03/10/2026
Empowering Barangay Adolescents Through Safe Spaces
Sa pangunguna ng Municipal Population Development Office, matagumpay na naisagawa ngayong araw ang mahalagang programang Project E.B.A.S. na naglalayong lumikha ng mas ligtas na komunidad at gabay para sa ating mga kabataan.
Isang taos-pusong pasasalamat ang ating ipinapaabot sa ating host barangay, ang aming Barangay Cajel, sa ilalim ng dedikasyon ng ating mga Barangay Officials sa pangunguna ni Hon. Jaime Natividad, kasama ang inyong lingkod, Mark Angelo Gaudia , SK Chairman / SK Municipal Federation President kasama ang ating mga Barangay Population Workers.
Nagpapasalamat din tayo sa matatag na suporta ng ating lokal na pamahalaan. Ang ating pasasalamat kay Municipal Mayor at MPDCC Chairperson Hon. May Garnace-Calaunan, Municipal Vice Mayor Hon. Marlito G. Corpuz, at sa lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan sa kanilang walang-sawang pagsuporta sa mga hakbangin para sa pagpapaunlad ng ating mga kabataan at populasyon.
Ipinaparating din natin ang ating mataas na pagkilala at pasasalamat sa mga resource speakers natin at sa mga staff ng Municipal Population Diffun Quirino bilang tagapag taguyod ng PROJECT E.B.A.S;
Mr. Gerome B. Taguiam, RND, MSc – Population Program Officer
Ms. Cristina Z. Cayetano – AHD Program Manager
Ms. Jay-Ann P. Escaner – PopDev Program Manager
Ang malaking tagumpay na ito ay naging posible rin sa pamamagitan ng pagkakaisa at koordinasyon ng anim na clustered barangays at ng kani-kanilang mga kinatawan na patuloy na nagtutulungan para sa kapakanan ng kabataan:
Cajel: Mark Angelo Gaudia
Bannawag: Hon. Joel Supnad
Balagbag: Hon. Joemar Aggabao
Liwayway: Hon. Daniel Lodivico
Luttuad: Hon. Jay-Ar Arzadon
Villa Pascua: Hon. Reslie Ann Landingin,
at ang kanilang mga Barangay Officials kasama ang kanilang mga masisipag na Barangay Population Workers.
Muli, mula sa Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan - Diffun , maraming salamat po at magtulungan po tayo para sa mas maunlad, ligtas, at epektibong komunidad para sa ating mga kabataan.