggil sa epekto ng El Niño at pangangamkam ng lupang ninuno dahil sa pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperative Agreement Site (EDCA) sa Balabac. Hinarang at pinatigil ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang dalawa.

Mariing idinidiin ng liga na walang mali sa pagsisiwalat, at pagsisiyasat sa kalagayan ng mga komunidad at pakikiisa sa karapatan ng mga katutubo!

Imbes na tugunan ng estado poder ni Marcos Jr. ang lehitimong hinaing at kahirapan ng mga katutubong Molbog dahil sa pangaagaw ng lupang ninuno at proyektong militar ay ligalig at dahas ang sagot ng napakawalang kwenta’t halang na institusyon ng Western Command ng AFP at PNP.

Hayok na hayok sa pagpapakatuta sa Estados Unidos ang mga nasa estado poder habang nangyayari ang walang habas na pandarahas, pangangamkam sa mga lupang ninuno. Tuloy-tuloy rin ang pagpapakatuta ni Marcos Jr. sa Estados Unidos – nang isangkalan mismo ng Malacañang ang kapakanan ng mamamayan nito para sa pagtatayo ng Pax Silica at pagbubuo ng Luzon Economic Corridor (LEC).

Walang pakundangan pang isinasawalang bahala ng administrasyon ang kapakanan ng mga lupang ninuno’t lupang sakahan sa kalagitnaan ng buwan ng mga pesante. Kaysa tugunan ang batayang pangangailangan ng mga magsasaka’t katutubo sa kabuhayan at lupain. Ngayong kumakaharap sa dalita ang mga magsasaka at katutubong Molbog dahil sa El Niño ay nakuha pang unahin ng sindikatong rehimen ni Marcos Jr. ang pagpapatayo ng EDCA site, mga base militar at ang interes ng Estados unidos na gawing teatro ng digma ang pilipinas laban sa ribal nitong imperyalistang Tsina.

Malinaw na tumitindig ang Liga laban sa panggigipit sa mga mamahayag, lider-kabataan at tanggol-katutubo!
Lupa sa mga katutubo’t magsasaka, Hindi sa EDCA!



𝙊𝙄𝙇 𝙋𝙍𝙄𝘾𝙀 𝙃𝙄𝙆𝙀!𝙏𝙐𝙏𝙐𝙇𝘼𝙉, 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉𝘼𝙉, 𝙃𝙐𝙒𝘼𝙂 𝙋𝘼𝙃𝙄𝙉𝙏𝙐𝙇𝙐𝙏𝘼𝙉!Nananatiling walang aksyon at konkretong solusyon ng gobyerno ni Mar...
29/09/2026

𝙊𝙄𝙇 𝙋𝙍𝙄𝘾𝙀 𝙃𝙄𝙆𝙀!
𝙏𝙐𝙏𝙐𝙇𝘼𝙉, 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉𝘼𝙉, 𝙃𝙐𝙒𝘼𝙂 𝙋𝘼𝙃𝙄𝙉𝙏𝙐𝙇𝙐𝙏𝘼𝙉!

Nananatiling walang aksyon at konkretong solusyon ng gobyerno ni Marcos Jr. sa mga pambansang krisis sa kabila ng gerang agresyon ng Estados Unidos at Israel sa Iran. Muling sinamantala ng mga mega oil companies katulad ng Petron, Shell, at Caltex ang krisis na ito na lubos na nagpapalubog sa mga tsuper sa pagsirit ng presyo ng krudo.

Kaya ngayong ika-29 hanggang ika-30 ng Setyembre, magkakasa ng welga ang mga tsuper at sa laban ng tsuper, kasama ang kabataan at komyuter!

Makiisa sa welga! Sumama sa pagkilos!

𝗢𝗜𝗟 𝗗𝗘𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗔𝗪, 𝗜𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔!
𝗩𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡, 𝗞𝗨𝗥𝗔𝗞𝗢𝗧 𝗔𝗟𝗜𝗦𝗜𝗡!

𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔, 𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗔! 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗬𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔!Sa pag-igting ng Imperyalistang Pandarambong, kasabay ng napa...
17/09/2026

𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔, 𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗔! 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗬𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔!

Sa pag-igting ng Imperyalistang Pandarambong, kasabay ng napakalaking badyet cut sa edukasyon, wala nang ibang dapat pang patunguhan ang kabataan kundi sa labas ng apat na sulok ng silid aralan, sa lansangan, upang ipasulong ating mga karapatan mula sa loob ng pamantasan hanggang sa labas!

Iskolar ng Bayan, pag-aralan ang lipunan, paglingkuran ang sambayanan, at mangahas na makibaka! Sumama sa Walkout bukas!

🗓️ 𝚂𝚎𝚙𝚝𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟷𝟾, 𝟸𝟶𝟸𝟼
🕓 𝟾:𝟹𝟶 𝙰𝙼 𝙼𝚊𝚜𝚜 𝚄𝚙 𝚙𝚎𝚛 𝙲𝚘𝚕𝚕𝚎𝚐𝚎𝚜

Ang mag-amang si Marcos Sr. at Marcos Jr. ay walang pinag-iba! Kung gaanong katuta at kapasista ang estado sa ilalim ng ama, ganun ding katuta at kapasista sa ilalim ng anak! Ipagpatuloy ang militanteng diwa mula sa walkout hanggang sa Martial Law Commemoration sa Lunes!

🗓️ 𝚂𝚎𝚙𝚝𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟸𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟼
🕓 𝟷𝙿𝙼 𝚈𝚂 𝙳𝚎𝚌𝚎𝚗𝚝𝚛𝚊𝚕𝚒𝚣𝚎𝚍; 𝟺:𝟹𝟶𝙿𝙼 𝙲𝚛𝚘𝚜𝚜𝚒𝚗𝚐, 𝙲𝚊𝚕𝚊𝚖𝚋𝚊

𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗥𝗔𝗟, 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗, 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔!

𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉, 𝙄𝙋𝘼𝙂𝙋𝘼𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝘼𝙉𝙂 𝙈𝙄𝙇𝙄𝙏𝘼𝙉𝙏𝙀𝙉𝙂 𝙏𝙍𝘼𝘿𝙄𝙎𝙔𝙊𝙉 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙄𝙈𝙋𝙀𝙍𝙔𝘼𝙇𝙄𝙎𝙈𝙊! 𝙈𝘼𝙂-𝘼𝙍𝘼𝙇. 𝙈𝘼𝙂𝙇𝙄𝙉𝙂𝙆𝙊𝘿. 𝙈𝘼𝙉𝙂𝘼𝙃𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙈𝘼𝙆𝙄𝘽𝘼𝙆𝘼.Sa mah...
16/09/2026

𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉, 𝙄𝙋𝘼𝙂𝙋𝘼𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝘼𝙉𝙂 𝙈𝙄𝙇𝙄𝙏𝘼𝙉𝙏𝙀𝙉𝙂 𝙏𝙍𝘼𝘿𝙄𝙎𝙔𝙊𝙉 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙄𝙈𝙋𝙀𝙍𝙔𝘼𝙇𝙄𝙎𝙈𝙊! 𝙈𝘼𝙂-𝘼𝙍𝘼𝙇. 𝙈𝘼𝙂𝙇𝙄𝙉𝙂𝙆𝙊𝘿. 𝙈𝘼𝙉𝙂𝘼𝙃𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙈𝘼𝙆𝙄𝘽𝘼𝙆𝘼.

Sa mahigit limang dekadang pakikibaka ng League of Filipino Students (LFS) mula Setyembre 11, 1977, patuloy ang pangunguna ng liga sa anti-imperyalistang pakikibaka nito sa hanay ng mga kabataan at estudyante.

Nahaharap sa krisis ang Pilipinas sa nababadyang inter-imperyalistang digmaang dala ng Estados Unidos. At sa kasalukuyan, patuloy na ginigipit ng rehimeng US-Marcos Jr. ang ating bansa sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng imperyalistang pandarambong sa katayuan ng Pax Silica, EDCA, at iba pang makadayuhang polisiya.

Ngayong araw, Setyembre 16, inaalala natin ang makasaysayang tagumpay ng 1991 noong ibinasura ang Military Bases Agreement ng sama-samang pagkilos ng mamamayan kasama ang sektor ng kabataan. Nananatili itong patunay ng kalakasan ng ating patuloy na pakikibaka upang magapi ang imperyalismo!

Kaya't kabataan, isanib ang ating lakas sa laban ng masang anakpawis. Isulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka tungo sa pagpapabagsak ng imperyalismo!

Sumali sa League of Filipino Students - UPLB
bit.ly/JoinLFS-UPLB2026
bit.ly/JoinLFS-UPLB2026
bit.ly/JoinLFS-UPLB2026

ᴛᴀʀᴀ, ᴛᴀʟᴀᴋᴀʏɪɴ ɴᴀᴛɪɴ ɪᴛᴏ ᴀᴛ ᴍᴀɢᴋᴀᴘᴇ.Let's discuss the perils of the Pax Silica project on September 15 (Tuesday, 3:00 P...
15/09/2026

ᴛᴀʀᴀ, ᴛᴀʟᴀᴋᴀʏɪɴ ɴᴀᴛɪɴ ɪᴛᴏ ᴀᴛ ᴍᴀɢᴋᴀᴘᴇ.

Let's discuss the perils of the Pax Silica project on September 15 (Tuesday, 3:00 PM) at Sunken Lobby 1 (Learning Hub) of the Student Union Bldg. This forum aims to discuss the current developments in the Pax Silica project as another imperialist endeavor that threatens local communities.

Kita kits!

𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐘𝐀𝐋𝐈𝐒𝐌𝐎, 𝐈𝐁𝐀𝐆𝐒𝐀𝐊!Habang nalulubog ang taumbayan sa krisis, ang mga magsasaka'y pinalalayas sa kanilang mga sakahan,...
11/09/2026

𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐘𝐀𝐋𝐈𝐒𝐌𝐎, 𝐈𝐁𝐀𝐆𝐒𝐀𝐊!

Habang nalulubog ang taumbayan sa krisis, ang mga magsasaka'y pinalalayas sa kanilang mga sakahan, at ang mga mamamayan na lumalaban ay kinukulong, nagpapatuloy pa rin ang pagtulak ng tutang administrasyon sa Pax Silica at Luzon Economic Corridor.

Malinaw kung nasaan ang prayoridad ng administrasyon, at ayun ay sa interes ng kanyang among Imperyalistang US. Kaya hindi na dapat manatiling tahimik ang taumbayan. Makatarungan at marapat lamang na sila ay lumaban at gapiin ang Imperyalistang pandarambong sa ating bansa. Kaya naman, Iskolar ng Bayan, lumabas sa apat na sulok ng silid aralan at tumungo sa lansangan. Makiisa sa laban upang tutulan ang Pax Silica at iba pang anyo ng pandarambong ng Imperyalismo.

𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙇𝘼𝘾𝙆 𝙁𝙍𝙄𝘿𝘼𝙔 𝙋𝙍𝙊𝙏𝙀𝙎𝙏!

📍 𝘾𝙖𝙧𝙖𝙗𝙖𝙤 𝙋𝙖𝙧𝙠, 𝙐𝙋𝙇𝘽
🕓 3:30 𝙋𝙈, 𝙎𝙚𝙥𝙩𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 11, 2026

MAGSUOT NG ITIM. MANGAHAS NA MAKIBAKA, ISKOLAR NG BAYAN!

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when League of Filipino Students - UPLB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to League of Filipino Students - UPLB:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share