22/10/2026
October 22, 2026 | MGA NGITI AT MAINIT NA LUGAW PARA SA PANGARAP NG BATANG ESPERANZA!
Higit pa sa masarap na pagkain, pag-asa at malasakit ang hatid ng bawat mangkok ng Arroz Caldo para sa ating mga mag-aaral!
Sa patuloy na pagsusumikap ng ating lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Junjun Ploteña, kasama ang STP Team, matagumpay nating naipadama ang init ng pagmamahal at suporta sa mga kabataan ng New Panay Elementary School. Sa pamamagitan ng programang “Libreng Arroz Caldo para sa Batang Esperanza,” sinisigurado nating hindi lang busog ang kanilang tiyan, kundi masigla rin ang kanilang pusong mangarap para sa magandang kinabukasan! Tagumpay ang bawat araw basta't sama-sama tayo!
Isang taos-pusong pasasalamat mula kay Mayor Jun2 Ploteña para sa ating mga Barangay Officials at sa pamunuan at g**o ng New Panay Elementary School! Dahil sa inyong sipag, dedikasyon, at pagtutulungan, naging maayos at matagumpay ang pamamahagi ng "Pagmamahal sa Kabataan" sa ating bayan. Makakaasa po kayo na ang Lokal na Pamahalaan ng Esperanza ay patuloy na magbibigay ng tapat, maaasahan, at alagang serbisyo para sa bawat mamamayan!
Serbisyong Tatak Ploteña kasama si VM Helen Latog