24/07/2026
๐จ 2 TOP PROVINCIAL MOST WANTED PERSONS IN ANTIQUE ARRESTED ๐จ
The Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 6 (CIDG RFU6), through the CIDG Antique Provincial Field Unit, successfully arrested two (2) Top Provincial Most Wanted Persons of Antique in separate manhunt operations conducted on July 23, 2026, in the municipalities of San Jose and Patnongon, Antique.
The operations underscore CIDG's unwavering commitment to intensifying the campaign against wanted persons and ensuring that fugitives are brought before the bar of justice.
CIDG RFU6 commends the dedication, professionalism, and seamless coordination of the operating teams, as well as the continued support of the Police Regional Office 6 (PRO6) in achieving this significant accomplishment.
Together, we remain steadfast in our mission to uphold the rule of law and promote a safer and more secure Western Visayas.
No lawbreaker is beyond the reach of justice.
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฉ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐ข๐ช๐ฎ๐, ๐๐ข๐ฆ๐๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ก๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐
ANTIQUE โ Dalawa sa mga pangunahing wanted persons ng Antique ang naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa magkahiwalay na manhunt operations sa San Jose at Patnongon noong Hulyo 23, 2026. Ang mga naaresto ay nakatala bilang Top 7 at Top 8 Provincial Most Wanted Persons ng Antique.
Unang naaresto si alyas โDaryl,โ 36 taong gulang, binata, furniture maker, at residente ng Barangay San Rafael, Patnongon, Antique. Siya ay nahuli bandang 7:50 ng umaga sa Barangay Madrangca, San Jose, at nakatala bilang Top 8 Provincial Most Wanted Person ng Antique Police Provincial Office.
Makalipas lamang ang mahigit dalawang oras, naaresto rin bandang 10:00 ng umaga sa Barangay Poblacion, Patnongon, Antique si alyas โJohn,โ 27 taong gulang at residente rin ng Barangay San Rafael. Siya ay nakatala bilang Top 7 Provincial Most Wanted Person ng Antique PPO at Top 2 Municipal Most Wanted Person ng Patnongon MPS.
Kapwa pinangunahan ng Tracker Team ng Criminal Investigation and Detection GroupโAntique Provincial Field Unit ang dalawang operasyon, katuwang ang mga kinauukulang yunit ng PRO6.
Inaresto ang dalawang akusado sa bisa ng mga Warrant of Arrest para sa kasong Homicide na inilabas noong Hulyo 22, 2026, ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 64, Bugasong, Antique. Inirekomenda ng hukuman ang piyansang PhP120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng bawat isa.
Pinuri ni PRO6 Acting Regional Director, Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, ang mga operatiba dahil sa mabilis at mahusay na koordinasyong nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang provincial most wanted persons sa loob lamang ng isang araw.
โAng pagkakaaresto sa dalawang provincial most wanted persons ay malinaw na patunay ng The PRO6 WayโIntelligence First, Coordination Always, and Results That Speak for Themselves. Sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, mabilis na koordinasyon, at disiplinadong pagkilos ng ating mga operatiba, patuloy nating inilalapit sa hustisya ang mga indibidwal na nagtatangkang umiwas sa pananagutan,โ ani PBGen Tuaรฑo.
โWalang wanted person ang maaaring magtago habambuhay. Patuloy nating paiigtingin ang mga manhunt operation upang matiyak na ang bawat akusado ay maihaharap sa hukuman at mabibigyan ng pagkakataon ang mga biktima at kanilang pamilya na makamit ang hustisya,โ dagdag niya.
Ang dalawang naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Antique Provincial Field Unit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa hukuman.
Patuloy na pinalalakas ng PRO6 ang kampanya laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng pagsusulong nito ng RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING for a safer Western Visayas.
Ang tagumpay na ito ay naayon din ng bisyon ng Philippine National Police na "BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN," sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr, Chief, PNP.
(PNP-RPIO6)
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐