14/10/2026
💈✂️ HANDOG NG PD: LIBRENG GUPIT SA CHUMANG ELEMENTARY SCHOOL ✂️💈
Taos-pusong pasasalamat sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng programang “Handog ng PD: Libreng Gupit” para sa mga mag-aaral ng Chumang Elementary School.
Ang gawaing ito ay isang makabuluhang serbisyo na naglalayong makatulong sa ating mga mag-aaral at maipakita ang malasakit ng kapulisan sa komunidad, lalo na sa larangan ng edukasyon at kapakanan ng kabataan.
Lubos ang aming pasasalamat sa inyong oras, pagsisikap, at serbisyong may puso. Ang inyong simpleng handog ay malaking tulong at nagdudulot ng saya sa ating mga mag-aaral. ❤️
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa pagpapaunlad ng aming paaralan at sa kapakanan ng aming mga mag-aaral!
Serbisyong may malasakit, para sa kabataan at bayan! 💙