Candy Caranto Andres

Candy Caranto Andres This is the official page of Candy May Caranto Andres
(1)

Ako po ay malugod na bumabati sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-112 Anibersaryo.Nawa’y patuloy kayong pa...
27/07/2026

Ako po ay malugod na bumabati sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-112 Anibersaryo.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at manatiling matatag sa pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod. Hangad ko po ang patuloy na kapayapaan, kaunlaran, at tagumpay ng inyong samahan sa mga darating pang taon.


17/07/2026

Naipasa na ni Konsehala Candy May C. Andres ang Proposed Municipal Ordinance No. 17, S-2026, o ang

“Ordinance Granting Incentives and Recognition to Athletes Who Bring Honor and Pride to the Municipality of Cuyapo, Province of Nueva Ecija.”

Layunin ng ordinansang ito na kilalanin at bigyang-insentibo ang mga atletang nagdadala ng karangalan at pagmamalaki sa Bayan ng Cuyapo sa pamamagitan ng kanilang natatanging pagganap sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Isa rin itong paraan ng pagbibigay-pugay sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap, at tagumpay na nagsisilbing inspirasyon sa ating mga kabataan. ~{admin}💜


08/07/2026

Naipasa na ni Konsehala Candy May C. Andres ang Municipal Ordinance No. 15, S-2026, o ang

“Student Anti-Loitering and School Hours Protection Ordinance,”

na naglalayong maprotektahan ang kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagtambay sa mga pampublikong lugar at entertainment establishments habang may oras ng klase, maliban kung may wastong pahintulot o dahil sa isang emergency.

Layunin ng ordinansang ito na mahikayat ang regular na pagpasok sa paaralan, mapalakas ang disiplina ng kabataan, at maiwasan ang pagliban sa klase at pagkalantad sa mga hindi kanais-nais na impluwensya. Katuwang din sa pagpapatupad nito ang mga paaralan, magulang, mga establisyemento, at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral.


Ngayong ika-apat na Lunes ng buwan ng Hunyo, dumalo si Konsehala Candy May Andres sa Regular na Sesyon ng Sangguniang Ba...
22/06/2026

Ngayong ika-apat na Lunes ng buwan ng Hunyo, dumalo si Konsehala Candy May Andres sa Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Cuyapo.

Tinalakay sa sesyon ang mga mahahalagang usapin, programa, at panukalang ordinansa para sa patuloy na pag-unlad ng bayan at kapakanan ng bawat Cuyapeño.

Ipinasa rin ni Konsehala Candy May Andres ang isang resolusyon na humihiling sa ating butihing Local Chief Executive na kilalanin at gunitain ang buwan ng Hunyo bilang Pride Month bilang suporta sa ating LGBTQIA+ community.


20/06/2026

Galing Galing Chair!!! Congratulations Kelly!!!! We are proud of you!!!

Ngayong ikatlong Lunes ng buwan ng Mayo, isinagawa ang Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Cuyapo na dinaluhan ng ...
19/05/2026

Ngayong ikatlong Lunes ng buwan ng Mayo, isinagawa ang Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Cuyapo na dinaluhan ng ating Konsehala Candy May Andres.

Sa nasabing sesyon, tinalakay ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng bayan at ang mga posibleng hakbang upang ito ay mabigyan ng agarang solusyon at mapagaan para sa mamamayan. Napag-usapan din ang mga panukalang batas at ordinansa na layuning higit pang mapaunlad at mapaganda ang bayan ng Cuyapo para sa kapakanan ng bawat Cuyapeño.


Matapos ang ilang buwan ng masusing pag-aaral, pagsusuri, at pagbuo ng polisiya, ganap nang naipasa ang Municipal Ordina...
18/05/2026

Matapos ang ilang buwan ng masusing pag-aaral, pagsusuri, at pagbuo ng polisiya, ganap nang naipasa ang Municipal Ordinance No. 254 s. 2025 o ang “Cuyapo Para sa Mag-aaral Buhay ay Aangat Integrated Scholarship Program” na inakda at isinulong ni Konsehala Candy May Caranto Andres.

Bunga ito ng dedikasyon at taos-pusong hangarin ni Konsehala Candy May na makapaglatag ng isang maayos, inklusibo, at matatag na programang pang-edukasyon para sa mga kabataang Cuyapeño. Sa kabila ng mahabang proseso ng pag-aaral at konsultasyon, nanatili siyang determinado upang maisakatuparan ang ordinansang ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral ng ating bayan.

Lubos din ang pasasalamat kay Mayor Jose S. Hidalgo Jr. sa kaniyang buong suporta sa ordinansang ito. Bagamat mayroon na syang scholarship program para sa mag-aaral ng Cuyapo, ipinakita pa rin niya ang kanyang malasakit at suporta upang mas mapalawak pa ang oportunidad para sa edukasyon ng ating mga kabataan.

Para sa mga nais mag-apply at malaman ang mga kinakailangang requirements at proseso, maari pong makipag-ugnayan sa LYDO Office o hanapin po natin ang Dept. Head ng LYDO Mr. John Amiel C. Mendoza. ~{A}💜


Nakiisa ang ating konsehala Candy May Andres sa isinagawang sesyon ngayong ikalawang-Lunes ng Mayo. Sa Sangguniang Bayan...
11/05/2026

Nakiisa ang ating konsehala Candy May Andres sa isinagawang sesyon ngayong ikalawang-Lunes ng Mayo. Sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Cuyapo.

Sa naturang sesyon ay ipinagpatuloy ang pagtalakay at paghahain ng mga panukalang batas at programa na naglalayong higit pang mapaunlad at mapabuti ang ating bayan para sa kapakanan ng bawat Cuyapeño.


11/05/2026

Tulad din ba ninyo akong nababahala sa madalas na pagpatay-sindi at paghina ng kuryente na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga gamit sa bahay?

Sa naganap na sesyon kanina, ibinahagi ni Konsehala Candy May Andres ang hinaing ng mga mamamayan ng Cuyapo kaugnay sa hindi maayos na suplay ng kuryente sa ating bayan.

Kaugnay nito, iminungkahi niya ang pagsasagawa ng Committee Hearing kasama ang TARELCO I, mga stockholders, upang mabigyang-linaw ang mga suliranin at makahanap ng agarang solusyon para sa mas maayos na serbisyo ng kuryente para sa bawat Cuyapeño. ~{Admin}


Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng dakilang Nanay ng bayan ng CuyapoSa mga ilaw ng tahanan na walang sawang nagsasak...
10/05/2026

Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng dakilang Nanay ng bayan ng Cuyapo

Sa mga ilaw ng tahanan na walang sawang nagsasakripisyo, nag-aaruga, at nagbibigay ng pagmamahal para sa kanilang pamilya kayo po ang tunay na haligi ng bawat tahanan at inspirasyon ng ating komunidad.

Pagbati po sa mga unang beses pa lamang naging Ina, sa mga matagal nang gumagabay sa kanilang pamilya, sa mga tumayong Ina para sa iba, sa mga Inang patuloy na nagsisikap at nagtatrabaho para sa kinabukasan ng kanilang mga anak, at sa lahat ng Nanay na naging sandigan natin mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Ang inyong pagmamahal, sipag, at sakripisyo ay hindi matutumbasan. Maraming salamat po sa inyong walang kapantay na pag-aaruga at dedikasyon.


Address

Cuyapo
3117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Candy Caranto Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category