02/10/2026
๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ง๐๐ฌ๐ข! | "Inaanyayahan natin ang lahat ng mga Kabsuhenyos na makiisa tayo! Kumausap kayo ng inyong mga kasama, mga kaklase, mga kaibigan, ipaalam sakanila ang 67M Budget Cut sa CvSU, ang epekto nito sa bawat estudyante, faculty, at staff, at sa tinutulak nating tunay na libre, dekalidad, at makamasang edukasyon para sa lahat."
โ ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐๐น๐น๐ฎ๐, Lead Convenor, CvSU Laban sa Budget Cut Network
Sa Regional Day of Action Against Budget Cuts in Education and Social Services ngayong Setyembre 18 sa Layaโt Diwa Plaza ng Cavite State University, umalingawngaw ang panawagan ng mga Kabsuhenyos laban sa budget cut, korapsyon, at mga imperyalistang interes ng rehimeng US-Marcos at Duterte, kabilang ang huwad na Pax Silica, at Luzon Economic Corridor.
Hindi hiwalay ang mga usaping ito sa laban ng mga Iskolar ng Bayan. Habang kinakaltasan ang pondo para sa edukasyon at batayang serbisyo, patuloy nating kinekwestyon ang prayoridad ng gobyerno pagdating sa pondo ng bayan, kung saan napupunta ang mga likas na yaman ng bansa, at kung kaninong interes ang pinaglilingkuran ng palpak na Pamahalaan.
Mula sa โฑ67M budget cut sa CvSU, hanggang sa korapsyon at mga kasunduang tulad ng Pax Silica, malinaw ang ating kampanya: ang pondo ng bayan ay dapat mapunta sa edukasyon at serbisyong panlipunan, hindi sa interes ng iilan at dayuhang kapangyarihan.
Kabsuhenyos, huwag manatiling tahimik. Kumausap, mag-organisa, at sama-samang manindigan kasama ng masa!
IBALIK ANG โฑ67M BUDGET SA CvSU!
LABANAN ANG KORAPSYON!
TUTULAN ANG PAX SILICA!
IPAGLABAN ANG EDUKASYON AT BATAYANG SERBISYO!
SUMAMA SA CvSU WALKOUT NGAYONG LUNES!