11/09/2025
Cluster 4 BRGYS
Medical Mission
GUIMBA EENT
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SBM Angel Santos, Government Official, Guimba.
11/09/2025
Cluster 4 BRGYS
Medical Mission
GUIMBA EENT
05/09/2025
Isang mainit na pasasalamat sa ating mga masisipag na Barangay Health Workers! Ngayong araw ay personal na dinalaw ni Konsehal Angel R Santos ang ating mga BHW ng Brgy. Lennec upang ipagkaloob ang kanilang bagong uniporme – simbolo ng kanilang dedikasyon at serbisyo sa komunidad. Saludo kami sa inyong walang sawang pagtulong at pagmamalasakit.
18/08/2025
HAPPY MONDAY, GUIMBANIANS!🥰
Ang bawat seremonya ng pagtaas ng bandila ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang paalala ng ating tungkulin bilang mga lingkod-bayan na patuloy na magsilbi nang buong puso at may malasakit sa ating mga mamamayan.
Sa pagwagayway ng ating watawat, nawa’y patuloy tayong magsama-sama upang itaguyod ang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran ng ating komunidad. Higit pa rito, ito’y isang pagkakataon upang sariwain ang ating pangako na maging tapat, responsable, at mapagkalingang tagapaglingkod para sa bawat Pilipino.
06/08/2025
Munting handog ng inyong lingkod Angel R Santos at Solid North Partylist para sa mga bayani ng kalinisan. Maraming salamat po sa inyong sipag at malasakit sa ating palengke!
BHW of Brgy. Bulakid, Guimba Nueva Ecija
25/07/2025
Praying our farmers stay safe and strong through the floods. Hoping they can still save what they worked so hard for.
📸 : Divina Casison (K5 News FM Kalibo 94.5)
Kahit kanselado ang trabaho dahil sa masamang panahon, tuloy pa rin ang serbisyo! Araw-araw na pag-bisita ng inyong lingkod sa pampublikong palengke upang siguraduhin ang kaligtasan at pangangailangan ng mamamayan.
In times of calamity, unity shines the brightest. Delivering hope, one relief pack at a time. We are with you.
Ang inyo pong lingkod ay nag-bigay ng tulong sa ating mga kababayan na binaha sa Brgy. San Roque West.
Kumakatok, kumakamusta.
Sa gitna ng kalamidad, personal na bumisita ang inyong lingkod sa mga barangay na nasasakupan upang alamin ang kalagayan ng bawat isa. Sama-samang haharapin ang unos—dahil sa serbisyo publiko, walang iwanan.
23/07/2025
Sa kabila ng pansamantalang pagkansela ng trabaho dahil sa bagyo, patuloy ang ating serbisyo!
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa mga kababayan nating higit na nangangailangan. Serbisyong totoo, kahit sa gitna ng unos.
18/07/2025
Tunay na lingkod-bayan!
Personal na nakiisa ang inyong lingkod sa paglilinis ng ating palengke upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili at nagtitinda.
Ang malinis na palengke ay tanda ng malasakit sa komunidad!