Municipal Health Office - El Nido, Palawan

Call

Municipal Health Office - El Nido, Palawan Official Municipal Health Office- El Nido Palawan Page

𝐂𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐌𝐚𝐧𝐥𝐚𝐠, 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔
12/11/2026

𝐂𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐌𝐚𝐧𝐥𝐚𝐠, 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝐓𝐁 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐄𝐋 𝐍𝐈𝐃𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐗-𝐑𝐚𝐲𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑-𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔Ang Municipal Health Office of El Nido, katuwang...
12/11/2026

𝐓𝐁 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐄𝐋 𝐍𝐈𝐃𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐗-𝐑𝐚𝐲
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑-𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ang Municipal Health Office of El Nido, katuwang ang Provincial Health Office of Palawan, ay matagumpay na nagsagawa ng TB Caravan 2026 upang palawakin ang akses ng komunidad sa libreng chest X-ray at maagang pagtuklas ng tuberculosis.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Sa sama-samang pagkilos, mas mapapalakas natin ang ating kampanya tungo sa isang komunidad na ligtas at malaya sa TB.

PROTECT YOURSELF FROM THE HEAT OF EL NIÑO!The risk of heat-related illnesses is higher now during El Niño, especially fo...
11/11/2026

PROTECT YOURSELF FROM THE HEAT OF EL NIÑO!

The risk of heat-related illnesses is higher now during El Niño, especially for travelers and workers. Avoid prolonged exposure to extreme heat, rest in the shade, drink enough water, and wear light clothing and sun protection. Stop immediately if you feel dizzy or weak, and monitor each other at work.

Protect yourself and your family from El Niño. Call the National Emergency Hotline 911 if you need help.




PROTEKTAHAN ANG KATAWAN MULA SA INIT NG EL NIÑO!

Mas mataas ang panganib ng heat-related illnesses ngayong El Niño, lalo na sa mga bumibyahe at nagtatrabaho. Iwasan ang matagal na pagbabad sa matinding init, magpahinga sa lilim, uminom ng sapat na tubig, at magsuot ng damit na magaan at pamproteksyon sa araw. Huminto agad kapag nahihilo o nanghihina, at bantayan ang isa’t isa sa trabaho.

Ingatan ang sarili at pamilya laban sa El Niño. Tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.





11/11/2026

Tuloy-tuloy ang Bakuna Eskwela ngayong Nobyembre. Maaaring pabakunahan ang inyong mga anak na Grade 1, Grade 4, at Grade 7 sa mga pampublikong paaralan.

‘Wag hayaang mabiktima ng fake news tungkol sa bakuna. Ang tamang impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa tigdas, tigdas-hangin, dipterya, tetano, at cervical cancer ay matatalakay sa vaccination orientation para sa mga magulang. Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong health center para makausap ang pinakamalapit na doktor o healthcare worker.

Proteksyon at kaligtasan ang hatid ng mga bakuna. Magpabakuna na, dahil Bawat Buhay Mahalaga!

📢 PAALALA | PAGBABAGO SA ISKEDYUL NG SERBISYONG SANIDAD CARAVANInaabisuhan po ang lahat ng aming mga kababayan, lalo na ...
09/11/2026

📢 PAALALA | PAGBABAGO SA ISKEDYUL NG SERBISYONG SANIDAD CARAVAN

Inaabisuhan po ang lahat ng aming mga kababayan, lalo na ang mga food handlers at business owners, na may pagbabago sa iskedyul ng Serbisyong Sanidad Caravan para sa renewal ng Sanitary Permit at Health Card.

📍 BARANGAY BAROTUAN
❌ Dating Schedule: November 12, 2026
✅ Bagong Schedule: November 25, 2026

📍 BARANGAY BAGONG BAYAN
❌ Dating Schedule: November 13, 2026
✅ Bagong Schedule: November 24, 2026

📌 Ang lahat ng iba pang nakatakdang schedule ay mananatiling pareho.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Patuloy nating ilapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan at pangkalinisan sa bawat barangay.

𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝𝐥𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟒-𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔Isang patak ng dugo, isang buhay ang maaaring mailigtas. ❤️🩸...
08/11/2026

𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝𝐥𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟒-𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Isang patak ng dugo, isang buhay ang maaaring mailigtas. ❤️🩸

Matagumpay na naisagawa ang Bloodletting Activity 2026 sa Bayan ng El Nido sa pakikipagtulungan ng Municipal Government of El Nido, Municipal Health Office, Philippine Red Cross – Palawan Chapter, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office- El nido at iba pang katuwang na ahensya.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng boluntaryong nagbahagi ng kanilang dugo. Ang inyong kabutihang-loob ay nagbibigay ng pag-asa at pangalawang pagkakataon sa mga nangangailangan.

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng malasakit at pagkakaisa—dahil sa bawat donasyon ng dugo, may buhay na naisasalba.

Magbigay ng dugo. Magbigay ng pag-asa. Magligtas ng buhay. 🩸❤️

𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 & 𝐂𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐳, 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
06/11/2026

𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 & 𝐂𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧
𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐳, 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 |𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏-𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔Bilang pakikiisa sa paggunita ng Ligtas Undas 2026, ang Municipal...
03/11/2026

𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 |𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏-𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Bilang pakikiisa sa paggunita ng Ligtas Undas 2026, ang Municipal Health Office – El Nido, sa pakikipagtulungan ng ating mga Barangay Health Workers, volunteers, at iba pang katuwang na ahensya, ay nagkaloob ng medical assistance upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng publiko.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at dedikasyon sa serbisyo, patuloy nating isinusulong ang isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Undas para sa bawat mamamayan.

Serbisyong may malasakit. Kalusugan at kaligtasan ng bawat isa ang aming prayoridad.

𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝟒𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨, 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟗- 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔Mat...
02/11/2026

𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝟒
𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨, 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟗- 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Matagumpay na isinagawa ang Food Safety and Sanitation Management Training sa Barangay San Fernando, El Nido, Palawan upang higit pang mapalakas ang kaalaman at responsableng pagpapatupad ng tamang food safety at sanitation practices. Sama-sama nating itaguyod ang ligtas at dekalidad na pagkain para sa bawat mamamayan.

📢 PAUNAWA SA PUBLIKOAlinsunod sa Proklamasyon Bilang 1006, ang Nobyembre 2, 2026 (Lunes) ay idineklarang Special Non-Wor...
01/11/2026

📢 PAUNAWA SA PUBLIKO

Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1006, ang Nobyembre 2, 2026 (Lunes) ay idineklarang Special Non-Working Day bilang paggunita sa All Souls’ Day.

Dahil dito, walang regular na medical consultation sa Municipal Health Office ng El Nido sa nasabing araw.

📌 Paalala sa ating mga kababayan:
• Para sa mga emergency, mangyaring magtungo sa pinakamalapit na ospital.
• Magbabalik ang regular na serbisyo ng Municipal Health Office sa Martes, Nobyembre 3, 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.

Address

El Nido
5313

Telephone

+639985694813

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - El Nido, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share