19/09/2026
🎓🇵🇭 PAGPUPUGAY AT PAGBATI SA MGA PBBM SCHOLARS NG BARANGAY MABINI🇵🇭🎓
Buong galak at paggalang na ipinapaabot ng Sangguniang Barangay ng MABINI ang taos-pusong pagbati at pagkilala sa mga kabataang napabilang bilang PBBM Scholars ng Barangay MABINI:
1. VEA KARYLLE B. TUMARU
2. JASPER A. CALUCAG
3. EDMAR M. LINDA
4. PRINCESS DIANA O. BATAD
5. YANA ALEXA R. LINDA
Ang PBBM Scholarship Program ay isang programa na naglalayong magbigay ng tulong at oportunidad sa mga kwalipikadong mag-aaral upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo at makatulong sa kanilang paghahanda para sa mas magandang kinabukasan.
Sa ating mga mahal na scholars, nawa’y pahalagahan ninyo ang pagkakataong ito at ipagpatuloy ang inyong pag-aaral nang may sipag, tiyaga, disiplina, at pagpapakumbaba. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang kabataan ng ating komunidad na mangarap at magsikap para sa kanilang kinabukasan.
Ang Sangguniang Barangay ng Mabini ay kaisa ninyo sa inyong paglalakbay sa edukasyon at patuloy na sumusuporta sa mga pangarap at mithiin ng kabataan.
Ang Sangguniang Barangay ng Mabini ay hindi umiiwas sa anumang puna o batikos. Sa halip, naniniwala kami na ang bawat katanungan at saloobin ng ating mga kabarangay ay nararapat na pakinggan at sagutin nang maayos, malinaw, at may paggalang.
Mas nais naming maipaliwanag nang maayos at pormal ang anumang katanungan ukol sa proseso at mga naging hakbang upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at maling impormasyon.
Kung mayroon po kayong mga katanungan o nais na linawin, bukas po ang Sangguniang Barangay na makipag-usap at magbigay ng kaukulang paliwanag sa abot ng aming makakaya.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, respeto, at patuloy na pakikiisa sa mga programa para sa kapakanan ng ating mga kabataan at ng buong Barangay Mabini.
Congratulations to our PBBM Scholars! Nawa’y patuloy ninyong ipagmalaki ang inyong mga pamilya at ang buong Barangay Mabini. 🎓🇵🇭
Mabuhay ang kabataan ng Barangay Mabini!