27/10/2026
ANUNSYO MULA SA GENERAL MARIANO ALVAREZ WATER DISTRICT (GMAWD)
PAUNAWA (NOTICE)
Petsa: Oktubre 26, 2026
Ipinapaalam sa publiko na ang Lupon ng mga Katiwala ng Local Water Utilities Administration (LWUA), alinsunod sa Board Resolution No. 09, Series of 2026, na may petsang Enero 22, 2026, ay nag-apruba sa paunang singil para sa septage/sanitation fee ng General Mariano Alvarez Water District (GMAWD), gaya ng sumusunod:
Halaga ng bayarin
1. Mga kostumer ng GMAWD
₱3.70 bawat cubic meter (cu.m.) ng konsumo sa tubig
2. Mga hindi kostumer ng GMAWD
₱4,388.89 bawat sambahayan para sa septic tank na may sukat na 1.4 cu.m. o mas maliit
Mga hindi kostumer ng GMAWD na may mas malaking septic tank
₱3,134.92 para sa bawat septic tank na mas malaki sa 1.4 cu.m.
2. Paano kokolektahin ang bayarin?
Para sa mga kostumer ng GMAWD, ang bayad ay ibabatay sa kanilang aktuwal na buwanang konsumo sa tubig, anuman ang klasipikasyon ng kanilang koneksiyon sa serbisyo. Isasama ito bilang karagdagang singil sa kanilang buwanang bill sa tubig.
Para naman sa mga hindi kostumer ng GMAWD, ang bayad sa paglilinis o pagsipsip ng laman ng septic tank ay kailangang bayaran nang pauna, alinsunod sa sistemang “pay-per-service” o magbabayad kapag gagamit ng serbisyo.
3. Kailan ito ipatutupad?
Ipinapaalam ng GMAWD na ipino-post nila ang mga bayaring inaprubahan ng LWUA sa loob ng nasasakupan ng Bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite, nang pitong (7) araw bago ang pagpapatupad.
Kapag ipinatupad na, ang singil sa septage/sanitation ay magiging epektibo sa loob ng panahong hindi bababa sa limang (5) taon, mula 2026 hanggang 2030, na katumbas ng isang (1) siklo ng paglilinis o pagsipsip ng laman ng septic tank.
4. Para sa mga katanungan
Kung may mga katanungan tungkol sa abisong ito, maaaring makipag-ugnayan sa GMAWD sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Telepono: (046) 460-4645
Email: [email protected]
Website: www.gmawaterdistrict.gov.ph
Lubos na gumagalang,
JULIET M. NACITA
General Manager