Sulong Pantawid Dumaran

Sulong Pantawid Dumaran Tarabidan sa kayadan y ang tanan

Hello again, ka-Sulong!!!Usapang gulayan? Aba, meron tayo nyan. Isa na rito si ate Jo mula sa Barangay Bohol Dumaran, Pa...
13/08/2026

Hello again, ka-Sulong!!!

Usapang gulayan?

Aba, meron tayo nyan. Isa na rito si ate Jo mula sa Barangay Bohol Dumaran, Palawan.

"Ang sobra ay naibebenta na po namin at sa totoo lang po, masaya ang may gulayan."

Abangan po natin ang maikling video sa kanilang gulayan.😊

Sa ngayon, ang hamon sa ating lahat ay kung kelan pa natin pasisimulan na magtanim ng gulay?

Kung katulad ka ni ate Jo na may gulayan na, salamat at sana ipagpatuloy nyo po. Kung ikaw naman ay nagpaplano pa lang magsimula, aba...tara na magtanim na tayo para sa sunod, ikaw naman ang ibibida natin dito ka-Sulong. πŸ™

Sulong Pantawid Dumaran

Hello mga ka-Sulong!!Isang matagumpay na Family Development Session ang isinagawa nitong nakaraang buwan ng July sa Bara...
13/08/2026

Hello mga ka-Sulong!!

Isang matagumpay na Family Development Session ang isinagawa nitong nakaraang buwan ng July sa Barangay Ilian at Santa Maria. Ilan lamang itong mga piling larawan bilang pasilip sa mga kaganapan sa FDS.

Hangad namin ka-Sulong, na lahat ng mga natutunan sa inyong FDS ay maisabuhay natin sa araw-araw. πŸ™

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng kanilang butihin at masipag na Municipal Link na si ML Airene Ramirez

Sulong Pantawid Dumaran

17/07/2026

Magandang araw mga ka-Sulong!

Narito po ang mga pangalan ng potensyal na benepisyaryo na hindi nakadalo sa isinagawang community assembly.

Bohol-
Mr. Samuel Dela Cruz Suyat at Mrs. Realyn Salvador Abis
Mr. Ernesto Corrales Jovenes at Mrs. Sherlita Gange Jovenes

Santo Tomas
Mr. Amel Naraus Valdez at Mrs. Marecel Bundal Sadang

Maari po lamang na matulungan po kami na maicomment po kung nasaan na po sila ngayon nakatira upang magawan na paraan na maipakisuyo sa aming mga kasamahan sa ibang lugar. Kung nasa Dumaran pa po, masabihan na makipag-ugnayan sa aming tanggapan dito sa Poblacion Dumaran sa lunes, July 20, 2026 at magdala ng kaukulang dokumento.

Marami pong salamat, ka-Sulong. πŸ™

Ang pagmamalasakit sa kapwa ay isang magandang katangian, kaya umaasa po kami na kami ay inyong matutulungan na maiconnect sa tatlong pamilya na amin pong hinahanap pa. Salamat.

Sulong Pantawid Dumaran

Magandang araw, mga ka-Sulong! Update po natin sa mga isinasagawang community assembly (validation at registration) sa a...
14/07/2026

Magandang araw, mga ka-Sulong!

Update po natin sa mga isinasagawang community assembly (validation at registration) sa atin pong mga potensyal na benepisyaryo sa set14E sa bayan po ng Dumaran.

Ilan lamang po ito sa mga piling larawan ng ating actual na pagsasagawa ng balidasyon.

Mga natapos na po na barangay sa balidasyon ay San Juan, Bacao, Calasag, Catep, Culasian, Poblacion, Sta Maria at Tanatanaon.

Marami pong salamat πŸ™

Sulong Pantawid Dumaran

09/07/2026

Magandang gabi, mga ka-Sulong!!

At dumating na po ang tamang panahon. πŸ₯°

Bukas na po, July 10,2026 isasagawa ang community assembly ng mga potensyal benepisyaryo sa set14E, sa barangay San Juan Dumaran, Palawan. Abangan po si ML Mary Ann Riveral sa kanyang pagpunta sa nasabing lugar. Isasagawa ang balidasyon pagkatapos po ng FDS sa mga aktibong miyembro. Maari po lamang dalhin ang mga mahahalagang dokumento tulad ng marriage contract, birth certificates ng lahat ng member ng pamilya, kopya ng National id at iba pang mahahalagang dokumento na nabanggit na po sa nakaraang post po natin.

Venue ng community assembly sa Bgy San Juan ay sa Multi-Purpose Hall po. Magsisimula ang balidasyon bukas ganap ng ika-10 ng umaga.

Marami pong salamat sa patuloy na sumusuporta.

Sulong Pantawid Dumaran

03/07/2026

Magandang araw, mga ka-Sulong!

At dahil sabado na ngayon, sana magsilbi itong paalala sa bawat isang makakabasa nito, na marami tayong dapat ipagpasalamat kay Lord.

Hindi naman kalabisan kung mapagnilayan natin ito mga ka-Sulong.

Be thankful. – Colossians 3:15

Sulong Pantawid Dumaran


02/07/2026

Magandang tanghali, mga ka-sulong!

Isang paalala po, sa nalalapit na community assembly para sa mga potensyal na benepisyaryo, nais lamang po namin bigyang diin na ang mga pangalan na nasa listahan ay hindi po awtomatikong mapapabilang sa programa o sa 4Ps, dahil na rin sa magsasagawa pa po tayo ng verification at validation bago po ang kanilang registration.

Kaya hinihikayat po na ang mga nasa listahan ay magpunta sa nakatakdang schedule ng mga isasagawang community assembly ngayong buwan ng July sa kada barangay.

Mahigpit din pong ipinapaalala, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng National ID/PCN, sa LAHAT ng miyembro ng pamilya.

Marami pong salamat. πŸ™

Sulong Pantawid Dumaran

01/07/2026

Magandang araw, mga ka-sulong! πŸ₯°

Ka-sulong, tandaan natin palagi:

Ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa bawat maliit na hakbang na ginagawa natin nang sama-sama.

Sulong Pantawid Dumaran

Magandang gabi, mga ka-sulong! PABATID !!! Narito po ang listahan ng mga potensyal benepisyaryo ng programang 4Ps sa ila...
01/07/2026

Magandang gabi, mga ka-sulong!

PABATID !!!

Narito po ang listahan ng mga potensyal benepisyaryo ng programang 4Ps sa ilalim ng set14D at 14E dito sa bayan ng Dumaran, Palawan.

Ang mga nasa listahan na ito ay kailangan makipagkita sa bawat Municipal Link na pupunta sa kada barangay, sila rin po kasi ang may hawak ng mga barangay para sa gaganaping community assembly o balidasyon. Ibig pong sabihin, dyan po sa inyong bgy ninyo sila aantayin.

Mga Municipal Links:
ML Mary Ann Riveral -Bacao, Catep, San Juan
ML Angelley Vallega Placido -Capayas, Poblacion
ML Febe Cabanigan - Bohol, Calasag, Sto Tomas
ML Jean Kristy Palay - Culasian, Sta Teresita
ML Airene Ramirez- Ilian, Sta Maria
ML Jan Aldwin Bermeo- Danleg, Magsaysay

Ang tanatanaon at Itangil- paparating pa lang ang papalit kay sir Jordan, kaya pansamantala ang hahawak ng Itangil ay si sir Jan Aldwin, samantalang ang tanatanaon ay si Mam Jean Kristy.

Ito na po ang final schedule sa balidasyon o community assembly sa kada barangay.

San Juan- July 10, 2026
Bacao- July 13, 2026
Catep- July 14, 2026

Calasag-July 14, 2026
Sto Tomas- July 15, 2026
Bohol- July 16, 2026

Poblacion-July 13,14, 2026
Capayas-July 16,2026

Culasian- July 13, 2026
Sta Teresita - July 15, 2026
Tanatanon- July 13, 2026 (SWA Juvelyn, validator)

Sta Maria- July 13, 2026
Ilian- July 15, 2026

Itangil at Magsaysay- July 16, 2026
Danleg - July 17, 2026

Again, bibigyan diin lamang po natin na lahat ng nasa listahan ay hindi po awtomatikong mareregister sa programa o 4Ps, dahil magsasagawa pa po tayo ng tinatawag na verification at validation sa community assembly, pagkatapos po saka lamang natin gagawin ang registration. Kaya nga, mahalaga ang presenysa ng nasa listahan na mga pangalan.

Karagdagang paglilinaw, kapag ang anak ang nasa listahan, magulang ng bata ang pupunta po sa schedule ng balidasyon.

Marami pong salamat. πŸ™

Sulong Pantawid Dumaran

Address

Dumaran

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sulong Pantawid Dumaran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share