16/02/2026
๐๐ International Safer Internet Day 2026
In solidarity with the global call for a safer digital space, the City Government of Imus and its City Council for the Protection of Children proudly support and commemorate this yearโs Safer Internet Day with the localized theme:
โAko, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at CSAEM.โ
Together, let us promote responsible digital citizenship, protect children from online sexual abuse and exploitation, and build a safe, empowering online environment for everyone.
โจ Stay informed.
โจ Stay vigilant.
โจ Stay connected โ and protected.
05/12/2025
๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐๐งฬ๐จ, ๐ง๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ฌ' ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ฌ
๐๐๐๐๐๐๐: Higit 520 katao ang dumalo sa makulay na pagdiriwang ng PWDs' Festival of Talents na ginanap noong Nobyembre 26, 2025, sa City of Imus Sports Complex.
Pinangunahan ang programa ng Office of the Persons with Disability Affairs Officer at ni Special Needs (SNED) Program Supervisor Riza Garcia bilang resource speaker. Dinaluhan din ng mga opisyal ng Lungsod ang nasabing programa, kabilang sina City Vice Mayor Homer T. Saquilayan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Lumahok sa festival ang 10 SNED schools, tampok ang ibaโt ibang pagtatanghal sa musika, sayaw, sining, at iba pang anyo ng malikhaing pagpapahayag.
Layunin ng programa na mabigyan ng plataporma ang PWDs upang maipakita ang kanilang mga talento at mapalakas ang kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili. Higit pa sa pagtatanghal, isinusulong ng festival ang inklusibidad, paglaban sa diskriminasyon, at ipinapakita na ang kapansanan ay hindi limitasyon, kundi isang natatanging anyo ng potensyal ng tao.
02/12/2025
๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐ง๐ ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ: ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐
๐ข๐ง๐๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ญ๐๐ซ๐๐๐ฒ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ
๐๐๐๐๐๐๐: Sa layuning palakasin ang Eskwela Kooperatiba (EK) Program, isinagawa ng Office of the City Cooperatives Development Officer (OCCDO) ang 2025 EK Summit: Youth Financial Literacy Festival at awarding ceremony ng EK Buzzword Making Contest nitong Martes, Nobyembre 25, 2025, sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
Ang patimpalak ay nagbigay-daan sa kabataan na ipamalas ang kanilang malikhaing kakayahan sa paggawa ng tagline na sumasalamin sa diwa ng pagtitipid, pag-iimpok, at kooperasyon. Bukod dito, sumailalim din ang mga kalahok sa mga gawaing inihananda ng OCCDO.
Narito naman ang mga nagwagi sa EK Buzzword Making Contest:
1st Place: Jairus Clyde Onceno โ Pasong Buaya 3 Elementary School
2nd Place: Zoe Jaranilla โ Pasong Buaya 3 Elementary School
3rd Place: Carlene Chane Montenegro โ Imus National High School
Wagi naman sa Peopleโs Choice Award (Social Media) si Queen Eiriel Reyes Magat ng General Emilio Aguinaldo National High School.
Kinilala rin ang mga Guardian Cooperative na may pinakamataas na savings deposit:
1๏ธโฃ Anabu Development Cooperative
2๏ธโฃ Campus and Community Multipurpose Cooperative
3๏ธโฃ Pag-asa Community Multipurpose Cooperative
Narito naman ang mga paaralang may pinakamataas na savings deposit:
1๏ธโฃ Pasong Buaya 3 Elementary School
2๏ธโฃ Pasong Buaya 2 Elementary School
3๏ธโฃ Anabu 2 Elementary School
Samantala, nakatanggap ng consolation prizes ang mga sumusunod na kooperatiba:
๐ต EMI Employees Development Cooperative
๐ต Imus Vendors Development Cooperative
๐ต Toclong 1st Multipurpose Cooperative
๐ต Kapit-Baryo Multipurpose Cooperative
๐ต Damayan sa Cavite Community Multipurpose Cooperative
๐ต Cavite Metro Multipurpose Cooperative
Ayon sa OCCDO, layunin ng programa na palakasin ang savings deposits ng mga kasapi, palawakin ang membership, at pumili ng opisyal na EK tagline na magsisilbing gabay sa mga susunod na taon.
02/12/2025
๐,๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐ซ๐ง๐๐ซ๐ฌ, ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐: Tumakbo ang mahigit 4,000 Early Child Care and Development (ECCD) learners at kanilang mga magulang sa Takbulilit 2025 na ginanap noong Biyernes, Nobyembre 14, 2025, sa City of Imus Grandstand and Track Oval.
Ayon sa Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO), layunin ng Takbulilit 2025 na hikayatin ang mga bata sa aktibong paglalaro kasama ang kanilang mga magulang.
Dumalo bilang panauhing pandangal si Konsehal Shernan Jaro na nagbigay rin ng suporta sa mga bata at magulang na lumahok sa programa.
Ang Takbulilit 2025 ay bahagi ng mga pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ngayong National Childrenโs Month.
02/12/2025
๐๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐๐งฬ๐จ, ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐จ๐จ๐ค ๐๐ก๐๐ซ๐๐๐ญ๐๐ซ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐: Talento sa malikhaing kasuotan at pagsasadula ang ipinamalas ng 98 batang Imuseรฑo sa Book Character Costume Competition: Dressing up and Acting Out โ Year 5 ng City of Imus Public Library noong Huwebes, Nobyembre 13, 2025.
Ginanap ang pagtitipon sa City of Imus Youth Center na sinundan ng parada mula Imus Pilot Elementary School patungong City of Imus Sports Complex, kung saan idinaos ang paggawad ng mga parangal.
Nahati sa apat na kategorya ang kumpetisyon na nilahukan ng mga batang Imuseรฑo mula Kinder hanggang Grade 12.
Hinirang na 1st place at Best in Costume si Zayn Johann Tulang na nag-ala Paboreal sa unang kategorya.
Si Jiah Kelsey Papa naman ang nakakuha ng 1st place sa ikalawang kategorya matapos mag-ala Thumbelina, habang si Zabrina Jazzrelle Tulang ang nakakuha ng Best in Costume sa kanyang Te Fiti/Te Ka costume.
Samantala, wagi si Joeiana Altheaia Canada na mapanalunan ang unang puwesto na nag-ala Rapunzel at si Gemaica Angelynne Leopoldo ang Best in Costume sa kanyang kasuotang Elphaba sa ikatlong kategorya.
Napanalunan naman ni Jade Ann Restar Casipit ang unang puwesto bilang The Queen of Hearts at ni Kurt Russian Maaรฑo ang Best in Costume bilang Captain Ahab sa ikaapat na kategorya.
Nagsilbing hurado sa kompetisyon sina retired Department of Education Supervisor Feliz Tayao, Microsoft Innovative Educator Expert Kate Medina Bare, at School Librarian Mabel Musa ng St. Michael Institute of Bacoor.
Ang taunang kompetisyon ay patuloy na nagtataguyod ng malikhaing pagbasa at pagpapahalaga sa literatura sa kabataan ng Imus.
02/12/2025
๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ฌ๐จ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐
๐๐๐๐๐๐๐: Pagbuo ng negosyo ang natutunan ng humigit-kumulang 40 estudyante sa Imus sa ginanap na Eskwela Kooperatiba (EK) AAsenso Program: โBusiness Idea Development, Mentoring, and Pitchingโ ng Office of the City Cooperatives Development Officer noong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025, sa CLTC Building, Brgy. Poblacion 2-A.
Sa pamamagitan nito, naipakilala sa mga kabataan ang mga batayang konsepto ng entrepreneurship sa praktikal na paraan, hikayatin ang kanilang pagkamalikhain at pagtutulungan sa pagbuo ng business ideas, at bigyan ng pagkakataong maipakita ang kanilang talento pagdating sa pagnenegosyo.
Nagsilbing panelists sa nasabing aktibidad sina Jane Maghanoy, Kayen Lucille Serrano, Katrina Paula Caballe, at Annalyn Hernandez.
Ang EK AAsenso Program ay patuloy na nagiging daan upang mahubog ang susunod na henerasyon ng mga Imuseรฑo na handang magtaguyod ng makabagong ideya at mga konsepto sa negosyo.
02/12/2025
๐๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ญ ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐, ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฉ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐
๐๐๐๐๐๐๐: Natuto ng mga pangunahing kaalaman sa pagnenegosyo ang 40 kabataang Imuseรฑo na miyembro ng Eskwela Kooperatiba (EK) sa isinagawang Entrepreneurship Basic Training ng Office of the City Cooperatives Development Officer noong Miyerkules, Nobyembre 5, at Huwebes, Nobyembre 6, 2025, na ginanap sa 2nd Floor, Cooperative and Livelihood Training Center Building, Brgy. Poblacion 2-A.
Nanguna sa pagtuturo sina Jane Maghanoy, Kayen Lucille, C. Serrano, Katrina, Paula M. Caballe, at Annalyn S. Hernandez, kung saan tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Discovering the Entrepreneur in You, Smart Money: Costing & Pricing, Branding & Selling in the Digital Age, at Business Proposal Writing.
Layunin ng programa na hubugin ang kaisipan at kasanayan ng mga miyembro ng EK sa larangan ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng simple, praktikal, at makabuluhang konsepto ng entrepreneurship.
02/12/2025
Congratulations, City of Imus!
22/11/2025
CINEMAKABATA 2025 FILM SHOWING ๐ฌ
Experience stories that challenge, inspire, and awaken.
๐ฝ๏ธ Morning Screening: 9:30 AM โ 12:30 PM
๐ฝ๏ธ Afternoon Screening: 1:30 PM โ 4:30 PM
TICKETS ARE FREE!
You may claim your walk-in tickets at the cinema entrance. Only 100 tickets will be available for walk-in audiences.
Be part of a movement told through film. ๐ฉต๐
18/11/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐
๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐!
Ngayong taon, hindi lang pelikula ang ihahain naminโisang makapangyarihang panawagan.
Our young filmmakers rise to the challenge with stories that confront reality, ignite awareness, and inspire courage amidst the fight against illegal drugs.
Abangan ang official film showing schedules!
CINEMAKABATA Short Film Festival 2025: โSay No to Drugs: Empowering the Youth for a Better Futureโ
11/11/2025
NATIONAL CHILDREN'S MONTH NA!
Sa temang โOSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bawat Bata, Ipaglaban,โ sama-sama nating ipagdiwang ang National Childrenโs Month 2025!
Narito ang Calendar of Activities ng Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang patunay ng ating patuloy na adbokasiya sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat batang Imuseรฑo. ๐ง๐ฆ๐