18/07/2026
๐ฃ๐ฅ๐ข-๐ฒ, ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ ๐๐๐๐ง-๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐๐จ๐ ๐ ๐๐ง๐จ๐ ๐ข๐ ๐๐จ๐ก ๐ ๐๐ง๐จ๐ข๐ ๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐ฃ๐ง๐ ๐ก๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐ซ๐ง๐ข๐ฅ๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐ง๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฌ ๐๐จ๐ฆ๐ง ๐ข๐ฃ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐๐ก๐ ๐ ๐ข๐๐ข ๐ฃ๐ก๐ฃ
Ginapa-imbestigaran sa karun sang Police Regional Office (PRO-6) ang nagalapta nga impormasyon nga may extortion nga natabo sa buy bust operation sang Molo PNP.
Suno sa PRO6 nga nagapatigayon sila sa karun sang validation kag fact-finding agud matumod kun ano kamatuod ang nasambit nga impormasyon kag matumod kun sin-o ang tawo sa likod.
Pahayag pa sang PRO-6 nga sa tion nga mapamatud-an nga himo-himo lang ang nasambit nga impormasyon kag matumod ang tawo sa likod nga nagapakuno-kuno nga pulis, pasakaan nila ini sang kaso kriminal samtang magapangatubang man sang kaso kun mapamatud-an nga pulis ang sa likod sini.
Ginapanugyanan man sang PRO-6 ang publiko nga indi maghatag sang kwarta sa kun sin-o man ang nagapakuno-kuno nga pulis para buy-an ang ila priso ukon kabaylo sang pyansa.
By: M. Hervo - Miane
18/07/2026
READ | STATEMENT SANG POLICE REGโL. OFFICE-6 ANGUT SA GINAALEGAR TUYO NGA PAGPANGILKIL SANG GINAPATIHAN PULIS SA PAMILYA SANG NADAKPAN SA BUY-BUST OPERATION SA MOLO
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Police Regional Office 6 (PRO6) has taken cognizance of the information circulating on social media regarding an alleged extortion case. PRO6 has immediately initiated validation and fact-finding to establish the authenticity of the information and identify the persons involved. Pending the outcome of the investigation, it would be premature to draw conclusions based solely on an audio recording or social media posts.
Should the investigation establish that individuals falsely represented themselves as police officers to extort money or deceive the family of an arrested person, appropriate criminal charges will be pursued. Likewise, if any PRO6 personnel are found to have engaged in any unlawful or improper act, they will be dealt with swiftly and in accordance with the law. PRO6 likewise recognizes that the unauthorized use of the PNP's name or identity may be intended not only to defraud the public but also to undermine public trust and confidence in the organization.
The public is strongly advised not to give money to anyone claiming they can facilitate the release or bail of an arrested person without first verifying the information with the concerned police station or through official PNP communication channels. Legitimate police procedures do not require payments to individual police officers for the release or processing of criminal cases.
PRO6 remains committed to a fair, impartial, and evidence-based investigation while ensuring accountability, transparency, and the protection of public trust.
PBGEN RANDULF T. TUAรO
Acting Regional Director, PRO6
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐
18/07/2026
https://tonite.abante.com.ph/western-visayas-region-ligtas-kay-pbgen-tuano/opinion/
Western Visayas Region ligtas kay PBGEN Tuaรฑo
Naging ligtas ang Western Visayas sa ilalim ni PBGEN Randulf Tuaรฑo matapos ang sunod-sunod na pag-aresto sa mga wanted persons at pagkakasamsam ng iligal na droga.
18/07/2026
PRO6, nabawi ang 211 baril sa buong rehiyon sa unang dalawang linggo ng Hulyo -
Matagumpay na nakapagsagawa ang Police Regional Office 6 (PRO6) ng 228 operasyon laban sa mga loose fi****ms mula Hulyo 1 hanggang 15, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 17 indibidwal at pagkakabawi ng 211 baril sa ibaโt ibang bahagi ng Western Visayas. Sa kabuuang bilang, 16 na baril ang nak...
18/07/2026
PUMANGALAWA SA BUONG BANSA ANG PRO6 MATAPOS MAGTALA NG 39% PAGBABA SA MGA FOCUS CRIMES
ILOILO CITY โ Nagtala ang Police Regional Office 6 (PRO6) ng 39 porsiyentong pagbaba sa walong focus crimes sa Western Visayas mula Hulyo 10 hanggang 16, 2026 kumpara sa nakaraang linggo, na naglagay sa rehiyon bilang pangalawa sa buong bansa sa pinakamalaking porsiyento ng pagbaba ng mga focus crimes, batay sa datos ng PNP Statistics and Reports Division.
Sa naturang panahon, 14 na insidente ng focus crimes ang naitala, siyam na mas mababa kumpara sa 23 insidente na naitala mula Hulyo 3 hanggang 9, na nagpapakita ng patuloy na pagbaba ng mga malulubhang krimeng nakaaapekto sa buhay at ari-arian ng mamamayan.
Kabilang sa walong focus crimes na minomonitor ng PNP ang murder, homicide, physical injury, r**e, robbery, theft, carnapping ng mga sasakyang de-motor, at carnapping ng mga motorsiklo.
โAng pagbaba ng bilang ng mga focus crimes ay isang positibong indikasyon na ang tuloy-tuloy na police visibility, intelligence-driven operations, maagap na pagtugon, at pakikipagtulungan ng komunidad ay nakatutulong sa ating mga hakbang sa crime prevention,โ ani PBGen Randulf T. Tuaรฑo, Acting Regional Director ng PRO6.
โBagama't nakapagpapalakas ng loob ang pagbabawang ito, hindi ito dahilan upang maging kampante. Maaaring magbago ang mga trend ng krimen anumang oras, kaya patuloy nating palalakasin ang police visibility, intelligence operations, at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapanatili ang positibong trend na ito,โ dagdag niya.
Hinikayat din ng PRO6 ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa Unified 911 emergency hotline ang anumang kahina-hinalang aktibidad, mga wanted na personalidad, at mga insidente ng krimen.
โAng kaligtasan ng publiko ay pananagutan nating lahat. Ang bawat maagap at tumpak na impormasyong nagmumula sa komunidad ay nakatutulong sa mas mabilis na pagtugon ng pulisya, pag-iwas sa krimen, at pagprotekta sa mas maraming buhay at ari-arian,โ diin ni PBGen Tuaรฑo.
Naninindigan ang PRO6 sa pagsusulong ng RESPONSIVE, TRUSTED, AT TRANSFORMATIVE POLICING at sa paghahatid ng SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN tungo sa isang mas ligtas at mas panatag na Western Visayas. # # #
18/07/2026
PRO6, PINAIIGTING ANG UNIFIED 911 INFORMATION DRIVE SA LALAWIGAN NG ILOILO
WESTERN VISAYAS โ Pinalakas ng Police Regional Office 6 (PRO6), sa pamamagitan ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), ang kampanya nito upang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa wastong paggamit ng Unified 911 Emergency Hotline sa pamamagitan ng sabay-sabay na information drive na isinagawa sa buong lalawigan ng Iloilo noong Hulyo 18, 2026.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ng seremonyal na pagpapaskil ng mga Unified 911 hotline posters at pamamahagi ng 911 calling cards sa mga paaralan, tanggapan ng pamahalaan, barangay hall, transport terminals, mga establisimyento, ospital, pamilihang bayan, at iba pang mahahalagang lugar sa buong lalawigan upang maging mas madaling makita at maabot ng publiko ang impormasyon tungkol sa emergency hotline.
Isinagawa ang panlalawigang paglulunsad sa Barotac Nuevo National Comprehensive High School, kung saan nakiisa ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na stakeholder bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagpapalakas ng kahandaan sa oras ng emergency at pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.
Naging bahagi rin ng programa ang mga mag-aaral sa mga talakayan hinggil sa responsableng paggamit ng Unified 911 Hotline, kaligtasan sa paaralan, pag-iwas sa krimen, pagpapaunlad ng kabataan, at paghahanda sa panahon ng emergency bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations Month.
Kasabay nito, isinagawa rin ang parehong aktibidad ng Passi City Police Station at ng lahat ng 42 Municipal Police Stations sa lalawigan ng Iloilo, katuwang ang mga local government unit, Bureau of Fire Protection, Disaster Risk Reduction and Management Offices, Department of Education, mga opisyal ng barangay, at iba pang community partners.
Binigyang-diin ni PRO6 Acting Regional Director, Police Brigadier General Randulf T. Tuaรฑo, na mahalagang ugnayan ang Unified 911 sa pagitan ng publiko at ng mga emergency responder, kaya nararapat lamang itong gamitin nang tama at may pananagutan.
"Ang Unified 911 yara para sa kada pumuluyo nga nagakinahanglan sang madasig nga bulig. Gani importante gid nga gamiton naton ini sang husto kag responsable. Sa tion sang matuod nga emergency, ang kada segundo importante kag ang kada tawag mahimo nga makaluwas sang kabuhi," pahayag ni PBGEN Tuaรฑo.
Idinagdag pa niya na ang mga inisyatibong tulad nito ay lalo pang nagpapatibay sa ugnayan ng kapulisan at ng komunidad.
"Indi lang ini parte sang pagbutang sang posters ukon pagpanagtag sang information cards. Ang mas importante amo ang paghatag sang husto nga ihibalo agud mangin mas preparado ang aton mga komunidad sa tion sang panginahanglan. Kon nagabinuligay ang gobyerno kag ang pumuluyo, mas madasig kag mas epektibo ang aton pagresponde," dagdag niya.
Ang matagumpay na sabay-sabay na information drive ay patunay ng patuloy na pagpapatupad ng The PRO6 Way tungo sa "Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas" sa pamamagitan ng pinalalakas na community-oriented policing, law enforcement initiatives, at mga programang nakatuon sa serbisyo publiko, alinsunod sa PNP Focused Agenda at sa bisyon ng "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman," sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
(ORD-PRO6)
18/07/2026
PRO6, 32 ILLEGAL FISHING VIOLATORS NAHULI; MAHIGIT โฑ2.68-M HALAGANG KAGAMITAN AT HULI ANG NASABAT SA LOOB NG DALAWANG ARAW
WESTERN VISAYAS โ Mas pinaigting ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang kampanya nito laban sa illegal fishing matapos magsagawa ng 18 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 32 katao at pagkakasabat ng mga ipinagbabawal na gamit sa pangingisda at mga huling isda na nagkakahalaga ng kabuuang โฑ2,676,750.00 sa loob ng dalawang magkasunod na reporting periods mula alas-6:00 ng umaga ng Hulyo 16 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Hulyo 18, 2026.
Sa unang reporting period, mula Hulyo 16 hanggang 17, nagsagawa ang PRO6 ng limang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 17 indibidwal at pagkakasabat ng mga kagamitan at huling isda na nagkakahalaga ng โฑ1,545,200.00. Karamihan sa mga nakumpiskang kagamitan ay mula sa mga operasyon sa lalawigan ng Iloilo, habang nagsagawa rin ng magkakahiwalay na enforcement operations sa Antique at Guimaras.
Sa sumunod na reporting period, mula Hulyo 17 hanggang 18, nagsagawa naman ang mga police unit ng 13 pang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 15 indibidwal at pagkakasabat ng mga iligal na gamit sa pangingisda at huling isda na nagkakahalaga ng โฑ1,131,550.00. Isinagawa ang mga operasyon sa Aklan, Antique, Guimaras, at lalawigan ng Iloilo, na nagpapakita ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas sa mga baybaying komunidad ng Western Visayas.
Binigyang-diin ni PRO6 Acting Regional Director, Police Brigadier General Randulf T. Tuaรฑo, na ang kampanya laban sa illegal fishing ay hindi lamang para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa pangisdaan kundi para rin sa pangangalaga ng yamang-dagat at pagsuporta sa kabuhayan ng mga mangingisdang sumusunod sa batas.
"Padayon naton nga pabaskugon ang aton kampanya batok sa illegal fishing. Ang pagroteher sang aton yamang-dagat responsibilidad naton nga tanan. Gani ginapangabay naton ang publiko nga magbinuligay kag mag-report dayon sang bisan ano nga iligal nga aktibidad sa aton kadagatan. Paagi sa bulig sang komunidad, mas mapabakod pa naton ang aton pagpatuman sang layi," pahayag ni PBGEN Tuaรฑo.
Ang tuloy-tuloy na mga operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagpapatupad ng The PRO6 Way tungo sa "Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas" sa pamamagitan ng pinaigting na law enforcement efforts, community-oriented policing, at mga serbisyong nakaangkla sa PNP Focused Agenda at sa bisyon ng "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman," sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
(ORD-PRO6)
18/07/2026
PRO6, NAGTALA NG IKALAWANG PINAKAMALAKING PAGBABA NG EIGHT FOCUS CRIME SA BUONG BANSA
WESTERN VISAYAS โ Nagtala ang Police Regional Office 6 (PRO6) ng ikalawang pinakamalaking pagbaba ng insidente ng Eight Focus Crime sa buong bansa matapos makapagtala ng 39 porsiyentong pagbaba sa monitoring period mula alas-6:00 ng umaga ng Hulyo 10 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Hulyo 16, 2026.
Batay sa comparative crime data, nakapagtala ang PRO6 ng 14 na insidente sa naturang panahon, mas mababa kumpara sa 23 insidenteng naitala noong Hulyo 3 hanggang 9, 2026. Katumbas ito ng siyam na mas kaunting insidente o 39 porsiyentong pagbaba.
Iniuugnay ang positibong resulta sa patuloy na pagpapatupad ng mga police operation, mas pinaigting na police visibility, intelligence-driven operations, at sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng mga local government units, barangay, partner agencies, at ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Ayon kay PRO6 Acting Regional Director, Police Brigadier General Randulf T. Tuaรฑo, sumasalamin ang naturang pagbaba sa sama-samang pagsisikap ng kapulisan at ng iba't ibang sektor ng komunidad sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang Western Visayas.
"Ang ini nga resulta nagapakita sang aton nga padayon nga police operations kag ang pagbinuligay sang aton nga local government units, barangays, kag pumuluyo nagahatag sang positibo nga epekto. Apang indi ini kabangdanan agud magkampante kita. Padayon naton nga pakusgon ang police presence, crime prevention programs, kag ang aton pakig-angot sa komunidad agud mapadayon ang kalinong kag katawhay sa Western Visayas," pahayag ni PBGEN Tuaรฑo.
"Ini nga positibo nga trend nagapakita sang The PRO6 WayโIntelligence First. Results That Speak for Themselves. Padayon naton nga paiigtingon ang intelligence-driven policing, proactive law enforcement operations, kag community partnership agud mapabilin kag mas mapauswag pa ang peace and order situation sa aton rehiyon," dugang niya.
Hinimok din ni PBGEN Tuaรฑo ang publiko na manatiling mapagmatyag at patuloy na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad at aktibong pakikilahok sa mga programa para sa kaligtasan ng komunidad. Aniya, ang pangmatagalang kapayapaan at kaayusan ay higit na mapagtitibay sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng pulisya at ng mamamayan.
Tiniyak ng PRO6 na ipagpapatuloy nito ang pagpapalakas ng mga hakbang sa crime prevention, intelligence gathering, police visibility, at community engagement, kasabay ng mas malapit na koordinasyon sa mga partner agencies at iba pang stakeholders upang mapanatili ang positibong peace and order situation sa buong Western Visayas.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na pagtupad ng PRO6 sa layunin nitong Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas, bilang suporta sa bisyon ng Philippine National Police na "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman," sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
(ORD-PRO6)