05/09/2026
KAYQUIT INTEGRATED SCHOOL NAGSAGAWA NG SAFETY DRILL ON ACTIVE ATTACKS SIMULATION
Setyembre 3, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan at kahandaan ng buong komunidad ng paaralan, isinagawa ng Kayquit Integrated School (KIS) ang isang simulation ukol sa Safety Drill on Active Attacks, sa pakikipagtulungan ng mga g**o at kawani ng paaralan, School Parent-Teacher Association (SPTA) Officers, at mga opisyal ng Barangay Kayquit I at Kayquit II. Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang kahandaan, koordinasyon, at wastong pagtugon ng paaralan at mga katuwang nitong komunidad sa mga posibleng sitwasyong nagbabanta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.
Lubos na kinikilala at pinasasalamatan ng pamunuan ng KIS ang mga kaguruan at kawani ng paaralan sa kanilang buong-pusong pakikiisa, paghahanda, at pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maging maayos at organisado ang aktibidad. Gayundin, kinikilala ang mahalagang suporta ng mga SPTA Officers, mga Punong Barangay, mga Kagawad, at mga Barangay Tanod ng Kayquit I at Kayquit II, na naglaan ng kanilang oras, serbisyo, at koordinasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga kalahok.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng simulation ay nagpapakita ng matibay na school-community partnership at ng sama-samang pananagutan sa pagprotekta sa mga mag-aaral at sa buong school community. Higit sa lahat, ipinakita ng gawaing ito na ang kahandaan ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi isang sama-samang pagkilos ng paaralan, pamilya, barangay, at iba pang katuwang.
Gayunpaman, alinsunod sa pinakahuling paalala ng Department of Education hinggil sa trauma-informed, age-appropriate, at βDo No Harmβ protocols, ang mga susunod na safety preparedness activities ng KIS ay isasagawa sa paraang hindi nagdudulot ng hindi kinakailangang takot, distress, o trauma sa mga mag-aaral. Ang mga simulation ay higit na bibigyang-diin sa wastong procedures, preparedness, communication, evacuation, lockdown protocols, at coordinated response, sa halip na sa hyper-realistic o fear-inducing scenarios.
Sa kabuuan, ang aktibidad ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang mapalakas ang ugnayan ng Kayquit Integrated School at ng mga Barangay Kayquit I at II. Ang sama-samang pagsisikap ng mga g**o, kawani, SPTA Officers, Barangay Officials, at Barangay Tanod ay isang patunay ng kanilang malasakit, pakikipagtulungan, at dedikasyon sa pangangalaga sa buhay at kapakanan ng bawat mag-aaral at miyembro ng paaralan. Ang KIS ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito at umaasang magpapatuloy ang ganitong pagkakaisa tungo sa isang ligtas, handa, mapayapa, at child-friendly na paaralan.