25/10/2026
GSP SCHOOL-BASED TROOP CAMP, MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA SVIS
SAN VICENTE, Ilocos Sur — Matagumpay na nagtapos ang tatlong araw at dalawang gabing Girl Scouts of the Philippines (GSP) School-Based Troop Camp ng San Vicente Integrated School (SVIS) noong Oktubre 25, 2026, na may temang “Girl Scouts of Today, Leaders of Tomorrow.”
Layunin ng kamping na malinang ang kasanayan sa pamumuno, disiplina, pananagutan, pakikipagtulungan, at pagsasarili ng mga kalahok sa pamamagitan ng mga gawaing pangkampo at praktikal na pagsasanay.
Isa sa mga pangunahing gawaing isinagawa ng mga Girl Scout ang pagluluto, paghuhugas ng pinggan, paghahanda ng sariling pagkain, at pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang paligid. Ipinakita ng mga kalahok ang pagkukusa sa pagtupad sa mga gawaing ito nang hindi na kailangang paalalahanan, na nagpapakita ng kanilang disiplina, pananagutan, at kakayahang pangalagaan ang kanilang sarili.
Bilang bahagi ng espirituwal na paghubog sa mga kalahok, dumalo rin ang mga Junior at Senior Scout sa anticipated Mass na pinangunahan ni Rev. Fr. Felix A. Costales. Sa kanyang homiliya, binigyang-diin niya ang mahahalagang tungkulin ng mga kabataan at ang kahalagahan ng pananampalataya, mabuting asal, pananagutan, at paglilingkod sa kapwa.
Pinangunahan ang pagsasanay ng mga troop leader na sina Regina R. Ragasa, Camp Director; Clarita Rialubin at Angelyn Rituria - Navarro , Program Coordinator; Marissa Duallo Rialubin, Cherry Brecio, Sheryl Riotoc, Evelyn Giron, Prima Banes Albalos, Leah Astillero Iñigo, Myrene Loraine Ragasa Tamayo, Ma Rica Ragasa Rebula, Rosviminda Parel Ragasa, Catherine Radam, Business Managers; at Ednalyn Risulme Palado , Mimi Josephine Hilario, Betty Rialubin, Ma. Emelyn Ragunton, Charles Rick, Ellizer Riodil, Rowena Lazo Presto Quartermasters. Rose Anne Riotoc Barrientos, Health and Safety pamamagitan ng kanilang paggabay, nahubog ang mga kalahok sa pagiging responsable, masinop, at maaasahang mga kabataan.
Nagpakita rin ng buong suporta sa mga Junior at Senior Scout sina Gng. Phoebe R. Reynante, School Parent-Teacher Association (SPTA) President, at Gng. Nancy D. Tabanda, dating alkalde ng San Vicente at District GSP Committee Chairperson. Ang kanilang malasakit at pakikiisa ay naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng kamping.
Kinikilala rin ang suporta at paggabay ng mga consultant na sina Dr. Rosalinda Laurente , School Principal IV; Jennifer F. Remular Formoso Refinnej, Head Teacher I; Dr. Alma R. Tabilang, Public Schools District Supervisor (PSDS); at Jennifer Rojo, (SBM) Committee on Education, kasama si ma'am
Nancy Tabanda bilang District GSP Committee Chairperson.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamunuan ng GSP sa mga katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga kalahok, kabilang ang Philippine National Police (PNP) ng San Vicente, Bureau of Fire Protection (BFP), Rural Health Unit (RHU), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng San Vicente, at mga opisyal at tanod ng Barangay Poblacion, San Vicente, sa kanilang suporta at pakikiisa sa nasabing kamping.
Sa kabuuan, naging makabuluhan ang kamping dahil sa mga aral at karanasang natamo ng mga kalahok. Higit sa mga gawaing pangkampo, pinagtibay ng programa ang layunin ng Girl Scouting na humubog ng mga kabataang may disiplina, kakayahan, pananampalataya, at kahandaang mamuno at maglingkod sa pamayanan.
Pinatunayan ng matagumpay na gawaing ito na ang mga Girl Scout ay hindi lamang naghahanda para sa mga hamon ng kasalukuyan, kundi hinuhubog din upang maging mga responsableng lider ng kinabukasan.