Pigcawayan MSWDO

Contact the organization

Pigcawayan MSWDO This is the official page of the Municipal Social Welfare and Development Office of Pigcawayan, Cot.

๐‘๐๐–๐”๐ƒ๐’, ๐’๐”๐Œ๐€๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐ ๐’๐Œ๐€๐‹๐‹ ๐‘๐”๐Œ๐ˆ๐๐€๐๐“ ๐๐‘๐Ž๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“Bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng supo...
17/10/2026

๐‘๐๐–๐”๐ƒ๐’, ๐’๐”๐Œ๐€๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐ ๐’๐Œ๐€๐‹๐‹ ๐‘๐”๐Œ๐ˆ๐๐€๐๐“ ๐๐‘๐Ž๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“

Bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng suporta at oportunidad sa mga Recovering Persons Who Use Drugs (RPWUDs), isinagawa ang Training on Small Ruminant Production and Management, na dinaluhan ng apat na benepisyaryo noong Oktubre 15, 2026 sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Pinangunahan ni Dr. Gideon Salcedo, Veterinarian II mula sa Office of the Municipal Agriculturist (OMAg), ang talakayan tungkol sa pag-aalaga at wastong pamamahala ng kambing, bilang paghahanda sa mga posibleng oportunidad sa kabuhayan.

Pinangasiwaan ang pagsasanay ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang mga interns mula sa Notre Dame of Midsayap, Inc. Ito ang unang bahagi ng serye ng mga pagsasanay na inihanda para sa mga benepisyaryo upang madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing maaaring maging daan sa pagkakaroon ng kabuhayan.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng MSWDO ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga RPWUDs na malinang ang kanilang kakayahan, mapalakas ang kanilang kumpiyansa, at makapagsimula ng mas produktibo at makabuluhang pamumuhay.





๐๐€๐‘๐„๐๐“ ๐„๐…๐…๐„๐‚๐“๐ˆ๐•๐„๐๐„๐’๐’ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐€๐“ ๐๐„๐– ๐‚๐”๐‹๐€๐’๐ˆ ๐„๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐‘๐˜ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹Isinagawa din noong Oktubre 15, 2026 ang Parent Effectivenes...
17/10/2026

๐๐€๐‘๐„๐๐“ ๐„๐…๐…๐„๐‚๐“๐ˆ๐•๐„๐๐„๐’๐’ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐€๐“ ๐๐„๐– ๐‚๐”๐‹๐€๐’๐ˆ ๐„๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐‘๐˜ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹

Isinagawa din noong Oktubre 15, 2026 ang Parent Effectiveness Service (PES) sa New Culasi Elementary School bilang bahagi ng pagdiriwang ng National School Safety Week, SPTA General Assembly, at Mental Health Week ng paaralan.

Sa paanyaya ng paaralan sa pangunguna ni Sir Elmer Canja, nagsagawa ng lecture si Jed M. Agustin, kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na dinaluhan ng mga magulang kasama ang kanilang mga anak mula preschool hanggang Grade 6.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng epektibong pagiging magulang at pagbibigay ng sapat na gabay at suporta sa mga bata, lalo na sa kanilang mental health at kaligtasan.

Nagpapasalamat ang MSWDO sa pamunuan ng paaralan at kay Hon. Juanito โ€œTotoyโ€ C. Agustin, Municipal Mayor, sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nagtataguyod sa kapakanan at pag-unlad ng mga bata at pamilya sa Pigcawayan.





๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐˜Ipinagpatuloy noong Oktubre 15, 2026 ang pagsusuri sa Locali...
17/10/2026

๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐˜

Ipinagpatuloy noong Oktubre 15, 2026 ang pagsusuri sa Localized Child Protection Policy (CPP), na nilahukan ng limang elementary school mula sa pampubliko at pribadong sektor sa Municipality of Pigcawayan.

Nagsilbing panelists sina Maโ€™am Danica Faith T. Luciano, RSW, MSW, Municipal Social Welfare and Development Officer, at Maโ€™am Xeรฑa Jace P. Castillo, RSW, LCPC Focal Person. Sa pamamagitan ng kanilang pagsusuri at mga mungkahi, layunin ng aktibidad na higit pang mapahusay ang mga patakaran at hakbang ng mga paaralan para sa proteksyon ng mga mag-aaral.

Patuloy na pinagtitibay ng MSWDO at ng mga paaralan ang kanilang pagtutulungan upang matiyak na ang bawat bata ay may ligtas na kapaligiran kung saan napangangalagaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan.





๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐† ๐‚๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐๐”๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐˜Patuloy ang pagsisikap ng Municipality of Pigcawayan na p...
14/10/2026

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐† ๐‚๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐๐”๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐˜

Patuloy ang pagsisikap ng Municipality of Pigcawayan na palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng Second Batch of the Localized Child Protection Policy Critiquing, na nilahukan ng mga paaralan mula sa Pigcawayan West District sa pangunguna ni Maโ€™am Lenie A. Soriano, Public Schools District Supervisor (PSDS).

Nagsilbing panelists sina Maโ€™am Danica Faith T. Luciano, RSW, MSW, Municipal Social Welfare and Development Officer, at Maโ€™am Xeรฑa Jace P. Castillo, RSW, LCPC Focal Person, kasama si din Ma'am Lenie A. Soriano. Sa kanilang paggabay at pagsusuri, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na talakayin at pag-aralan ang mga patakaran ng mga paaralan upang higit na mapagtibay ang mga hakbang sa pagprotekta sa mga mag-aaral laban sa pang-aabuso, karahasan, at iba pang banta sa kanilang kaligtasan.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga miyembro ng 23rd Sangguniang Bayan na sina Hon. Jeremiah Peter N. Dela Calzada, RN; Hon. Atty. Renie Jay A. Soriano, MMPA; at Hon. Almyrah P. Sumalde, RPh, na nagpakita ng suporta sa mga inisyatibang naglalayong pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bata.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsusuri at pagbabahagi ng kaalaman ng mga kinatawan mula sa sektor ng edukasyon, lokal na pamahalaan, at mga katuwang na tanggapan, patuloy na pinagtitibay ang layuning magkaroon ng mas ligtas at child-friendly na mga paaralan sa Pigcawayan.

Dahil ang pagprotekta sa mga bata ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan, kundi isang tungkuling pinagsasaluhan ng buong komunidad.





๐‚๐€๐’๐„ ๐‘๐„๐•๐ˆ๐„๐– ๐€๐“ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐ ๐ˆ๐ ๐๐„๐„๐ƒ ๐Ž๐… ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ (๐‚๐๐’๐) ๐€๐“ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐ ๐ˆ๐ ๐‚๐Ž๐๐…๐‹๐ˆ๐‚๐“ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐“๐‡๐„ ๐‹๐€๐– (๐‚๐ˆ๐‚...
13/10/2026

๐‚๐€๐’๐„ ๐‘๐„๐•๐ˆ๐„๐– ๐€๐“ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐ ๐ˆ๐ ๐๐„๐„๐ƒ ๐Ž๐… ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ (๐‚๐๐’๐) ๐€๐“ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐ ๐ˆ๐ ๐‚๐Ž๐๐…๐‹๐ˆ๐‚๐“ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐“๐‡๐„ ๐‹๐€๐– (๐‚๐ˆ๐‚๐‹)/๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐ ๐€๐“ ๐‘๐ˆ๐’๐Š (๐‚๐€๐‘) ๐‚๐€๐’๐„๐’ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐๐ˆ๐†๐‚๐€๐–๐€๐˜๐€๐

Isinagawa ngayong araw sa Municipal Conference Hall ng Bayan ng Pigcawayan ang Review and Monitoring ng Cases ng mga Children in Need of Special Protection (CNSP) and Children in Conflict with the Law (CICL)/Children at Risk (CAR) sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Pinangunahan ang assessment nina Maโ€™am Arleen A. Timson, PSWD Officer, at Maโ€™am Clarissel Cabaya, CICL Focal Person, kasama ang mga kinatawan ng ibaโ€™t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya na may mahalagang papel sa pangangalaga at pagprotekta sa mga bata.

Dumalo sa aktibidad sina Maโ€™am Danica Faith T. Luciano, RSW, MSW, Municipal Social Welfare and Development Officer; Maโ€™am Berlyn A. Toledo, RSW, CICL/CAR Focal Person; Maโ€™am Jenny C. Bobiles, RSW, Children in Need of Special Protection Focal Person; Maโ€™am Merlyn S. Castillon, RN, MPA, kinatawan ng Municipal Health Office; at PMSg. Cherry Lyn S. Bueno mula sa PNP-Women and Children Protection Desk (WCPD).

Layunin ng case review at monitoring na masuri ang kalagayan at pag-usad ng mga kasong kinabibilangan ng mga bata, matukoy ang kanilang mga pangangailangan, at matiyak na naibibigay ang angkop na mga serbisyo, interbensyon, at suporta para sa kanilang kaligtasan, proteksyon, at rehabilitasyon.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng PSWDO, MSWDO, Municipal Health Office, at PNP-WCPD, patuloy na pinagtitibay ang pagtutulungan ng mga ahensya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga bata at mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Dahil ang bawat bata ay nararapat na maprotektahan, magabayan, at mabigyan ng pagkakataong makapagsimula at magkaroon ng mas ligtas at maayos na kinabukasan.





๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐˜ ๐‚๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐๐”๐ˆ๐๐†Matagumpay na natapos kahapon, Oktubre 12, 2026, sa Municipal Conference Hal...
13/10/2026

๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐˜ ๐‚๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐๐”๐ˆ๐๐†

Matagumpay na natapos kahapon, Oktubre 12, 2026, sa Municipal Conference Hall ang Localized Child Protection Policy Critiquing, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga Public Schools District Supervisor, LCPC Focal Person, at mga school head at principal ng ibaโ€™t ibang high school mula sa Pigcawayan East at Central Districts.

Pinangunahan ang talakayan sa pakikilahok nina Maโ€™am Danica Faith T. Luciano, RSW, MSW, Municipal Social Welfare and Development Officer; Maโ€™am Judy Q. Aclaracion, Public Schools District Supervisor ng Pigcawayan East District; Maโ€™am Annie M. Samillano, Public Schools District Supervisor ng Pigcawayan Central District; at Maโ€™am Xeรฑa Jace P. Castillo, LCPC Focal Person.

Layunin ng aktibidad na suriin at pag-aralan ang proposed Localized Child Protection Policy ng bawat paaralan upang matiyak na ang mga probisyon nito ay angkop sa pangangailangan ng mga paaralan at sa kalagayan ng mga batang kanilang pinaglilingkuran. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, mungkahi, at rekomendasyon ng mga kalahok, mas napagtibay ang kahalagahan ng malinaw na mga patakaran at magkakaugnay na hakbang para sa proteksyon at kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa patuloy na pagkakaisa at pakikipagtulungan, isinusulong ng Municipality of Pigcawayan ang mas ligtas at child-friendly na mga paaralan at komunidad kung saan ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat bata ay pinahahalagahan at pinangangalagaan.





๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ’ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐, ๐๐€๐Š๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐’๐€ ๐†.๐€.๐.๐€.๐˜. ๐๐”๐ˆ๐‹๐ƒ ๐” ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐ŒPatuloy na isinusulong ang kamalayan at paghubog sa mga kabataan s...
10/10/2026

๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ’ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐, ๐๐€๐Š๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐’๐€ ๐†.๐€.๐.๐€.๐˜. ๐๐”๐ˆ๐‹๐ƒ ๐” ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ

Patuloy na isinusulong ang kamalayan at paghubog sa mga kabataan sa pamamagitan ng G.A.B.A.Y. Build-U Program โ€“ Module III: โ€œShield and Sword,โ€ mula Oktubre 6 -8, na dinaluhan ng 194 na estudyante.

Pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang programa bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na gabayan ang mga kabataan sa pagbuo ng tamang pag-iisip, pagpapahalaga, at kakayahang harapin ang mga hamon sa kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng module na ito, layunin ng programa na higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagkakaroon ng gabay at proteksyon sa sarili, gayundin ang paggawa ng mga desisyong makatutulong sa kanilang personal na pag-unlad.

Patuloy namang nakikiisa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan ng kabataan na kilalanin ang kanilang sarili, gumawa ng responsableng desisyon, at harapin ang mga hamon nang may sapat na kaalaman at tiwala sa sarili.

Dahil ang kabataang may tamang gabay at sapat na kaalaman ay mas handang harapin ang mga hamon at bumuo ng mas magandang kinabukasan.





๐Ž๐‚๐“๐Ž๐๐„๐‘ 8, 2026 | ๐๐„๐’ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐“ ๐ˆ๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐‘๐’ ๐’๐€ ๐Ÿ‘ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘๐’Patuloy na isinusulong ng Munic...
10/10/2026

๐Ž๐‚๐“๐Ž๐๐„๐‘ 8, 2026 | ๐๐„๐’ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐“ ๐ˆ๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐‘๐’ ๐’๐€ ๐Ÿ‘ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘๐’

Patuloy na isinusulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga magulang sa pamamagitan ng Parent Effectiveness Service (PES) Orientation at Induction of Officers sa tatlong Child Development Centers (CDCs), kabilang ang Balogo Main, Balogo Extension, at Presbitero CDC.

Dinaluhan ang aktibidad ng kabuuang 43 kalahok, na nagkaroon ng pagkakataong mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagiging responsable at epektibong magulang, gayundin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa mga programa ng kanilang Child Development Centers.

Nagbigay ng welcome address si Hon. Edgar Castillo, Punong Barangay, na nagpahayag ng pagtanggap at suporta sa isinagawang aktibidad. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta sina Hon. Lorma Subiaga, Committee Chair on Education, at Hon. Maey Joy Tandoy, Committee Chair on Social Services, para sa mga kalahok mula sa Barangay Balogo. Para naman sa Barangay Presbitero, kinatawan ni Hon. Crispina Santonia, Committee Chair on Education, ang mensahe ng suporta ng barangay.

Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na pinagtitibay ang ugnayan ng mga magulang, Child Development Workers, at mga lokal na opisyal upang mas masuportahan ang pag-unlad ng mga bata at maisulong ang positibo at responsableng pagiging magulang.

Dahil ang matibay na pundasyon ng pag-unlad ng bawat bata ay nagsisimula sa isang pamilyang may gabay, malasakit, at pagkakaisa.





๐„๐‹๐ƒ๐„๐‘๐‹๐˜ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‚๐”๐‹๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐ŒMatagumpay na isinagawa ngayong Oktubre 8, 2026 sa Municipal Gymnasium a...
08/10/2026

๐„๐‹๐ƒ๐„๐‘๐‹๐˜ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‚๐”๐‹๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ

Matagumpay na isinagawa ngayong Oktubre 8, 2026 sa Municipal Gymnasium ang Elderly Filipino Week 2026 Culmination Program, na may temang โ€œNakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.โ€

Naging pagkakataon ang programa upang sama-samang ipagdiwang at kilalanin ang mahalagang papel ng mga nakatatanda sa pamilya at komunidad. Tampok din sa selebrasyon ang mga mensahe, intermission numbers mula sa ibaโ€™t ibang Senior Citizen Chapters, at iba pang aktibidad na nagbigay ng saya at pagkakataon para sa ating mga Lolo at Lola na makapag-bonding at maipakita ang kanilang mga talento.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang MSWDO, sa pangunguna ni Maโ€™am Danica Faith T. Luciano, RSW, MSW, kasama ang mga miyembro ng 23rd Sangguniang Bayan na sina Hon. Shadria A. Tejada, Hon. Jeremiah Peter N. Dela Calzada, Hon. Atty. Renie Jay A. Soriano, at Hon. Almyrah P. Sumalde, mga opisyal ng FSCAP, at mga Senior Citizen Chapters mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng Pigcawayan.

Nagbigay rin ng mensahe ng suporta ang ating Municipal Mayor na si Hon. Juanito C. Agustin, na inirepresenta ng kanyang butihing maybahay si Maโ€™am Nancy M. Agustin, bilang pagpapakita ng patuloy na pagkilala at suporta sa mga nakatatanda sa bayan. Samantala, si Hon. Rosalie H. Cabaya, RPh, MPA ang naging Guest Speaker ng programa.

Itinanghal naman sina Mr. Jerry G. Cenit at Ms. Tessie S. Josilva bilang Gwapong Lolo at Gandang Lola 2026 na kapwa mula sa Cluster 4.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, muling ipinakita na ang pagiging senior citizen ay hindi nangangahulugan ng pagiging nasa gilid ng komunidad. Ang kanilang karanasan, kwento, talento, at pananaw ay patuloy na may halaga at ambag sa pagbuo ng mas maayos at nagkakaisang Pigcawayan.

Para sa ating mga Lolo at Lola, maraming salamat sa mga kwento, aral, at pagmamahal na patuloy ninyong ipinapasa sa bawat henerasyon.





๐‚๐š๐ฉ๐š๐œ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐…๐ฎ๐ง๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ, ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐š๐ง๐ ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐œ๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ...
07/10/2026

๐‚๐š๐ฉ๐š๐œ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐…๐ฎ๐ง๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ, ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐š๐ง๐ ๐…๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐œ๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ

Isinagawa ngayong araw sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang Capacity Building on the Functions, Responsibilities, and Records Management, and Financial Accountability of Senior Citizen Associations, na dinaluhan ng mga opisyal ng Senior Citizen Associations mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng Pigcawayan.

Lumahok sa pagsasanay ang 30 Treasurers at 36 Secretaries ng mga Senior Citizen Chapters, na nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong pagtupad ng tungkulin, pamamahala ng mga rekord, at responsableng pangangasiwa ng pananalapi ng kanilang mga samahan.

Bilang mga resource speakers, ibinahagi nina Ma'am Jocelyn P. Jagonob, CPA, Municipal Accountant ng Pigcawayan, at Sir A***n D. Tolentino, Secretary ng Sangguniang Bayan ng Pigcawayan, ang kanilang kaalaman at gabay upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga opisyal sa kanilang mga responsibilidad.

Dumalo rin sina Elizear G. Baylen, RN, Focal Person for Senior Citizens; Jamie G. Dela Torre, OSCA Head; Rodolfo Martizano, FSCAP President; at ang mga Chapter Presidents ng Senior Citizen Associations sa Pigcawayan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong capacity-building activities, patuloy na pinapalakas ang kakayahan ng mga Senior Citizen Associations na maging mas organisado, responsable, at mahusay sa paglilingkod at pagsusulong ng kapakanan ng kanilang kapwa nakatatanda.





Address

Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pigcawayan MSWDO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pigcawayan MSWDO:

Shortcuts

Share