31/08/2026
Ipinababatid sa mga magulang at mga mag-aaral ng Petal Elementary School na WALANG PASOK BUKAS, Setyembre 1, 2026 (Martes), bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) at sa paglapit/pag-iral ng Tropical Depression Pilandok.
Ayon sa pinakahuling weather information mula sa DOST-PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang epekto ng Habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, kabilang ang posibilidad ng malalakas na pag-ulan at malalakas na bugso ng hangin.
Sa halip na pisikal na pagpasok, ipatutupad ng paaralan ang:
📚 𝐀𝐍𝐓𝐀𝐒 𝐇𝐈𝐍𝐀𝐘 (𝐄𝐚𝐬𝐞-𝐈𝐧)
𝐀𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐞𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐌𝐨𝐝𝐞 (𝐀𝐃𝐌)
👧🏻 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋
Ang pagkatuto ay magpapatuloy sa pamamagitan ng Modular at/o Asynchronous Learning. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong mga g**o at regular na tingnan ang inyong class group chats para sa mga learning activities, modyul, at iba pang tagubilin.
👩🏻🏫 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐈
Ipatutupad ang naaangkop na Alternative Work Arrangement (AWA) alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng DepEd.
💙 Sa panahong may masamang panahon, kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad—ngunit patuloy ang pagkatuto.
Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at updated sa mga opisyal na anunsyo mula sa Petal Elementary School, lokal na pamahalaan, at DOST-PAGASA.
🌧️📚 Ligtas na tahanan. Tuloy ang pagkatuto.
Mag-ingat po tayong lahat! 💙