03/10/2026
Alhamdulillah!
Pormal nang nanumpa sa tungkulin sa Supreme Court of the Philippines ang mayorya ng mga bagong halal na Members of Parliament (MPs) na bumubuo sa koalisyon ng Bangsamoro Federalist Party (BFP), Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo (SIAP), Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP) representatives, at mga kaalyadong MPs mula sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Kasama si Chief Minister Hon. MP Abdulraof โSammy Gambarโ A. Macacua, nanumpa ang mga MPs sa harap ni Supreme Court Associate Justice Japar B. Dimaampao, na siyang nangasiwa sa panunumpa, bilang paghahanda sa pormal nilang pag-upo sa First Regular Bangsamoro Parliament.
Isinagawa ang panunumpa matapos pormal na iulat ng Chief Minister sa Pangulo kahapon, October 2, 2026, ang pagkakabuo ng isang Coalition Government, kung saan mayorya ng mga miyembro ng Bangsamoro Parliament ang sumapi sa koalisyong pinangungunahan ng BFP.
Ang panunumpa ay bahagi ng mga kinakailangang proseso bago pormal na gampanan ng mga halal na opisyal ang kanilang mandato. Isa rin itong mahalagang hakbang sa paglipat mula sa Bangsamoro Transition Authority tungo sa First Regular Bangsamoro Parliament matapos ang makasaysayang September 14, 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections.
Nagsama-sama sa koalisyon ang mga halal na kinatawan mula sa ibaโt ibang partido at sektor upang buuin ang Government of the Day at isang matatag at gumaganang parliamentary government.
Magpapatuloy ang paghahanda para sa makasaysayang inaugural session ng First Regular Bangsamoro Parliament at pagtitibay ng mga pangunahing prayoridad ng bagong Bangsamoro Government.